12

832 18 9
                                    

Chapter 12

Bad attitude

“You’re too slow!”

Napapikit ako ng biglang sumigaw si Devin sa mukha ko. Kasama ko lang kanina sina Kierra at Samantha papuntang parking lot para umalis sa university namin pero nagulat na lang ako at may humila sa’kin. Handa ko na sanang bulyawan pero naunahan ako nitong sigawan.

At nang makita kung sino ay para akong t*ngang pangiti-ngiti na. Hindi ko akalain na nanahapin n’ya ako sa campus namin para isabay papunta sa mga parents namin na nasa isang subdivision na para maningin ng bahay.

“S-Sorry naman. A-Akala ko kasi ay mamaya pa, eh,” saad ko at napayuko ng tignan n’ya ako ng masama.

“Ano’ng gusto mo? Tumingin ng bahay kapag madilim na! Ha?! Stupid?!”

“Hey, I have a name, ‘no. I’m Ellaine, okay?”

“So? I’m not asking what your name is!”

“Ang sungit mo, you know?”

“And you’re a desperate woman, you know?”

Nawalan ako ng imik dahil do’n. A desperate woman? ‘Yun ang tingin n’ya sa’kin? Napangiti ako ng mapait.

“A desperate woman na balang araw ay mamahalin mo… at hahabul-habulin mo din balang araw.”

“That will never happen,” mariing sabi n’ya.

“Just like I said, don't utter a word when you’re not sure because it might be your karma.”

“Like I care?” sarkastikong sabi n’ya at tuluyan ng pumasok sa loob ng kanyang limousine.

Kaya naman ay sumunod ako agad ng marinig ko ang pagbuhay n’ya ng makina ng kanyang mamahaling sasakyan. Baka iwan ako nito at mayari na naman ako ni Dy. Wala kaming imikang dalawa habang nagmamaneho s’ya. Ako pa naman ang tipo ng babae na hindi mapakali kapag hindi ako nangingilikot ng mga bagay-bagay sa loob ng sasakyan.

“P-Pwedeng galawin ‘to?” Pagpapaalam ko sabay turo ng buhayan ng music para kahit papaano ay hindi tahimik ang loob ng sasakyan n’ya.

“Hindi!” masungit n’yang sabi.

Napanguso ako dahil do’n. Eh, ‘di h’wag! Sa’n kaya ‘to pinaglihi ni Tita? Bakit parang nasobrahan naman yata ‘to ng kasungitan? Para s’yang isang sangkap sa mga putahe na kapag nasobrahan sa lagay ay mag-iiba ang lasa.

Kinuha ko na lang sa’king bag ang headset ko at sinalpak ‘yon sa tainga ko at sa cellphone ko. Dito na lang ako magsa-soundtrip kung ayaw n’yang mag patugtog. Habang nakikinig ako ng kanta ay hindi ko maiwasang sabayan ng sayaw dahil dance lover ako at music lover din.

Balang araw makikilala din ako bilang isang sikat na mananayaw. Isa ‘yan sa mga pangarap ko na gusto kong tuparin kasama s’ya. Kung hahayaan n’ya lang akong makapasok sa buhay n’ya. Kasi ako? Hinayaan ko s’yang makapasok sa puso ko ng hindi ko man lang namamalayan.

Sometimes when you have a crush on someone and then you admire him so much. Do’n mo na hindi namamalayan ang ‘yong sarili na ‘yung tipong crush lang ang pagtingin mo sa kanya pero nauwi ‘yon sa pagkagusto.

“Ahm, mahilig ka bang makinig ng mga kanta?” tanong ko sa kanya. “Kasi ako? Oo, I like music tulad ng pagkagusto ko sa’yo, hihihi.” Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya pero alam ko namang nakikinig s’ya sa mga sinasabi ko.

“Ta’s pagdating sa mga music gusto ko ‘yung tungkol sa mga love dahil tulad ng music ay alam kong balang araw ay mamahalin mo din ako,” muli ko pang sabi pero tulad ng una ay wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya.

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon