38

1.4K 24 13
                                    


Chapter 38

Didi

"What are you doing here?!"

"Nagluluto?"

Mas lalong sumama ang timpla ko dahil sa pagpipilosopo n'ya sa'kin. Sinabihan ko na s'yang umalis dito at h'wag ng bumalik pero mukhang hindi s'ya nakinig sa'kin. Kapal ng mukha, eh, 'no? Sobra.

"Kakain ka na ba?" Pag-iiba n'ya ng usapan.

"Ang sabi ko ano'ng ginagawa mo dito?" Pag-uulit ko. "Hindi ba't sinasabi ko na sa'yo na umalis ka na? At 'wag ka ng babalik ka dito! Kaya ano pang ginagawa mo dito?"

Hindi n'ya pinansin ang sinasabi ko. Bagkus ay nagpatuloy lang siy sa kaniyang ginagawa. Nagluluto s'ya ng pagkain para sa almusal. Magluluto sana ako kaso naabutan ko s'yang nasa kusina at s'ya ang nagluluto ng agahan. Kumunot ang noo ko ng mapansing pinagtitimpla n'ya ako ng gatas.

"Nagbibingihan ka ba?!" gigil kong tanong at inagaw sa kaniya ang garapon ng powder milk.

"Kumain ka na. Gigisingin ko na sila. Alam kong maaga ka ding aalis," sabi n'ya at tinalikuran ako.

"At mag-empake ka na din kasi aalis ka na," sabi ko pero hindi man n'ya lang ako pinansin. Huminga ako ng malalim dahil sa inis ko.

P*tangina! Parang gusto ko s'yang yakapin. Yakapin sa leeg. 'Yung sobrang higpit ta's sa sobrang higpit ay hindi na s'ya makahinga. Hanggang sa matigok s'yang bw*sit s'ya! Bakit hindi na lang kasi s'ya makinig sa'kin? Ano? Bumabawi din ba s'ya sa'kin? Dahil no'n kasi ginugulo ko s'ya at hindi ako nakikiniig sa kaniya? Gano'n ba?

Kung oo, isip bata s'ya kung gano'n! Ngayon n'ya pa naisipang gumanti gayong ang tagal-tagal na no'n. Halos walong taon na kaya. Walong taon na pero pakiramdam ko lugmok pa rin ako sa nakaraan ko. Siguro nga matured na akong tignan pero deep inside hindi talaga.

"Good morning, Mi. Bakit hindi ka pa po kumakain?" tanong sa'kin ni Ril kaya napatingin din sa'kin ang mga kapatid n'ya sa'kin. Bumaba ang mga mata nila sa may plato kong hanggang ngayon ay wala pa ring laman.

"Da-diet kasi si Mi, buddy," saad ko at ngumiwi.

"Diet? Mi, kumakain ka po pa ba?" tanong ni Raz sabay tingin sa katawan ko. Inoobserbahan n'ya ako. "May problema po ba, Mi?"

"W-Wala, kumakain na kayo at baka mahuli kayo sa klase n'yo," saad ko.

Napatingin ako kay Raf na nakatingin sa'kin habang kumakain. Tinignan ko s'ya na para bang nagtatanong ko kung bakit pero bumuntong-hininga lang 'to. Minsan hindi ko maintindihan kung ano'ng trip ng anak kong 'to Masyado s'yang matured tignan at kumilos akala mo ay matanda na pero bata pa naman.

"'Yung male nanny n'yo. Gusto n'yo ba s'ya?" tanong ko ng tumahimik sila. "I-I mean, gusto n'yo bang may male nanny kayo? O wala?"

"Okey, naman s'ya, Mi. Ang cool n'ya," nakangiting sagot ni Ril.

Cool? Pa'nong naging 'yon? Pa'no? Eh, gwapo lang naman 'yun at bukod do'n ay wala na. Gwapo nga pero mapanakit naman. Balewala ang gwapo n'ya kung magpapaiyak lang sa mundo ang ambag n'ya dito sa mundong ibabaw.

"True, Mi. Ta's gwapo din s'ya, Mi. Sa tingin ko ay tipo po kayo ng male nanny namin," sabi ni Raz kaya napatingin ako sa kaniya.

Shocks! Pati ba naman mga anak ko inuuto n'ya? Pero uto man 'yon o hindi ang puso ko nagwawala. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinikilig ba ako? Simpleng salita lang naman 'yun, ah? Bakit ang lakas ng epekto no'n sa'king puso? Magpapatingin na nga ako kay Roseanne. Baka may sakit na ako hindi ko pa alam.

"You like him?"

"H-Ha?" takang tanong ko ng biglang magtanong sa'kin si Raf. Ang seryoso kong anak. Nagmana nga s'ya sa Ama n'ya.

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon