34

1.6K 26 7
                                    


Chapter 34

Male nanny

"Hija, nasaan ka na ba?"

"On the way na po, Tita."

Shocks! Bakit ba pinapamadali ako ni Tita? Sinabi ko ng mala-late ako, eh. Pero bakit gan'to? Ininform ko naman sila, ah? Kainis! Kaya ngayon ay nagkakandaugaga ako sa pagkilos ko.

"Kanina ka pa on the way ng on the way, hija. 'Yung totoo nasaan ka na ba talaga?" tanong pa ulit ni Tita.

Napabuga ako ng hangin. Sabay napapikit. Hindi ko alam pero napipikon ako sa hindi malamang dahilan. Wala naman akong period ngayon kaya bakit naiirita ako? Hindi din naman ako buntis para mairita. What's wrong with me? May sakit na ba ako?

Abnormal ba ako? Napabuga ako ulit ng malalim na hininga at pilit na pinapakalma ang sarili.

"Naipit po sa traffic," sagot ko at narinig ko naman ang pagbuntong-hininga nito.

Ilang oras na akong naipit sa traffic. F*ck! Ano'ng oras ba 'to uusad? Kapag gabi na? Kapag tapos na ang oras ng photoshoot ko? Gano'n ba? Ha? Ta's ang init pa! What the h*ll! Hindi man lang umepekto ang aircon ng sasakyan ko sa tindi ng init! Sigurado akong haggard na ako pagkapunta ko do'n.

Ngayon pa nga lang ay nai-stress na ako. Pa'no pa kaya kapag nando'n na ako? Baka ang pangit ko na at hindi na ako fresh! Kainis!

"Hija, basta dalian mo, okey? Dahil ngayon mo kikitain ang bodyguard na na-hire namin," sabi nito at nagpaalam na.

Pabato kong binitiwan ang cellphone ko. Naiinis ako sa hindi malaman na dahilan! Hindi ko alam kung dahil ba sa init o sa traffic. Hapon na pero bakit ang init pa rin? Medyo palubog na kasi ang araw pero bakit ang init-init pa rin? Wala naman akong dalaw para maging gan'to kainit ang ulo ko pero ewan ko ba.

Talagang naiirita ako.

Nakahinga ako ng maluwag ng unti-unti kong nakitang umuusad na ang pagkatraffic. Kaya naman medyo lumamig-lamig na. Binuksan ko ang radio ng sasakyan ko pero natigilan ako ng marinig ko ang kanta ni Toni Gonzaga na ang title ay catch me I'm falling. Parang pinagsisihan ko tuloy na binuhay ko pa ang radio. Nang hindi ko makayanan pakinggan ay inilipat ko 'yun pero lahat na lang ng dumadaan sa may radio ko ay may kinalaman sa kaniya.

Shocks! Pinalalaruan ba ako ngayong araw? Bakit ako pa ang napiling pagtripan? Marami namang tao ang nandito sa mundo bakit ako pa? Ang dami-dami ko na ngang iniisip, eh. Ta's daragdag pa 'to? Kasalanan 'to ni Fratello maggiore sana sira din ang araw n'ya nagyon! Kainis!

Nang makarating ako sa photoshoot namin ay mainit ang ulo ko. Kumukulo ang dugo ko. Kaya ang mag staff namin ay nasisigawan ko. Shocks! Ano bang nangyayari sa'kin? What's wrong with me?

"Okey, magsimula na tayo," sigaw ni Tita ng makita ako. "She's here!"

Hindi na ako angsalita pa ng hilain ako ni Tita papunta sa harap ng camera. Bawat post na sinasabi ng photographer ay ginagawa ko. Pinapangiti n'ya ako pero hindi ko alam kung ngiti pa ba 'yun o ngiwi na! Normal pa ba ako? Naiinis ng walang dahilan? Seryoso?

"Hindi pa ba tayo matatapos?" seryoso kong tanong kaya natigilan ang mga ibang taong nakarinig sa tanong ko.

Sanay naman na sila sa ugali ko kaya kapag seryoso ako ay alam nilang wala ako sa mood. Sirang-sira na mood ko ngayong araw and I don't know why. Normal lang bang mainis at mairita kahit walang dahilan?

"Mga limang picture na lang, Ms. Valdez. At matatapos na tayo," sabi ng photographer kaya tumango ako at ngumiti ng bahagya.

Miss? Napangiwi ako. Parang hindi ko yata gusto ang narinig ko.

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon