27

1.2K 23 1
                                    


Chapter 27

Legal

Nagising ako ng nakahiga ako sa isang kama may nakakabit din sa'king dextrose. Hindi ko na huhulaan pa kung nasaan ako. Dahil amoy pa lang ng paligid ay malalaman mo na. Nasa hospital ako. Masakit ang buo kong katawan. Hindi ko ga'no maigalaw. Napatingin ako sa amy pinto ng marinig kong bumukas 'yun at pumasok ang isang doktor. 'To yata ang doktor ko na naka assign sa'kin.

Ngumiti 'to sa'kin. "Gising ka na pala, Mrs. Ortizo."

Ano daw? Mrs. Ortizo? Ako ba ng tinutukoy n'ya? Napangiti ako ng sarkastika. Misis nga pala ako ng isang Ortizo. Ang Ortizo na ang hirap makuha at mahirap din mahalin. Hindi ako sumagot sa sinabi ng doktor. May sinasabi s'ya tungkol sa kalusugan ko pero wala akong ga'nong maintindihan. Pero natigilan ako ng marinig ko ang huling sinabi ng doktor.

"A-Ano pong sinabi n'yo? P-Pakiulit nga po," sabi ko dahil hindi ako makapaniwala.

Muli s'yang ngumiti sa'kin. "Ang sabi ko, Mrs. Ortizo... Ingatan n'yo po ang sarili n'yo. H'wag po kayo masyadong magpa-stressed, magpuyat, at kung anu-ano pa na pwedeng makaapekto sa pagbubuntis n'yo."

Pwedeng makaapekto sa pagbubuntis n'yo.

Pwedeng makaapekto sa pagbubuntis n'yo.

Pwedeng makaapekto sa pagbubuntis n'yo.

Dalawang beses lang 'yun sinabi ng doktor pero nagpaulit-ulit sa'king pandinig. Ako? Buntis? Nagbibiro ba ang doktor na 'to? Pa'no ako mabubuntis kung nagkakaroon naman ako buwan-buwan— Napaawang ang aking labi ng hindi ako dalawin ng second week ng linggo. Sh*t! Hindi naman pumapalya ang regla ko kaya.

"You are two weeks pregnant, Mrs. Ortizo," sabi pa ng doktor. "Congrats, by the way."

Two weeks? Two weeks na akong buntis? Seryoso ba 'to?

Hindi na ako nakaimik pa ng nagpaalam na 'tong lalabas na s'ya. Ang sabi n'ya pa ay hintayin ko na lang ang kasama ko dahil lumabas lang 'to saglit para bumili ng makakain. Sumasakit ang ulo ko dahil sa sinabi ng doktor.

Kung buntis ako. Ibig sabihin no'n ay hihinto ako sa pag-aaral. Sh*t! Pa'no na 'yung mga pangarap ko? Pa'no si Devin? Matatanggap n'ya ba 'to? O hindi? Kinakabahan ako at nakakatakot ako.

Napatingin ako sa may pinto ng muli 'yon bumukas. Pumasok si Kierra na may hawak na supot at ng makita ako ay patakbo s'yang lumapit sa'kin. "Ellaine, gising ka na. Kumusta ang pakiramdam mo?"

"A-Ayos lang," mahinang anas ko.

"Mabuti naman at gano'n. Alam mo ba'ng natakot kami sa kalagayan mo. Halos hindi ka namin nakilala ng dalhin ka sa ospital," sabi n'ya. "Halos magtatatlong araw ka ng tulog. Ang sabi ng doktor na nag-opera sa'yo ay kapag nagising ka ay pwede ka daw mawalan ng alaala dahil napalakas ang pagkaumbog mo ng mabunggo ka."

"What?" takang anas ko.

"Oo, tatlong araw ka ng tulog. Akala nga namin ay magagaya ka kay Samantha. Dahil ilang araw na din s'yang tulog dahil na comatose s'ya," sambit n'ya dahilan para magulat ako.

"What the h*ll! What happened to Samantha?" nag-aalalang tanong ko. Naaranta naman si Kierra ng makitang kumilos ako sa pagkakahiga ko. Agad n'ya akong nilapitan at pinigilan sa paggalaw ko.

"H'wag kang gagalaw, Ellaine! 'Yon ang sabi ng doktor mo," sita n'ya sa'kin pero hindi ako nakinig sa kaniya.

Gusto kong makita si Samantha. Ano'ng nangyari sa kaniya? Bakit s'ya na comatose? Nang huling kita ko pa sa kaniya ay masaya pa s'ya at malakas. Pero... nawalan lang ako ng malay ay gano'n na ang nangyari sa kanya? Shocks! Nag-aalala ako para sa kaibigan ko.

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon