32

1.6K 34 27
                                    


Chapter 32

Farewell

"Ellaine!"

"D-Dian!"

Napatingin ako sa may gate ng bahay ng may tumawag sa'kin ng sabay. Sina Kierra at Devin 'yon. Muli akong napatingin kay Fratello maggiore ng hawakan ako nito sa'king braso.

"Susunduin kita bukas—"

"Ako na lang ang pupunta," saad ko at pinutol ang sasabihin n'ya. "Ako na lang, Fratello maggiore." Kaya walang nagawa si Fratello maggiore kundi ang sumang-ayon.

"Sige," tumango s'ya. 'Tsaka n'ya ako hinalikan sa noo at nagpaalam na aalis na. "Sige, aalis na ako kung gano'n. Hihintayin kita bukas, okay?"

"Okay. Ingat sa pagmamaneho. Nakainom ka," paalala ko pa.

Hanggang sa mawala sa paningin ko ang sasakyan ni Fratello maggiore ay nakatayo lang ako kung sa'n ako bumaba ng sasakyan ko. Sabay kaming bumaba ng sasakyan kanina kahit hindi naman na dapat. Hinatid na din n'ya ako kahit hindi naman na kailangan. Dahil kaya ko ang sarili ko. Hindi naman ako ga'no lasing dahil hindi ako pinayagan ni Fratello maggiore na uminom ng marami.

"Ellaine? Sa'n ka ba nagpunta? Kanina ka pa namin hinaha— Ayos ka lang?" tanong nito at hindi n'ya na natapos pa ang gusto n'yang sabihin ng makita n'ya ang kalagayan ko.

Ngumiti ako sa kanya at bahagya pang tumango.

"O-Oo, naman. Ikaw ba? Ayos ka lang? Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko at hindi tinapunan ng tingin si Devin. Hindi ko na hinintay pang sumagot si Kierra bagkus ay naglakad na ako papasok ng bahay. Nakita ko si Manang na para bang nakahinga s'ya ng maayos ng makita n'ya ako.

"H-Hija, s-sa'n ka ba nagpupunta, ha? Nag-alala kami sa'yo," bungad sa'kin ni Manang.

"Nagpahangin lang po," sagot ko.

Uminom ako ng tubig na malamig. 'Tsaka humugot ng isang malalim na hininga. Kakayanin ko ba? Ngayon pa lang nakaapak na ako sa bahay na 'to parang gusto ko ulit magbago ang isip ko. Kapag palagi ko s'yang nakikita parati na lang nasusunod ang puso ko kaya lagi akong nasasaktan, eh. Tama si Fratello maggiore.

Siguro nga ay walang maidudulot na kabutihan ang pananatili ko dito. Sapat na siguro. At least binigyan ako ng pagkakataon na makasama ko s'ya kahit hindi matagal. Kahit hindi panghabang buhay.

"E-Ellaine," muling tawag sa'kin ni Kierra.

"Pwede mo ba akong tulungan?" tanong ko dito. Naguluhan s'ya.

"Saan?" nag-aalinlangan nitong tanong. Pero napairap ako.

Hindi ko magawang magalit kay Claire dahil una pa lang ako na ang sampid sa puso ni Devin. Ako lang talaga ang t*nga na nagpupumilit na makapasok sa pusong may-ri na ng iba.

"Sa pag-iimpake ko," sagot ko dahilan para matigilan silang tatlo.

Lalo na si Devin. Napatingin s'ya sa'kin. Diretso sa'king mga mata na para bang nangungusap. Pati ba naman 'to? Pagbibigyan ko ng meaning? Please, Ellaine, stop! Nagmumukha ka ng t*nga! Hindi ikaw 'to. Ang layo mo na sa dating ikaw!

Hindi ako martir pero pagdating kay Devin nagiging gano'n ako. Matalino ako pero pagdating sa pag-ibig nagiging b*bo ako! Hindi talaga ako 'to, eh. Pakiramdam ko para lang akong sira sa ginagawa ko. Ayaw ko...na.

"D-Dian," mahinang anas ni Devin at umiling-iling.

Hindi ko s'ya pinansin at umiwas ng tingin. Natatakot akong tumingin sa kanya ng matagal baka magbago ang isip ko. Baka 'to na talaga ang maging dahilan para tukuyan akong maging baliw at t*nga. Mapapagalitan ako nito ni Fratello maggiore. Naramdaman kong sumunod sa'kin si Kierra.

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon