31

1.5K 27 21
                                    


Chapter 31

Fratello maggiore

"Samantha!"

Lahat kami ay napatingin sa may pinto at napatingin do'n ng marinig naming sumigaw si Roseanne at tumatabong lumapit kay Samantha. Bakas do'n ang saya sa mukha n'ya pero sa mata ay hindi. Ano'ng nangyari sa kaniya? Maputla s'ya at parang namamayat ang g*ga.

"Roseanne," mahinang anas ni Samantha.

"Masaya akong gising ka na, Samantha," saad ni Roseanne tila ay iiyak.

Tila na pansin 'yun ni Samantha kaya tinanong n'ya si Roseanne tungkol sa kalusugan nito. Hindi naman kasi gan'to ang katawan n'ya. Bakit ang laki ng pinagbago n'ya? Mas pumuyat pa s'ya sa dati n'yang katawanin. Pinapabayaan n'ya ang sarili n'ya?

"Wala na yata silang dalawa. Dahil ng makita ko si Kalix do'n sa university namin mukha s'yang lutang. Laging nakatulala at kitang-kita sa mata n'ya ang sakit."

Nagulat ako sa sinabi ni Kierra. Shocks! Bakit hindi ko alam? Ni isa sa mga nangyayri kay Roseanne ay nagulat ako. Hindi ko alam na gan'on pala ang pinagdadaanan n'ya. Same kami. Pero mukhang mas doble yata ang sakita na nararamdaman n'ya dahil namatayan pa s'ya. Baon sila utang ngayon. Shocks! Pa'no nakayanan 'yun ni Roseanne.

Pagdating hapon ay nagsiuwian na muna kamin ng mga kaibigan ko. Hindi kasi makakapagpahinga ng maayos si samantha kung puro kami tanong ng tanong saknaiya. Naiwan do'n si Roseanne para bantayan si Samantha. At isa pa hindi ko gusto ang amoy ng hospital. Naduduwal ako na ewan. Kaya naman nagpahatid na ako sa driver namin pauwi. Maganda ang araw ko. Mula ng magising ako kaninang umaga ay hindi mapawi ang ngiti sa'king labi. Dahil siguro sa nangyari kagabi.

Dumaan na muna ako sa may coffee shop bago ako umuwi. Bumili ng blueberry shake at cake. Pagdating ko sa bahay ay bumaba na ako agad sasakyan. Masaya akong pumasok at tatawagin na sana si Manang ng natigilan ako ng marinig kong nag-uusap si Claire at si Devin.

"Aus, h'wag. Kung sasabihin mo 'yun sa kaniya hindi mo ba maiisip na baka lumala lang ang sitwasyon?" tanong ni Claire.

Ha? Ano'ng ibig sabihin ni Claire do'n? Nasa may main door lang ako ng pinto at hindi pumapasok dahil gusto kong marinig ang pinag-uusapan nila.

"M-Maiintindihan naman n'ya siguro," mahinahong sambit ni Devin. "Hindi naman kita pwedeng pabayaan Claire. Lalo na't ganyan ang sitwasyon mo. Mahalaga ka sa'kin, Claire."

Awts! Ako?Mahalaga din ba ako sa'yo, Devin? O hindi?

"Aus, mas lalo lang s'yang masasaktan. Hindi mo ba nakikita? O bulag ka lang talaga? Mahal ka n'ya," saad ni Claire. "Aus, hindi ko pinangarap maging kabit ako. Oo, girlfriend mo ako pero s'ya asawa mo. Legal kayong kasal. Sa mga mata ng tao ako ang kabit kahit na sabihin mo pang s'ya."

Napaiwas ako sa kanila ng tingin kahit hindi naman nila ako nakikita. Naiiyak ako at the same time ay natatakot. Natatakot akong baka iwan n'ya ako. Kasal nga kami pero wala naman sa'kin ang puso at isip dahil na kay Claire. Na kay Claire at wala sa'kin.

"Claire, buntis ka. Kaya... please, dito ka lang."

Ano daw? Si Claire? B-Buntis? Ta's s'ya ang Ama? Wow! Nice. Buntis din ako at s'ya ang Ama. Sa sobrang parang namanhid yata ang buo kong katawan ay hindi ko namalayan na nabitiwan ko pala ang binili kong shake at cake. Dahilan para mapatingin sila sa'kin. Pareho pa silang gulat na gulat ng makita ako at napatayo sa kinauupuan nila.

"E-Ellaine," sambit ni Claire at umiling pa.

"D-D-Dian, k-kanina ka pa d'yan?" tanong ni Devin at namumutla.

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon