57

1.1K 22 1
                                    


Chapter 57

Finding

**✿❀ ❀✿**

"Ellaine, stop na."

"G-Gusto ko pa," saad ko at kinuha kay Kierra ang isang shot na dapat ay iniinomin ko na.

"Ellaine, lasing ka na umuwi na tayo." Pagpipigil pa din sa'kin ni Samantha.

Lahat ng mga inorder kong alak ay pinaglalayo nila sa'kin. Ayaw nila akong pahawakin ng kahit ano'ng alak. Kaya inis ko silang tiningnan. Hindi ko alam kung pa'no nila ako natagpuan sa sa isang bar na pinuntahan ko. Eh, wala naman akong pinagsabihan sa kanila kung sa'n ako pupunta.

"Ano ba! Ako naman ang nagbayad ng mga wine na 'yan!" inis kong sigaw sa kanila.

"Eh, ano naman kung ikaw!" mataray na sigaw din pabalik sa'kin ni Aaliyah.

Kakabalik lang nila ni Franchesca galing sa ibang bansa ng mapasugod daw sila dito sa bar dahil sa'kin at sinusundo na nila ako. Pilit na hinahatak nila ako papalabas sa may VIP room para makauwi na.

"Gusto mo ba na mamatay ng maaga?" sigaw din sa'kin ni Roseanne.

Kaya wala akong nagawa kundi ang maupo at napasabunot na lamang ng aking buhok. Mga ilang araw ko na din 'tong ginagawa. Ang maglasing. Mas maigi na nga ang gan'to kaysa naman ang mabaliw ako kakaisip kay Devin. Mas gusto kong makatulog ng mapayapa kahit paggising ko ay masakit ang ulo ko.

Mas okey 'yon sa'kin. Ayaw kong mabaliw. Ayaw ko ng nararamdaman ko. Masyado ng mabigat sa pakiramdam. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano'ng dapat kong unahin. Sumasakit ang ulo ko at dibdib ko.

"Roseanne, may gamot ba kayo para sa puso?" mahinang anas ko at hinawakan ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko. "S-Sobrang...sobrang sakit na kasi. Hindi ko alam kung pa'no 'to ulit maghihilom. Hindi ko alam kung ga'no ulit katagal bago mawala ang sakit. Patulong naman, oh?"

"Ellaine, I'm sorry," mahinang anas ni Kierra kaya umiling ako sabay natawa.

"Wala kang kasalanan," saad ko. "Wala kang kasalanan."

"Tama si Ellaine," pagsang-ayon sa'kin ni Samantha. "Kung anuman ang nagawa ng mga Kuya mo sa amin ay labas ka do'n. Kung napaiyak man nila kami. Kung nasaktan man nila kami. Wala kang kasalanan, Kierra. Labas ka do'n. Labas ka sa isyung meron sa amin ng Kuya mo."

"But they are my brothers and I am ashamed of what they did," sabi ni Kierra at halatang nagu-guilty.

Walang sumagot dahil sa sinabi ni Kierra. Lahat kami ay tumahimik. Isa-isa silang nag-siupo at ininom ang mga alak na binili ko. Kanina ay puro sila sermon sa'kin dahil sa ginagawa kong pag-inom ng alak na para bang isang tubig lang 'yon.

"Sakit sa ulo ang umibig, right?" tanong ni Franchesca.

"Hindi lang masakit sa ulo pati kamo sa dibdib," saad ni Aaliyah sabay tinuro pa ang dibdib kung nasaan ang puso.

"Buti pa 'tong dalawa na 'to," biglang sabi ni Kierra at tinuro pa kala Roseanne at Samantha. "Ang daya n'yo. Kayo okey na 'yung buhay n'yo. Samantalang kami ay hindi. Miserable pa rin. Ano ba'ng ginawa naming kasalanan dati at gan'to kasakit ang pinagdadaanan natin?"

Natawa ng bahagya si Aaliyah. "Baka 'to na 'yung kabayaran natin sa pagiging makulit natin dati ng mga bata pa tayo."

Natawa din ako sa sinabi ni Aaliyah. Baka nga. Wala kasi kaming ginawa ng bata pa kami ay kundi ang umaway ng umaway kapag may nang-aaway sa isa naming kaibigan. Dati ng nasa elementary namin ay uso madalas ang away. Kaya puro kami gano'n. Nagbago lang kami ng kaunti ng tumuntong kami ng high school at hanggang sa naging college kami.

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon