56

1K 22 0
                                    


Chapter 56

Resign

"Mi, hindi pa pupunta dito si Di?"

Napatingin ako kay Ril ng itanong n'ya 'yon sa'kin pagkauwi ko sa bahay. Hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos ang isyu na kumakalat tungkol sa'kin at mas lalo pa 'yon nadadagdagan. Sumasakit na ang ulo ko dahil do'n.

"Oo nga, Mi. Hindi n'ya ba tayo nami-miss?" tanong pa ni Raz.

Nasa sala sila kasama nila si Fratello maggiore na nakatingin din sa'kin at mukhang hinihintay din ang isasagot ko. Simula ng ibalik ako ni Devin dito sa bahay ay hindi pa s'ya muling pumupunta dito sa bahay ni Fratello maggiore.

Mga ilang araw na din 'yon at mag-aapat na araw na. Patapos na din ang teleseryeng ginagawa namin at panghuling taping ko na bukas. Kaya naman mapagtutuunan ko na ng atensyon ang isyu na patuloy pa ring kumakalat hanggang ngayon.

"H-Hindi ko alam, anak. B-Baka busy pa s'ya sa t-trabaho n'ya," saad ko at umiwas ng tingin sa kanila.

"Trabaho? Hindi ba pwedeng dalawin man lang n'ya tayo, Mi. Kahit isang oras lang?" tanong pa muli ni Ril.

Napapikit ako sa kakulitan nilang dalawa ni Raz sa kakatanong. Hindi ko alam kung pa'no ko sila kakausapin. Wala din kasing paramdam sa'kin si Devin simula ng maihatid n'ya ako dito. Ni kahit hi o ho nga ay wala man lang. Eh, may number naman n'ya naman ako. Mutual din kami sa mga social media pero hindi s'ya nagme-message.

"Buddies, 'wag n'yo na muna kulitin si Mi. Pagod s'ya sa work. Matulog na kayo at may pasok pa kayo bukas ng umaga, right?" tanong ni Fratello maggiore sa mga bata at nagpapasalamat naman ako dahil do'n sa pagtanong ni Fratello maggiore sa mga bata.

"Okey po, good night," saad nila bago sila tuluyang umakyat sa itaas.

Kaya naman naiwan kaming dalawa ni Fratello maggiore sa sala. Napahiga ako sa sofa at pagod na pagod kong pinikit ang aking mata. Masakit ang buo kong katawan dahil sa trabaho. Maghapon ba namang nasa taping. Dapat talaga ay hindi ako umuuwi ng bahay dahil amy sarili naman kaming tinutuluyan do'n para sa taping pero hindi ko matiis na hindi ko makita ang mga bata.

"Ayos ka lang?" tanong sa'kin ni Fratello maggiore.

Umiling ako at naramdaman kong umupo sa may uluhan ko si Fratello maggiore at nilagay n'ya ang ulo ko do'n sa may hita n'ya. Sabay marahang hinahaplos n'ya ang aking buhok. Hindi ko alam pero para akong maiiyak dahil sa ginawa ni Fratello maggiore. Matagal-tagal na din simula ng ginawa n'ya sa'kin 'to.

"I'm not," mahinang anas ko.

"Halata nga," mahinang anas din n'ya. "May problema ba? Hindi ko s'ya nakita ng ilang araw, ah? Ano'ng nangyari? Akala ko ba nagkaayos na kayo?"

"H-Hindi pa kami m-maayos," saad ko na naiiyak kaya tinakpan ko ang mukha ko ng unan para hindi makita ni Fratello maggiore na umiiyak ako.

"Kung gano'n...nasaan s'ya? Bakit hindi s'ya gumawa ng paraan para magkaayos kayo? Para sa anak n'yo?" sunod-sunod na tanong sa'kin ni Fratello maggiore.

Umiling ang ako ng umiling. Alam kong hindi 'yon pupunta dito dahil nakiusap ako sa kanya. Pero wala naman akong sinabi na 'wag s'yang magpakita sa mga bata. Wala akong sinabi na 'wag muna s'yang pumunta dito. Ang sabi ko lang naman ay bigyan n'ya ako ng time.

Naintindihan n'ya ba ang sinabi ko? Mukhang hindi o baka naman sumuko na s'ya? Mahirap ba 'yung hinihiling ko? Ang sabi ko lang gusto ko lang makapag-isip-isip muna. Dahil naguguluhan ako. Sa'n nga ba ako naguguluhan? At bakit?

"La mia sorellina, gan'to lang ako pero bilang Fratello maggiore mo gusto kong makita kang nakangiti. Gusto kong makita kang masaya at ayaw ko 'yung gan'to ka. Pakiramdam ko kasi kapag nakikita kang ganyan ay wala akong kwenta na Fratello maggiore mo," mahabang saad n'ya at patuloy lang s'ya sa paghaplos ng aking buhok. Sinusuklayan n'ya 'yon.

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon