37

1.5K 26 22
                                    


Chapter 37

143

"Ellaine, late ka na naman!"

Bumusangot ang mukha ko ng sigawan ako ni Tita. Ako kasi ang late na dumating sa may taping namin. Kasalanan ko bang napuyat ako? Kasalanan 'yun ni ano, eh! Bw*sit! Kung hindi ba naman kasi nagbitaw ng makahulugang salita ay hindi ko 'yun iisipin kagabi. Dapat mapayapa akong natutulog pero dahil sa sinabi n'ya... na puyat ako.

"Nag-sorry naman po ako, Tita," sagot ko. "Humingi naman ako ng paumanhin sa kanilang lahat. Hindi naman na mauulit, eh."

"Dapat lang! Nakakahiya 'yon, Ellaine."

"Sorry na po," saad ko.

"Kumain ka na at mamaya ay may taping ulit kayo ng mga 1 PM," paalala ni Tita kaya tumango ako.

Tumango na lamang ako biglang sagot kahit wala akong balak na kumain. Hindi maalis-alis sa isip ko ang sinabi ni ano. Buti na nga lang at maayos kong ginagawa ang trabaho ko. Lunes hanggang Friday ay may taping ako. Ta's pagdating sa Sabado naman ay may photoshoot ako para sa imomodel kong damit. May rampa ako sa Sabado. Kaya Linggo lang talaga ang may free time ako.

Napatingin ako sa may cellphone ko ng tumunog 'yun. Kinuha ko naman 'yun at nakita kong may message si ano. Nagpadala s'ya ng picture ng mga anak kong masayang kumakain. Actually sila Ril at Raz lang ang masaya. Si Raf lang ang seryosong kumakain.

Sa kanilang tatlo si Raf lang talaga ang pinakaseryoso sa kanila. Bihira kung ngumiti na akala mo ay kapag ngumiti s'ya ay katapusan na n'ya. Bihira ko lang makitang ngumiti ang anak kong 'to. Mainitin din ang ulo kagaya ni ano. Bihira din s'ya magsalita. Magsasalita lang s'ya kapag kailangan o naiinis.

Ta's si Ril naman makulit s'ya at matakaw. Puro gusto n'ya ay pagkain pero hindi naman tumataba. Maloko din ang batang 'yun at masiyahin. Si Raz naman ay parang may same sila ni Ril pero maangas ang dating ni Raz. Lagi ding napapaaway. 'Yun ang sabi sa'kin ni Fratello maggiore kapag tumatawag s'ya. Akala mo kung sino'ng siga sa may kanto.

Ang unfair naman. Wala naman yatang naman sa'kin ang mga anak ko. Bw*sit! Ako ang naghirap, ah! Ta's s'ya hindi naman pero bakit halos lahat ay sa kaniya minana ng mga anak ko? Madaya! Sabagay s'ya pala ang pinaglihian ko ng pinagbubuntis ko sila. S'ya. Gusto ko pa langing nakikita ang mukha n'ya. Kahit sa larawan ay sapat na sa'kin.

Hindi ko kasi pwede s'yang lapitan at yakapin. Kaya gano'n lang lagi ang takbo ng buhay ko ng mga nagdaang taon. Kaya imbes na makalimutan ko s'ya. Mas lalo lang yata lumalim ang t*nga kong damdamin.

Buti pinayagan s'ya ni Claire na maging male nanny ng mga anak n'ya. Hindi kaya sila mag-away ng dahil sa'kin? Baka mamaya ay nag-aaway na pala sila ng dahil sa'kin. Dapat ko na ba s'yang palitan? Sa tingin ko ay mahirap. Ang hirap ngang palitan s'ya sa puso ko pa'no pa kaya sa pagiging male nanny n'ya? Ngayon pa't nakikita ko na s'ya araw-araw. Sabi na nga ba't masamang ideya ang pagtanggap ko sa kontrata sa teleseryeng 'to. Bad idea.

From: Si ano

Kumain ka na?

Kumunot ang noo ko ng mag-text s'ya. Pakialam n'ya kung hindi pa ako kumakain? Paki n'ya?! Bakit dadalhan n'ya ba ako ng pagkain?

To: Si ano

Pakialam mo?

From: Si ano

Gusto mong dalhan kita ng pagkain? Ano'ng gusto mo?

To: Si ano

Ano'ng gusto ko? Ang 'wag kang magtext. Hindi tayo close, male nanny.

From: Si ano

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon