41

1.1K 17 6
                                    


Chapter 41

Just talk

"Akala ko ba magbabar tayo?"

Umiling ako. "'Tsaka na lang siguro, Erra. Pagbalik ko," sagot ko sa tanong ni Kierra.

"What?! Aalis ka na naman? Ng hindi man lang nagpapakita sa mga kaibigan nating sa Pilipinas?" inis nitong sigaw sa'kin.

"Hindi naman ako lalabas ng Pilipinas, g*ga ka!" sigaw ko din pabalik.

Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao. Nag-iingat anga ako, eh! Ta's s'ya pa gagawa ng kaguluhan ko. Shocks! Masasabunutan ko talaga s'ya kapag ako dinumog ng mga tao. Wala akong kasama na kahit ano maliban sa wallet at cellphone ko.

"Sorry, akala ko naman kasi ay aalis ka na naman palabas ng Pilipinas. Baka naman magtampo na sa'yo ang anak mo n'yan," sabi n'ya na ikinatahimik ko.

Nagtatampo na nga sila, eh. Hindi lang tampo dahil galit din sila sa'kin. Mga apat na araw lang naman ako sa Taytay. Hindi naman ga'no katagal. Hindi ko alam pero nagpaulit-ulit sa'king pandinig ang sinabi ng anak kong si Ril. Ibig sabihin hindi lang si Ril ang may sama ng loob sa'kin. Kundi silang tatlong magkakapatid.

"Hoy, bakit tumahimik ka?" nagtatakang tanong nito sabay higop sa kape n'ya.

Umiling ako. "Wala."

"Uy, nakabalik ka na pala? Hindi man lang kami na-inform."

Napalingon ako sa may likuran ko ng marinig kong nagsalita si Samantha at ng makita ko s'ya ay para bang walang nangyari sa kanya noon. Maayos s'yang tignan parang tulad lang ng nakaraan. Mukhang wala s'yang pinagdadaanan.

"Ta's hindi man lang nag-ayang manlilibre pala," singit pa ni Roseanne.

"Bakit gano'n? Mukhang walang pinagbago sa inyo kahit nagkaroon na ng mga bata?" tanong ko.

Dahil kung ano'ng mga katawan nila ng nag-aaral pa lang kami ay gano'n na gano'n pa rin ang katawanin nila. Ako lang yata ang nag-iba. Medyo nagkalaman-laman kasi ako at ang hirap ng bawasan. Pero sabi naman ni Tita ay ayos lang. Pasok pa naman kapag nirarampa ko ang mga damit galing sa mga sikat na brand.

"Eh, try mo kayang mag-alaga ng bata? Para malaman mo kung bakit gan'to pa rin ang mga katawan namin," sagot ni Kierra sabay irap.

"True! Akin nga ay isa pa lang. Pa'no pa kaya kapag nadagdagan na ta's kambal pa? Jusko! Ayaw ko na," sabi ni Roseanne na para bang nagsisising nagkaroon s'ya ng anak. Ang gwapo kaya ng anak n'ya. Manang-mana sa ama.

"At least gwapo naman ng anak mo kaya bawing-bawi din. Tignan mo lang ang mukha ni Cis ay mapapawi ang pagod mo lalo na't kamukha ni Kalix," sambit ni Samantha kaya nakatanggap s'ya ng matalim na tingin kay Roseanne. Kaya natawa ako.

Nangangamoy hindi pa naka get over. Well, mananahimik na lang ako baka ako ang mahot seat mamaya. Mahirap na.

"Nang-aasar ka ba?" inis na tanong ni Roseanne kay Samantha.

"What? Hindi, ah," maang-maangan ng g*ga.

"Ay, oo, nga pala. Kierra alam mo bang— Hmm..." Hindi na natuloy ang sasabihin ni Roseanne ng biglang takpan ni samantha ang bibig nito.

Kumunot ang noo. Ano 'yon? Bakit n'ya tinakpan ang bibig ni Roseanne?

"Hoy, ano 'yan? May hindi ba kami nalalaman?" tanong ko pero iling lamang ang sinagot sa amin ni samantha habang nasa bibig pa rin ni Roseanne ang kanyang kamay. Mukhang may hindi sinasabi si Samantha.

"Pero bakit mo tinatakpan ang bibig ni Roseanne?" takang tanong ni Kierra.

"W-Wala," sagot nito.

Nagkatinginan kami ni Kierra at nagkibit ng balikat pero sabay kaming tumayo sa kinauupuan para alisin 'yung kamay ni Samantha sa bibig ni Roseanne. Aalisin na sana 'yon ni Samantha dahil nagkibit balikat kami pero dahil gusto naming malaman ni Kierr kung ano'ng sasabihin ni Roseanne ay aalisin namin ang kamay ni Samantha.

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon