2

1.5K 27 7
                                    

Chapter 2

Make friends with him

Pagkarating namin ni Kierra sa PSP ay wala pa naman sina Samantha. Nilibot na namin ang kabuuan nito pero wala kaming makitang Samantha, Roseanne, Aaliyah at Franchesca. Baka natraffic sila o nahuli lang talaga?

Nagkibit-balikat ako at saka hinila si Kierra papunta sa may isang lamesa na wala namang nakaupo at sigurado akong wala pang nakaupo dito. Inayos ko ang suot kong jacket na nagusot kanina ng tumakbo ako. Matapos kong iwan si Dienver. Minsan ang lalaking ‘yun ay mahamak. Nang-iiwan sa ere.

“Nasaan na kaya sila Aaliyah? Bakit wala pa sila?” takang tanong ni Kierra habang abala sa pag-order ng mga inumin.

“Baka natraffic?” patanong kong sagot. “O nakalimutan na ang usapan natin sa group chat?”

Natawa siya sa sinabi ko. “Sila makakalimutan ang usapan na mag-iinuman tayo? Baka d’yan ka nagkakamali? Alam mo naman sina Samantha hindi nila ‘yun papalagpasin. Hintayin na lang natin sila siguro ng mga ilang minuto at sigurado akong nandito na sila.”

Tumango ako sa sinabi n'ya. Saka umupo ng dumating na ang inorder namin. Nag-uusap kami sa kung anong bagay ni Kierra ng bigla na lang umingay ang kabilang lamesa malapit sa amin. Nakita kong nandito pala ang mga kaschool mate namin sa university.

“Sina Shawn ‘yun, ‘di ba?” tanong ko at tinuro pa ang lamesa nila.

“Sila nga! Bakit nandito ‘yan?” inis na sabi ni Kierra dahilan para kumunot ang noo kong tumingin sa kanya.

“Bakit grabe naman yata ang inis mo kay Shawn? Hindi ba’t friend kayo?”

“At sino naman ang may sabi sa ‘yong friend ko ang lalaking ‘yan?!”

Bahagya akong napaatras ng biglang tumaas ang tono ng boses niya. Kaya napailing na lang ako. Masyado siyang halata. Kahit hindi naman siya sabihin alam kung may care siya kay Shawn. Indenial lang. Tss!

Buti nga siya, eh. Hindi siya mahihirapan kung sakali mang tumibok ang puso niya kay Shawn. Eh, samantalang ako? Ang tagal ko ng torpe. Ang tagal ko ng may gusto sa kapatid niya pero hindi ko masabi-sabi.

“Hindi naman na ako bata, ah! Bakit ba kailangan pa nila akong pabantayan sa mokong na ‘yan?!”

Natawa ako sa sinabi niya. Ang alam ko kasi ang napaka-over protective ng dalawa niyang kapatid na sina Devin at Kuya Ashton. Hindi siya hinahayaan na lumabas ng walang nagbabantay sa kaniya.

Minsan nga si Kuya Ashton ang nagbabantay sa kaniya at kung minsan ay si Devin. Kakaibang saya ang nararamdaman ko kapag sa tuwing si Devin ang nagbabantay sa kapatid niya. Pakiramdam ko parang binabantayan niya din ako.

“Hoy! Relax ka lang, pwede ba? Wala namang ginagawa sa‘yo si Shawn, ah? Bakit ang init lagi ng dugo mo sa kaniya?”

Tinignan niya ako na para bang isa akong malaking t*nga dahil sa tanong ko. “Sino ba namana ng hindi kukulo ang dugo d’yan sa Swan na ‘yan kung laging nakabuntoto sa‘yo kung nasaan man ako, ha?”

“Wait! What?” Bigla akong naguluhan sa tinawag niyang name. “Swan? Sino ‘yun?”

“Si Shawn! Sino pa ba?”

“Bakit naman Swan? Ang layo naman no’n sa Shawn, ah?”

“Wala kang pakialam!”

Sabi ko nga mananahimik na lamang ako sa isang tabi. Bakit ko ba kasi tinatanong ‘yon? Isa ito sa dahilan kaya kung bakit ko naging kaibigan si Roseanne. Pareho kaming mausisang dalawa. Kahit sa buhay ng ibang tao ay tatanungin pa namin. Kahit hindi naman na mahalagang itanong at malaman ay tatanungin pa rin namin.

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon