53

1K 19 9
                                    


Chapter 53

My wife

Kumunot ang noo ko ng makita ko si Samantha na palabas ng building ng kumpanya n'ya habang mugto ang mga mata. Ano'ng nangyari sa kaniya? Sino'ng nagpaiyak sa kaniya?

"Ano'ng nangyari sa'yo?" tanong ko ng makapasok s'ya sa kotse ko.

Pero hindi man lang n'ya sinagot ang tanong ko kaya nagkatinginan kaming tatlo nila Roseanne. Namumula ang mata n'ya. Sobrang pula. Halatang kakagaling sa pag-iyak. Pinaiyak na naman ba s'ya? Umiyak ba s'ya dahil kay Kuya Ashton?

Hinala ko si Roseanne papunta sa may lamesa nila Kalix ng makaramdam akong parang gustong kausapin ni Kierra si Samantha pero hindi n'ya lang magawa dahil nandito kaming dalawa ni Roseanne.

"Hello, guys! Hmm...kilala n'yo pa naman ako, 'di ba? Kumusta na?" tanong ko sa mga ka-schoolmate ko.

Kita ko sa gilid ng aking mata na umiwas ng tingin si Roseanne ng umangat ng tingin sina Kalix sa amin. Kaya napangisi ako. Meron pa. Confirm!

"Ahm...si Roseanne nga pala. Kaibigan kong doctor na cardiologists sa aming magkakaibigan," dagdag ko pang saad.

"Hi, Roseanne! I'm Adrian," pakilala ng isa sa mga kasama nila Kalix.

Adrian? Mukhang bago sa'kin ang pangalan nito at mukha. Hindi ko kasi s'ya nakikita dati na kasama nila Kalix. Kaya siguro ay bagong kaibigan nila 'to o pinsan ng isa sa mga kaibigan ni Kalix.

Gusto kong matawa sa itsura ni Roseanne ng makita ko ang kanyang reaksyon. Mukha s'yang diring-diri at kulang na lang ay sumuka s'ya. Bakit naman? Papalit-palit ang tingin ko sa kanila ni Kalix at Roseanne at kung minsan ay napupunta ang tingin ko kay Shawn.

Ang paningin ni Shawn ay madalas dumako sa may lamesa namin. Tinitignan n'ya si Kierra. Abala ako sa pagtingin sa reaksyon nila ng mapadako ang paningin ko sa may kasuluksulukan ng bar. Kumunot ang noo ko ng makilala ko 'yon.

"S-Sa'n ka pupunta?" kabadong tanong ni Roseanne ng tumayo ako at kumapit ng mahigpit sa may braso ko.

"Relax, sis! May sasalubungin lang ako. Babalik din ako. Shawn, dito na muna 'yung kaibigan ko, ah? May sasalubungin lang ako," saad ko at ngumiti dito 'tsaka ako naglakad papalayo do'n kahit na tinatawag pa ako ni Roseanne.

Nakakunot lamang ang aking noo habang naglalakad papunta sa kinaroroonan ni Devin. Ano'ng ginagawa n'ya dito? Hindi ko sinabi sa kanya kung sa'n ako pupunta kaya pa'no n'ya ako nahanap? Gusto n'ya ba talagang lumala ang issue?

Ang tigas naman ng ulo nito! Sinabi ng 'wag akong sundan, eh! Alin ba do'n ang salitang 'wag n'ya akong sundan ang hindi n'ya maintindihan? Tagalog na tagalog ang pagkasabi ko no'n kaya pa'no n'ya hindi 'yon maintindihan?

"Ano'ng ginagawa mo dito?" inis kong tanong ng makapunta ako sa harapan n'ya.

"Ako?" inosente pa nitong tanong at lumingon-lingon pa sa paligid.

"Ay, hindi!" sigaw ko at tinuro ko pa ang sarili ko. "Ako! Ako ang tinatanong ko! Wala namang ibang tao dito, 'di ba? Maliban sa'yo at ako? So natural lang na ikaw ang tinatanong ko!"

Tinawanan n'ya ako. May nakakatawa ba? May nakakatawa ba sa sinabi ko? Wala naman, 'di ba?

"Buntis ka ba?" tanong nito kaya lumaki ang mata ko at tumingin agad sa paligid.

Nakahinga ako ng malalim ng mukhang wala namang nakarinig dahil sa ingay ng bar. Ako? Buntis? Malamang hindi!

"Ano? B-Bakit mo naman 'yan natanong?" utal kong tanong sa kanya.

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon