9

825 16 11
                                    

Chapter 9

Different

"Ano? Kumusta ang lasa, Kuya Ashton? Okey na ba?"

Mga ilang beses na kasi akong paulit-ulit na niluluto ang pasta na paborito ni Devin ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makuha-kuha ang tamang lasa. Ilang beses na din padalaw-dalaw si Kuya Ashton sa comfort room dahil masama yata talaga akong magluto.

"W-Wait," nanghihinang sambit ni Kuya Ashton. "M-Mamaya lang ng k-kaunti, please? P-Pakalmahin ko lang ang t-tiyan ko."

Gusto ko sanang matawa sa sitwasyon ni Kuya Ashton pero lamang sa'kin ang pag-aalala sa kaniya. Na guguilty ako.

"O-Okey ka lang ba, Kuya Ashton?" nag-aalalang tanong ko. "B-Bukas na lang kaya natin ulit subukan? B-Baka kasi mapaano ka pa, Kuya Ashton."

Nagulat ako ng bigla s'yang natawa. May nakakatawa ba sa mga sinabi ko?

"Kuya Ashton?"

"Ngayon ko lang nakita na gan'to ka pala," saad n'ya habang hindi maalis sa kaniyang labi ang ngiti. "Hindi ka sumusuko kahit ilang beses mo ng sinubukang mag luto ng pasta. Ngayon lang ako nakakita ng gan'tong babae. Hindi kasi ako naniniwala no'n, eh. Na may mga babaeng determinado sa isang bagay para lang sa taong nagugustuhan nila. Pero ng makita kita. Kung ga'no ka... Ka determinado na matuto sa pagluluto para sa kapatid ko kahit na hindi ka marunong ay ang matiyaga ka pa ring makuha ang tamang lasa ng pasta. Kaya h'wag kang mag-alala. Tutulungan kita sa kapatid ko. Hindi dahil sa kaibigan ka ng kapatid kong si Kierra dahil gusto talaga kita para sa kapatid kong si Austin."

"Thanks, Kuya Ashton."

'Yun na lamang ang nasabi ko. Sa tuwing sinasabi 'yon ni Kuya Ashton ay lalo lang lumalakas ang loob kong lalong habulin si Devin. Si Kuya Ashton ang napaka supportive sa lahat ng mga gagawin ko. Samantalang si Kierra. Hindi ko alam kung supportive ba s'ya o nag-aalala s'ya sa'kin na baka masaktan lang ako ng kapatid n'ya. Pero kahit na gano'n, ayos lang sa'kin.

Nang huling pagluto ko ng pasta do'n na nag-alinlangan si Kuya Ashton na tikman ang luto ko. Hindi ko na kasi alam kung ilang beses na akong sumubok ngayong gabi. Mabilis lang naman akong matuto pero hindi ko talaga makuha ang tamang lasa.

"Kuya Ashton, heto, oh. Tubig," saad ko bago s'ya tumikim ulit ng luto kong pasta.

Inabot na kami ng umaga sa pagluluto ko ng pasta na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makuha. Pero hindi pa rin ako sumusuko. Hindi. Hinding-hindi ako susuko.

Napatingin kami pareho ni Kuya Ashton ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Fratello maggiore. Mukha s'yang pagod na pagod at stress. Nagulat pa s'ya ng makita kaming dalawa ni Kuya Ashton ng makita n'ya kami sa kusina.

"Ano'ng ginagawa n'yo? Ng gan'tong oras?" seryosong tanong ni Fratello maggiore. 'Tsaka tinignan ng masama si Kuya Ashton. "At bakit nandito ka? 2 AM na ng umaga, ah?"

Sabay pa kaming napatingin ni Kuya Ashton sa may orasan at hindi kami makapaniwala na ang tagal na pal namin dito sa kusina pero hindi ko pa nakukuha ang tamang lasa ni pasta. Nakakainis na at nakakairita pero sabi nga ng iba hindi naman daw agad-agad makukuha ang isang bagay kung hindi mo pagtitiyagaing matutunan pag-aralan.

"F-Fratello maggiore, nagluluto lang kami," saad ko.

Kumunot ang noo n'ya at tumingin sa may stove n'ya. "Nang ano?"

"P-Pasta," maikling sabi ko sabay pakita ng pastang nasa platito. "Fratello maggiore, gusto mo tikman?"

Gusto ko kung anong itsura ni Fratello maggiore kapag natikman n'ya ang niluto kong pasta. Hindi ko alam kung pasta nga ba'ng matatawag 'to, hahaha. Nung una hindi din matukoy ni Kuya Ashton kung ano'ng klaseng pasta ang naluto ko ng mga ilang beses, hahaha. Maski ako hindi ko din alam.

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon