50

1.2K 17 14
                                    


Chapter 50

Other dishes

Pagkatapos ng taping ay pagod na pagod ako. Ang mga paa ko ay sobrang ngalay na ngalay. Mag-a-alas dose na ng umaga kami nakarating sa may hotel dahil galing kami sa isang magandang pasyalan sa Taytay. Do'n kami nag-taping.

"Good night," natatawang sambit sa'kin ni Marvin kaya natawa din ako.

"Good night rin and good morning," bati ko sa kanya pabalik.

Ngumiti s'ya at tinapik ako sa balikat. Kinayawan pa n'ya ako ng humikab s'ya at sumenyas na papask na s'ya ng room n'ya kaya tumango ako. Lahat kami ay inaantok na kaya panay ang hikab. Bumaling ako kay Tita at sumenyas na aakyat pa ako ng 7th floor para makarating sa may room namin ng mga anak ko.

"Good night, Tita," bati ko 'tsaka ako sumakay muli ng elevator.

Halos nakapikit na ako habang naglalakad sa may hallway. Kaya pagdating sa kwarto namin ay tumingin muna ako sa mga anak ko na natutulog na ng mahimbing bago ako humiga sa isang kama. Katabi ni Devin ang mga bata. Tulog na din s'ya. Padapa akong humiga sa kama at halos mapaungol ako ng maramdaman ko ang lambot ng kamang dumadampi sa katawan ko.

"Ang lambot," mahinang anas ko. "Ang sarap sa katawan."

"Kakarating mo lang?"

Nagulat ako ng may nagsalita sa may gilid ko at nang tignan ko kung sino 'to ay walang iba kundi si Devin. Hindi ko man lang namalayan na nagising pala s'ya. Magulo ang buhok n'ya pero gwapo pa rin. Kahit ano naman yatang style ng buhok nito ay bagay na bagay pa rin sa kaniya.

"N-Nagising ba kita?" utal kong tanong at tumiya sa pagkakahiga ko sa kama.

Umiling s'ya. "Hindi naman."

"Eh, bakit gising ka pa?"

"Hinihintay kita," sagot n'ya at sabay higa n'ya sa tabi ko.

Nagulat pa ako ng bigla s'yang tumabi sa'kin at pinulupot n'ya agad ang braso n'ya sa bewang ko dahilan para mapalapit ako sa kaniya at magmukhang parang niyayakap n'ya ako. Ang init ng katawan n'ya. Napailing ako.

"Hinintay? Bakit? Hindi ba't sabi ko naman na baka abutin kami ng madaling araw," sabi ko. Paulit-ulit ko kaya 'yon sinasabi sa kanila kanina bago ko sila iwan dito sa room namin na 'wag na nila akong hintayin dahil baka mapuyat lang sila.

"Wala lang. Gusto lang kitang hintayin," sambit n'ya at hinalik-halikan n'ya ng marahan ang noo ko. Nakapikit na s'ya habang ginagawa n'ya 'yon at halatang inaantok na s'ya pero pinipilit lang n'yang hindi matulog.

Napangiti ako dahil do'n. Ang cute n'yang pagmasdan habang ginagawa n'ya ang paghalik n'ya sa noo ko at 'yung pagyakap n'ya sa bewang ko. Ang dating kasi sa'kin ay sweet 'yon at hindi ko maiwasang kiligin. Kaunting push mo na lang, Devin.

And welcome back. Kasi nagawa mo ulit na makapasok sa mundo ko. Mundo ko na sa'yo lang umiikot bukod sa'yo at sa mga anak natin at sa mga taong mahalaga sa buhay ko.

"Matulog ka na. Inaantok ka na, eh," mahinang anas ko at inangat ko ang aking kamay para ipunta 'yon sa buhok n'ya at mahaplos ko.

Sa paghaplos ko na 'yon ay iminulat n'ya ang kanyang mata at mapungay na tumingin sa'kin at bahagya pang ngumiti. Tinignan n'ya ako ng ilang minuto. Tinaas ko ang dalawa kong kilay para itanong ko kung bakit s'ya nakatitig sa'kin ng gano'n.

"251621'185 1916 15185202025," madamdamin n'yang anas.

(Translation: You're so pretty.)

"Haven't you finished memorizing yet?" tanong ko sa kanya kaya naawa s'ya. Kanina pa kasi s'ya nagsasabi ng mga numero na hindi ko naman alam ang meaning. Ano ba 'to? Nagme-memorize ba s'ya ng mga numero ng batas?

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon