5

1K 22 7
                                    

Chapter 5

Confession

“Ma’am Aine?”

Napatingin ako sa may counter ng tawagin ang nickname ko na tinatawag sa’kin ni My at Dy. Tumayo ako sa kinauupuan ko. Naupo muna kasi ako habang hinihintay ang order ko at nag-iisip din ako. Nag-iisip ako kung pa’no ko gagawin ang moves ko kay Devin.

Kapag nagsalita na kasi ako at nagbitiw ng salita ay tinutupad ko. Gagawin ko. Parang si Roseanne. Ang alam ko ay gumagawa n’ya s’ya ng paraan kay Kalix. Siguro ako din dapat ay gumagawa na lalo na’t umamin na ako.

Wala akong pakialam kung may gusto s’yang iba. Gusto pa lang naman. Hindi pa sila at kung sakali mang magiging sila may posibilidad pang maghiwalay sila ng taong nagugustuhan n’ya. ‘Tsaka kung hindi man sila maghiwalay ay hindi pa naman sila mag-asawa, ‘no. Baka maagaw ko pa, hihi. Asawa nga, eh, naagaw. Pa’no pa kaya ang taong nagkakagusto sa ibang tao?

“Hello, Jam.” Bati ko. Kilala ko na kasi s’ya dahil regular nila akong customer at isa pa isa ‘to sa paborito kong coffee shop na binabalik-balikan. Nandito kasi ang masarap nilang favorite ko na ang blueberry shake.

“Hi, Ma’am Aine. Heto na po ‘yung order n’yo. Salamat po sana bumalik-balik pa po kayo dito,” nakangiting sabi n’ya kaya natawa ako.

“Ano ka ba, Jam! Regular na customer n’yo ko, ‘no. Kaya babalik at babalik ako dito. Salamat din dito sa shake ko, hehe. Have a nice day, Jam.”

“You too, Aine.”

Ngumiti ako ‘tsaka pumihit pabalik sa may pwesto ko pero napatigil ako ng mapansin kong may nakaupo na tao do’n. Kumunot ang noo ko. Hindi n’ya ba nakita na may nakaupo na do’n sa inupuan n’ya? At ‘yon pa ang pinaka paborito kong upuan sa tuwing tumatambay ako dito.

“Hey, Mister. Sorry but ang inuupuan mo ay may nagmamay-ari na kaya kung maaari lang ay pwede ba’ng humanap ka na lang ng ibang mauupuan mo?” mataray kong tanong at tumingin pa sa paligid. Malaki naman itong Butterfly Cafe o mas kilalang BC. Marami pa ding mga bakanteng upuan dito kaya imposibleng maubusan ka ng mauupuan mo.

Hindi ‘to sumagot kaya mas lalo akong nairita. Ang ayaw ko sa lahat ay ‘yung parang walang pakialam ang taong kinakausap ko tulad nitong lalaking ‘to. Nanlaki ang aking mata ng nakita kong nakatingin s’ya sa may laptop ko. May balak ba s’yang nakawin ang laptop ko?

Shocks! O baka nagbabasa s’ya! Binabasa n’ya ang siniserach ko about paano mapahulog ang taong gusto mo sa’yo. Napamaang ako. Wow! Hindi lang pala ‘to mang-aagaw ng upuan kundi chismoso rin pala! Kainis! Kairita!

“Hoy! Mang-aagaw ka na nga ng upuan! Ta’s magbabasa ka pa sa laptop ko! Chismoso ka rin, no—” Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng nakilala ko kung sino ‘to. Napatakip ako sa’king bibig. “Fratello maggiore?” Elder brother?

Ngumiti ‘to sa’kin. “Hey, miss me, la mia sorellina?” My little sister.

Agad akong umamba ng yakap. “Fratello maggiore, I miss you so much.” Ginantihan din naman ako ni fratello maggiore ng yakap. Mahigpit.

“I miss you too, la mia sorellina,” tugon n’ya.

Naiiyak akong tumingin sa kaniya, nagtatampo. “Bakit ngayon ka lang nagpakita sa’kin? Wala ka ring paramdam. Nakakatampo ka, fratello maggiore.”

Tumawa s’ya ng bahagya. “Pasensya na may inasikaso lang ako.”

Inasikaso? Seryoso?

Tumaas ang kilay ko na para ba’ng hindi naniniwala sa sinabi n’ya sa dinahilanan n’ya sa’kin. “Alin naman ang pinagkakaabalahan mo, fratello maggiore? H’wag ka ngang magsinungaling sa’kin dahil ang sabi ng secretary mo ay hindi ka naman daw pumapasok ng madalas. Kaya h’wag kang magsinungaling sa’kin, fratello maggiore. Baka nakakalimutan mo na kilala kita.”

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon