42

1.1K 25 8
                                    


Chapter 42

Can I

Nang makarating kami sa bahay ay agad akong bumaba ng sasakyan n'ya. Inihatid na namin sina Roseanne sa bahay nila ng ligtas. Ngunit hindi pa ako nakakalayo sa kotse n'ya ng hawakan ako nito sa braso ko dahilan para mapatigil ako sa paglalakad ko.

"D-Dian—" Hindi n'ya natapos ang sasabihin n'ya ng sampalin ko s'ya at dinuro s'ya.

"That's not my name! Kaya 'wag mo akong tawaging Dian! Ellaine ang pangalan ko!" sigaw ko. Inalis ko din ang pagkahawak n'ya sa braso ko.

"I'm sorry," saad n'ya.

"Shut up! Puro ka sorry nakakarindi ka na!" muli kong sigaw dahilan para matigilan ang mga ibang katulong na nakakakita sa pagsigaw ko. "Pwede ba na umalis ka na lang? Mag-resign ka na lang. Papalitan na kita—"

"Hindi ako papayag." Putol n'ya.

"At bakit?"

"Anak ko ang mga batang pinapaalaga mo gusto kong ako na lang ang mag-alaga sa kanila at hindi ibang tao," seryosong sabi n'ya.

"Hindi mo sila anak—"

"Mga anak ko sila!" Putol n'ya sa sasabihin ko.

Natawa pa ako ng bahagya dahil sa sinabi n'ya. Gusto n'ya? Mga anak ko? Gusto n'yang alagan o gusto n'yang saktan? Alin ba do'n sa dalawa?

Nagbibiro ba s'ya? O nagpapatawa? Kasi kung oo. Gusto ko s'yang tawanan sa pinagsasabi n'ya. Makapagsalita s'ya para talagang hindi n'ya ako sinaktan dati. Parang hindi n'ya naalala ang mga salita o kilos na pinaramdam n'ya sa'kin.

"Mga anak?" sarkastikang tanong ko. "Pa'no ka nakakasiguro na anak mo nga sila? May patunay ka ba?"

"I'm not st*pid para hindi ko isipin na hindi ko sila mga anak!" sigaw n'ya at bakas do'n ang pagkainis sa kanyang boses. "I know they are my sons."

"How can you be sure?" kalmadong tanong ko kahit ang lakas ng kabog ng puso ko. Wala akong pakialam sa hinala n'ya. Kahit may patunay s'ya hindi ko ibibigay sa kanya ang MGA anak ko. Sa'kin lang sila.

"Because they look like me—"

"Dahil lang d'yan? 'Yan lang ang rason mo?" Putol ko sa kanya.

"Not only because of that. I feel something different when I'm with them. Sige nga. Pa'no maipapaliwanag ang nararamdaman kong 'to?" tanong n'ya at lumakad s'ya papalapit sa'kin. "Sa tuwing kasama ko sila. Pakiramdam ko ang tagal kong nangungulila sa kanila at malakas ang pakiramdam kong may koneksyon kami ng anak mong sinosolo mo. Aminin mo na lang kasing anak ko din sila. Ikaw lang din naman ang mahihirapan."

Tinulak ko s'ya ng inaalis n'ya ang space sa pagitan namin. Aamin? Bakit ako aamin? Hindi naman s'ya ang Ama ng mga anak ko. Hindi ko s'ya kinikilalang Ama ng mga anak ko. Para sa'kin. Isa lang s'yang parte ng nakalipas ko. At wala s'yang koneksyon sa'kin na kahit na ano. Kahit sa mga anak ko.

"Pakiramdam mo lang naman. Pa'no mo sa'kin mapapatunayan na ikaw nga?"

"Bakit hindi natin ipa-DNA test sila?" biglang anas n'ya na ikinatigil ko. "Para mapatunayan ko sa'yo na ako ang Ama ng mga anak mo. At kapag lumabas ang resulta na anak ko sila. Wala kang magagawa kundi ang sumama kayo sa'kin—"

"Ang kapal naman yata ng mukha mo, 'no? Bakit sa tingin mo ba ay papayag ako? No!" Putol ko sa kaniya at papasok na sana ako sa bahay ng pigilan na naman n'ya.

"Hindi pa tayo tapos mag-usap kaya 'wag mo akong tatalikuran!"

Inis ko ulit inalis ang kamay n'ya sa braso ko. Bakit gan'to s'ya kung maka asta? Hindi ba't hindi s'ya gan'to umasta? Kasi kapag nalaman 'to ni Claire tiyak na mag-aayaw silang dalawa. Ta's sino'ng sisihin? Ako!

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon