54

1.1K 24 17
                                    

Chapter 54

Loved

Kinabukasan, tinanghali na ako ng gising dahil sa late na din ako natulog kagabi. Tirik na tirik na ang araw sa labas kahit hindi ko pa hawiin ang kurtinang natatakpan ng bintana ko sa kwarto ko. Humikab ako dahil inaantok pa ako at ayaw ko pang bumangon. Ta-tagilid sana ako ng higa ng higa ako makagalaw.

Muli kong minulat ang aking matang nakapikit at tinignan kung bakit hindi ako makagalaw. Nanlaki ang mata ko ng makitang katabi ko si Devin at nakapulupot ang braso n'ya sa bewang ko. Hindi naman sobrang higpit ang pagkapulupot n'ya sa'kin. Sakto lang para makahinga pa ako.

"A-Ano'ng ginagawa n'ya dito?" tanong ko sa sarili ko.

Wala 'tong suot na pang-itaas. Ang tanging suot-suot n'ya lamang ay boxer at maliban do'n ay wala na. Bakit s'ya nakahubad? Nanlalaki ang mata kong kinapa ko ang sarili ko. Nanlaki ang mata ko ng ang romper kong suot ay bahagyang nakababa at wala na 'yon sa pagka-kabuhol sa'king leeg.

Hindi naman ako lasing kagabi pero bakit wala akong matandang may nangyari sa amin kagabi ni Devin?

Aalisin ko na sana ang braso ni Devin na nakapulupot sa bewang ko ng lalo n'ya 'yon higpitan at nang mapatingin ako sa kanya ay gising n s'ya at diretsong nakatingin sa'kin. Habang pinagmamasdan n'ya ako sa ginagawa kong pag-aalis ng kanyang braso sa bewang ko.

"Good morning, mia moglie," bati nito sa'kin at nagulat ako ng bigla nila akong hinila kaya napahiga ako ulit.

Nanlaki ang mata ko ng bigla n'ya akong kinubabawan at unti-unti n'yang nilalapit ang kanyang mukha sa mukha ko. Napapikit ako dahil do'n. Naramdaman ko na lang ang isang mmalambot na bagay sa'king noo at pagkatapos ay sinubsub n'ya ang kanyang mukha sa leeg ko kaya nanigas ako sa kinahihigaan ko.

"Tinulugan mo ako kagabi," saad nito na para bang nagtatampo.

T-Tinulugan? Ano ba'ng sinasabi n'ya? Wala akong natandaang tinulugan ko s'ya at bakit ba s'ya nandito?

"A-Ano?" naguguluhan kong tanong dito.

"Tinulugan mo ako kagabi. Hindi pa tayo tapos mag-usap ta's tinulugan mo ako," nagtatampong saad n'ya.

'Yun ba 'yung nasa sasakyan kami? Narinig ko kasi s'yang nagsasalita no'n bago ako dinalaw ng antok. Kasalanan ko bang dinlaw ako agad ng antok? At dahil na din siguro sa nainom ko medyo may tama na din kasi ako no'n kaya mabilis akong nakatulog.

"You don't have work today, right?" tanong n'ya habang nakasubsob pa rin s'ya sa'king leeg.

"W-Wala, bakit?" takang tanong ko at muli kong pinalibot ang mata ko sa kwarto.

Nanlalaki ang mata kong tinignan ang paligid. Shocks! Nanaginip ba ako? Bakit kanina pagtingin ko sa kwartong 'to ay kwarto ko? Pero bakit ngayon ay hindi na? Hindi ko 'to kwarto. Kaya nasaan ako?

"S-Sa'n mo ako dinala? Nasaan ako?" tanong ko at tinulak s'ya para maalis s'ya sa ibabaw ko. Nang maalis s'ya sa ibabaw ko ay umalis ako agad sa kama. Ilang beses pa akong kumurap para makompirma kung tama ba ako ng nakikita o hindi.

No, no, paulit-ulit kong sabi sa isip ko. Mali yata ang nasa isip ko.

"Nasaan ako?" tanong ko muli sa kaniya.

"Nasa bahay," sagot nito at bumangon na kama.

At imbis na umiwas ako ng tingin sa kanya ay hindi ko ginawa. Napako ang aking mata sa maganda n'yang katawan. Gusto kong dukutin ang mata ko dahil do'n. Shocks! Bakit parang pinagnanasaan ko s'ya? Bakit kasi s'ya nakahubad?! At naka-boxer lang ang suot!

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon