33

1.7K 28 30
                                    


Chapter 33

Met

"Ellaine, hija!"

Napaigtad ako sa kinatatayuan ko ng may biglang sumigaw sa'kin. Gulat na gulat akong napatingin kay sa Manager ko. Napatingin ako sa may paligid ko. Napakusot-kusot ko pa ang aking mata.

"B-Bakit po?" tanong ko.

"Kanina pa kita ginigising. Nandito na tayo sa Pilipinas," sambit n'ya at tumingin sa mga kasamahan naming nagsisilabasan. "Maghanda ka na at baba na tayo. Nasa baba na din ang mga guard na aalalay sa'yo dahil nandito sa airport ang mga supporters mo at madamu sula gano' din ang nga reporter."

Hindi ako sumagot. Dahil inaalala ko ang napanaginipan ko. Hindi ko alam bakit sa dami-rami ng mapapanaginipan ko ay bakit 'yon pa? What the h*ll! Panaginip lang pala 'yun. Akala ko pa naman ay totoo na. Napakamot ako sa aking ulo at napabuga ng malalim na hininga. Masyado ko naman yata 'yun iniisip? Bakit ko nga ba 'yon inaalala?

Eh, panaginip lang naman 'yon. A funny dream.

Dapat iba ang alalahanin ko tulad ng teleseryeng gagawin ko dito sa Pilipinas at ang pagbisita sa mga kaibigan kong nagtatampo na sa'kin gawa ng hindi ako nakauwi ng mga ilang taon. Marami na akong utang sa mga inaanak ko. Lalo na sa mga bata. Namimiss ko na sila. Sobrang miss. Kumusta na kaya sila?

"Tita, pwedeng dumaan na muna tayo sa mga bata?" tanong ko sa Manager ko. "Baka bukas na lang ako pumunta. Gusto ko muna silang makita."

"Gusto mo ba?" Paniniguro nito kaya tumango ako.

"Siguro do'n na muna ako kay Fratello maggiore." Inunat ko ang dalawa kong braso. Naghahanda na sa pagbaba ko ng eroplano. Sigurado akong mahihirapan akong makalabas sa airport na 'to tulad ng kapag pupunta ako sa mga ibang bansa. "Para madalaw ko ang mga bata."

"Oh, sige. Sasabihin ko sa driver mo," sambit nito at nagpaalam na baba na si Tita kaya tumango ako. Bago pa s'ya bumaba ay hinabilin n'ya sa'kin na h'wag akong aalis sa tabi ng mga bodyguard namin kaya tumango na lamang ako.

At tulad nga ng sinabi ko. Nahirapan akong makalabas ng airport dahil sa pagdudumog sa'kin ng mga reporters at mga fans ko. Halos magkanda tapilok pa ako. Kaya pagdating ko sa may kotse ay pawis na pawis ako. Ang init na nga sa Pilipinas ta's idagdag mo pang siksikan ang loob ng airport. Sa sobrang dami ng tao ay hindi na yata kinaya ang aircon.

Hindi pa nag-iinit ang pang-upo ko sa upuan ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko dahil do'n. Sino naman 'to? Bagong number ko 'to kaya bakit may tumatawag sa'kin na hindi nakasave sa cellphone kong 'to? May isa akong cellphone na do'n ay panay ang text ang mga sumuporta sa'kin. Iba ang cellphone ko for my career at iba din ang cellphone ko para sa pang-araw-araw na kumunikasyon ko sa mga kaibigan ko.

Hindi ko sinagot ang tumatawag na 'yun at pumikit. Nakakapagod ang byahe ko. Umayos ako ng upo 'tsaka ko natulog. Nagising na lang ako ng nasa tapat na ako ng bahay ni Fratello maggiore. Malaki ang bahay na 'yun at alam kong ipinagawa 'to ni Fratello maggiore sa kaibigan ko. Napangiti ako ng makita kong nasa labas ng bahay si Fratello maggiore.

"Hey, welcome back, La mia sorellina."

"I miss you, Fratello maggiore," saad ko at yumakap sa'kin.

"I miss you too," saad din n'ya at hinalikan ako nito sa noo. "Mananatili ka na ba dito? Hindi ka na ba babalik sa ibang bansa?"

Nagkibit-balikat ko. "I don't know. Titignan ko."

"Bakit titignan mo? Pa'no ang mga bata?" tanong n'ya sa'kin habang naglalakad kami papasok ng bahay n'yang malaki. Siguro ay madami na s'yang nadalang babae dito bukod sa'kin.

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon