52

1K 21 10
                                    


Chapter 52

My world

Nang makarating kami sa bahay ay nagulat ako ng makita ko si Fratello maggiore. Nakaabang s'ya sa amin kaya naman tumakbo papalapit ang mga anak ko papalapit kay Fratello maggiore. Nakangiti 'to sa amin na para bang kanina pa kami hinihintay.

Kailan pa s'ya bakauwi? Hindi man lang nagpasabi si Fratello maggiore

"Hey, maligayang pagbabalik. Kumusta ang isang linggong bakasyon?" tanong ni Fratello maggiore sa mga bata.

"Maganda ang bakasyon namin, Zio-padrino," sagot ni Ril.

(Translation: Tito-Ninong.)

"Masarap ang bakasyon namin, Zio-padrino," sabi naman ni Raz.

Kaya naman tumingin si Fratello maggiore kay Raf ng hindi na naman sumagot pero sinalubong ng yakap at halik sa pisngi si Fratello maggiore.

"And how about you, Raf?" tanong ni Fratello maggiore.

"It's fine," maikling sagot nito na ikinatawa ko. Ang ikli talaga nito minsan umimik.

Hindi naman ako gan'to magsalita pero alam kong minana n'ya 'yon kay Devin. S'ya lang naman ang maikli kung sumagot ng ginugulo ko pa s'ya dati. Gan'tong-gan'to s'ya ng ginugulo ko s'ya lalo na't gusto n'ya si Claire. Lagi n'ya akong kinukumpara dati kay Claire.

Napatingin ako kay Devin ng hinila ako nito papalapit sa kaniya. Nakakunot ang noo nito na para bang hindi n'ya gusto ang nakikita n'ya ngayon. Ang mga gamit namin ay nasa loob na dahil kinuha 'yon ng mga katulong namin.

"S'ya ang may-ari ng bahay na 'to?" mahinang tanong ni Devin.

Tumango ako. "Yes."

"Bakit hindi na lang kayo tumira sa bahay," saad n'ya.

Bahay? Kaninong bahay naman? Wala akong bahay dito sa Pilipinas. Pero may balak akong bumili ng bahay. Naghahanap pa nga lang ako. Gusto ko 'yung malapit lang ako sa bahay ni Fratello maggiore.

"Bahay?" patanong kong sagot.

"Sa bahay natin, Dian. Bakit hindi na lang kayo tumira ulit do'n?"

Natigilan ako sa sinabi n'ya. Bahay naming dalawa? Hanggang ngayon ay buhay pa rin 'yon? Akala ko ay wala na. Akala ko ipinagbili na 'yon. 'Yun kasi ang nabalitaan ko.

Gusto ko sana ang ideya n'ya pero marami kasing mga alaala do'n na masakit na ayaw ko ng balikan pero may mga alaala naman din na masaya do'n sa bahay na 'yon. Siguro ay pag-iisipan ko.

"Kaysa dito kayo nakikitira. Magsama na lang ulit tayo sa bahay, Dian. Gusto ko kayong makasama ng mga bata sa bahay natin," dagdag n'ya pang saad.

Magsasalita na sana ako ng biglang may humila sa'kin papalayo mula kay Devin at niyakap ako. Pabango pa lang alam kong si Fratello maggiore na 'yon.

"F-Fratello maggiore..."

"Na-miss kita. Miss mo ba ako?" tanong nito ng humiwalay s'ya ng yakap sa'kin. Nakangiti ng matamis si Fratello maggiore.

"Kailan ka pa dumating? Akala ko ay matatagalan ka pa pabalik dito sa Pilipinas," saad ko.

"May issue kasi ang—" Hindi na natapos ang sasabihin ni Fratello maggiore ng may humila na naman sa'kin.

Ano ba! Bakit ba panay ang hila sa'kin? Ano ba'ng nangyayari? Nasasaktan kaya ako! Hindi ba sa kanila uso ang pakiusap? Pwede namang magsabi, ah? Pakiramdam ko ay mahihiwalay ang braso ko sa pagkakabit sa pagkakahila sa'kin.

"Nagtatanong ka lang naman, 'di ba? Hindi naman siguro required sa pagtatanong ng may kasamang paghawak, right?" seryosong tanong ni Devin kay Fratello maggiore.

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon