11

857 16 10
                                    

Chapter 11

I'm hurting again

"Tulad nga ng pinag-usapan natin. Kailangan natin silang ipakasal sa lalong madaling panahon."

Napaawang ang aking labi sa narinig. Bakit kami ipapakasal sa lalong madaling panahon? Ano'ng meron? 20 years old pa lang ako. Oo, may gusto ako kay Devin pero hindi naman ibig sabihin no'n ay gusto ko na s'yang pakasalan.

Yes, may mga list ako ng mga gusto kong gawin with Devin pero hindi sa gan'tong edad ko. Gusto kong maikasal kapag nasa 28 or 29 ako pero ang gan'tong edad na 20? Sumasakit ang ulo ko sa pinagsasabi nila.

Fratello maggiore, I think I need your help.

"Mama, bakit sa lalong madaling panahon? Hindi ba pwedeng pagkatapos ko na lang? Kapag graduate na ako ng college ko?" tanong ni Devin na halatang hindi gusto ang sinabi ng kanyang Mama.

Nabibigla ako sa mga sinasabi nila. Bakit ba sila nagmamadali?

"Bakit pa papatagalin, anak? Kung do'n din naman ang mapupunta, 'di ba? 'Tsaka gusto ko si Ellaine para sa'yo, anak. Bagay na bagay nga kayo, eh. Trust me, anak. Magkakamabutihan din kayo."

"Ma, I'm only 22 then... gusto mo na akong maikasal ng gan'to kabata?"

Buti ka nga 22. Eh, ako? I'm only 20. Ang dami ko pang pangarap na gusto kong tuparin.

"Ang dami ko pang pangarap na gustong gawin—" Hindi na natapos pa ang sasabihin ni Devin ng putulin s'ya ng Papa n'ya. Si Tito Azon. Kamukha n'ya ang Papa n'ya ta's si Kierra ay kamukha n'ya si Tita Ashie. Lahat sila puro A ang nag-uumpisang pangalan maliban lang kay Kierra na naiiba dahil letter K ang unang pangalan n'ya.

Kung hindi ako nagkakamali ay si Kuya Ashton ang nagpangalan kay Kierra no'n. At ang alam ko ay kung bakit naging Kierra ang pangalan n'ya dahil sa may crush no'n si Kuya Ashton na Kierra daw ang pangalan kaya 'yun.

"Anak, magagawa mo naman 'yun habang kasal kayo ni Ellaine. H'wag kang mag-alala, anak. Hindi pa naman kami magrerequest ng apo sa inyong dalawa kapag naikasal na kayo. Syempre hihintayin nating makapagtapos ng pag-aaral si Ellaine."

Hindi na nakapagsalita do'n si Devin ng putulin s'ya ng Papa n'ya. Ako din. Kapag si Dy na ang nagsalita ay para ba'ng hindi ka na makakatutol. Sila ang parang pinuno kapag sa desisyon ang usapan. Hanggang sa matapos ang pagkain namin ng hapunan ay hindi na ako nakapagsalita pa.

Hindi na din ako nakapagtutol pa. Pinag-usapan nila ang kasal. Ang sabi nila ay hindi muna kami ipapakasal sa simbahan dahil nag-aaral pa lang kaming dalawa ni Devin kaya ang mangyayari ay pirmahan lang at pagkatapos no'n ay ipapasa sa munisipyo. Pagkatapos no'n ay isang ganap na daw kaming mag-asawa.

Ibig sabihin ay magsasama na kami sa isang bahay. Sa isa bubong. D*mmit!

Dati imagine lang pero ngayon? Mukhang magiging totoo na ang imahinasyon ko. Ang imahinasyon kong hindi ko kailan man naisip na pwedeng magkatotoo. Minsan kasi ang mga imahinasyon natin ay mananatili lang imahinasyon at malabong magkatotoo.

At dahil mahilig akong mag-imahinasyon na balang araw ay magiging asawa ko si Devin ta's titira kami sa isang bahay kasama ang mga magiging anak namin. 'Yun lagi ang naiimagine ko sa tuwing nakikita ko si Devin. Apat ang magiging anak namin.

Tatlong lalaki na kambal at isang babae. May mga pangalan na nga akong naiisip nila, eh. 'Di ba, nababaliw na ko. Ta's nagugulat pa ako ngayon na ikakasal kami ni Devin. Sino ba kasi ang hindi magugulat? Ni hindi ko nga naisip na s'ya ang magiging asawa ko na ipagkakasundo sa'kin ng mga magulang ko.

"You plan this, don't you?"

Napalingon ako sa may likuran ko ng marinig ko ang boses ni Devin. Galit s'ya. Galit na galit.

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon