16

874 18 17
                                    

Chapter 16

I don't

Kinabukasan, kahit walang pasok ay maaga pa rin akong gumising. Para ipagluto si Devin ng agahan. Wala sina Manang at mga katulong namin. Day off nila kaya walang ibang kikilos ako lang. Kahit papaano naman ay alam na ako sa pagluluto kaya kung minsan ay hinahayaan na ako ni Manang magluto para kay Devin.

"Ano'ng ginagawa mo?"

"Ay, kalabaw ka!" sigaw ko ng may biglang nagsalita. Pagkatingin ko sa may likuran ko ay nakita ko si Devin. "Good morning! Gusto mo ng kumain? Nagluto ako."

"Sinabi ko bang ipagluto mo ako? Hindi naman, 'di ba? Wala din akong sinabing kakain ako ng niluto mo," saad n'ya kaya natigilan ako. Shocks! Bakit gano'n? Parang bago ng bago pa rin para sa'kin ang mga sinasabi n'ya? Dapat nga ay sanay na ako, eh.

"Sige na. Kumain ka na. Baka kasi hindi ako makauwi mamaya kaya kumain ka na," malungkot kong sabi. Kumunot ang kanyang noo dahil sa sinabi ko. "May practice kasi ako kaya baka hindi ako makauwi kaya nagluto na ako ng tanghalian mo at hapunan mo. Hindi naman 'yan mapapanis. Initin mo na lang kung lumamig. May gawa din akong dessert baka sakaling gusto mo lang din kainin. Kung hindi h'wag mo na lang galawin at h'wag mo na lang itatapon. Ako na lang ang kakain n'yan."

Pagkasabi ko no'n ay lumabas na ako sa bahay namin ng walang lingunan. Alam ko namang hindi s'ya nakatingin sa'kin. Wala s'yang pakialam sa'kin at wala din s'yang pakialam sa damdamin ko. Nang dumating ako sa bahay ni Dienver ay sakto lang na magsisimula na ang practice namin. Kakarating lang din no'n n Sabina buti na lang at sakto lang ako sa oras kaya naman nakasabay ako sa pag practice namin.

Nagkaroon kami ng ilang minutong pahinga ta's bumalik ulit kami sa pagpractice namin at nang sumapit ang bandang alas tres ay tapos na ang aming practice kaya naman nagkwentuhan na lang muna kami habang nagpapahinga kami.

"Hindi ka ba uuwi sa inyo?" tanong ni Deinver ng isa-isa nagpaalam ang mga ka-dance group namin.

"Pinapalayas mo na ba ako?" natatawang saad ko. Pagabi na kasi kaya nagsisi uwian na ang mga iba.

"Hindi naman. Kung gusto mo ay dito ka na lang matulog. Ayos lang din naman," saad n'ya. Kung pwede ko nga langa ayain ang mga kaibigan kong magbar ay kanina ko pa ginawa kaso ang sabi nila ay busy daw sila ng ayain ko sila.

"Pwede ba?" tanong ko at tumango s'ya.

"Pwede naman. Laging welcome ka sa bahay namin, Ellaine. Pwede kang matulog sa may guest room namin o baka gusto mong mag movie marathon tayo sa kwarto ko? May mahihigaan ka naman sa may kwarto ko para. Sa'yo ang sofa bed ko o do'n ka sa kama ko at ako ang do'n sa mah sofa bed," sabi n'ya kaya ngumiti akong tumango.

"Hindi naman yata magandang tingnan na magsama tayo sa iisang kwarto," natatawang saad ko. "Baka nakakalimutan mo ang status ko?"

Dati kasi ay gano'n ang ginagawa namin. Madalas kaming mag movie marathon ni Dienver at ni Calvin. Kapag busy sila Kierra, Aaliyah, Franchesca, Roseanne at Samantha sa gawaing school. Inaabot na kami minsan ng umaga dahil napapaganda ang panonood namin ng mga movie.

"Eh, 'di tawagan mo si Calvin. Movie marathon tayo. Sabihin mo magdala na din s'ya ng mga foods at CD," sabi n'ya.

"Pwede ba? Baka magalit sina Tita at Tito," saad ko. May pag-aalinlangan kong sabi. Hindi naman siguro ako hahanapin ni Devin, right? Dahil ng nagpaalam ako sa kanya ng na hindi ako makakauwi ng unang beses ay ang sinabi n'ya ay pakialam daw n'ya.

"Oo, pwede 'yan. Magpapaalam ako."

Tumango naman ako 'tsaka tinawagan si Calvin. Buti na lang at nagdala ako ng extrang damit ko. Sabay pa kaming pumasok sa loob ng bahay ni Dienver ng makarating si Calvin. Ang dami n'yang dalang pagkain at puro mga paborito namin 'yon. Madami din s'yang CD-ing dala na pwede naming panoorin.

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon