39

1.3K 28 0
                                    


Chapter 39

2 weeks

"Nagkagusto ka na ba?"

Dahan-dahan akong tumingin kay Marvin ng itanong n'ya 'yon sa'kin. Nasa rooftop kaming dalawa habang nakatingin sa kawalan.

"Ikaw ba?"

Natawa s'ya ng bahagya. "Ako ang unang nagtanong sa'yo, eh."

"Ikaw nga ang unang nagtanong pero ikaw muna ang mauna bago ako," saad ko.

"Oo...ikaw ba?"

Matagal bago ako sumagot sa linyang 'yon. Inaalala ko ang mga araw na kung kailan ako unti-unting nagkakagusto kay Devin. Bakit ba kasi gan'to ang script namin? Planado ba 'to? Bakit pakiramdam ko ay pinaparusahan ako sa mga script na 'to. Mga linyahan ng script ay nakakapag-paalala kay Devin. Kasama na ang nakaraan namin.

"O-Oo," sagot ko. "Pero hindi masaya ang kinalabasan. Pighati. Masakit sa una hanggang sa dulo...g-gano'n pa rin."

Hindi ko tuloy maiwasan na balik-balikan ang mga masasakit na alaala ng kahapon ko. Sa tuwing may gan'tong linyahan sa script. Hindi ko alam kung sadyang kasama ba 'to sa teleserye o sinadya talaga para maalala ko s'ya? Lalo na't nasa paligid ko s'ya.

At magiging sinungaling ako kung hindi ko aaminin na na-miss ko s'yang kasama kahit kaunti lang ang masasayang alaala ang namutawi sa amin dati. Hindi ko nga lang alam kung totoo ba 'yun o pagpapanggap lang.

"Hindi naman lahat kasi ng nagkakagusto ay may masayang ending minsan tragic," saad nito.

Tragic? Parang gano'n nga ang nangyari sa amin. Ano bang gamot ang pwede kong mainom para kahit papaano ay mabawasan naman 'yung sakit at pagmamahal ko sa kanya. Isinumpa ba ako? Bakit gano'n? Ano bang kasalanan ko sa nakaraanng buhay ko at bakit ako pinaparusahan ng gan'to?

Ito ba talaga ang kapalaran ko habang buhay? Gan'to ba talaga? Walang kasiyahan? Puro lungkot?

"Yeah, ang happy ending para lang 'yan sa imahinasyon ng mga bata. Pero kapag malaki na sila ay do'n kang nila mari-realize na wala talagang happy ending. Siguro...masasaktan lang sila katulad ko. Dahil sa mundong ginagalawan natin. Bihira lang magkaroon ng masayang katapusan kung mapunta ka sa tamang tao," mahabang saad ko.

At baka hindi ko pa nahahanap ang taong para sa'kin. Sa'n ko ba s'ya mahahanap para wala na akong sakit na maramdaman. Dahil nakakapagod ang makaramdam ng sakit. Sa araw-araw na lang. Nakakapagod ding umiyak. Masakit sa mata.

"Eh, 'di sa'kin ka na lang," bilang sabi n'ya.

Kaya nagulat akong tumingin sa kanya. Hinigit n'ya pa ako papalapit sa kaniya at bahagya pang ginulo ang aking buhok. Sabay ngumiti s'ya sa'kin ng matamis na matamis. Kulang na lang ay langgamin ako sa sobrang tamis.

"Dito ka na lang sa'kin at hindi kita sasaktan at papaiyakin...Zhina," dagdag n'ya pa at unti-unti n'yang inilapit sa'kin ang mukha n'ya.

Shocks! Hahalikan n'ya ako? Sa'n sa lips? What?! Wala 'to sa script. Shocks! Direk nasa'n ka na ba? Bakit hindi mo pa sabihin ang cut? No way. Please. Sigaw na ng cut, please? Wala pang nakakahalik ulit sa labi ko matapos ang walong taon. Ta's ngayon ay magkakaroon na pero hindi naman si Devin.

Pinagdikit ko ang labi ko ng mariin at bahagya 'yun nilubog para hindi ako mahalikan ni Marvin sa mismong labi ko. Subukan mong idikit ang labi mo sa labi ko at ako mismo susuntok sa'yo, Marvin! Sh*t! Wala talaga 'to sa script. Binasa ko ang script kanina at wala 'to. Shocks! Nag-ad-lib ba s'ya?

Pinapangako talaga kapag nadampian mo ng halik ang labi ko, Marvin. Dudugo ang nguso mo ay mga ilang araw 'yan maga. Kainis. Direk! Ano na?

Akmang itutulak ko na sana si Marvin ng marinig kong sumigaw si Direk ng cut.

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon