58

1.5K 21 3
                                    


Chapter 58

Proposed

**✿❀ ❀✿**

"Tu puta madre!" Motherf*cker!

Napamura ako ng paulit-ulit habang asar na pinapanood ang mga taong naglalagay ng ipinagbabawal na gamot sa likod ng sasakyan. Sako-sako ang laki no'n. So...I'm sure malaki ang kikitain nilang pera pero sorry na lang at mukhang hindi matutuloy ang raket n'yo.

Maraming nasisira ang kinabukasan dahil sa gamot na 'yon. Mga kabataan pa lang ay alam na alam kung pa'no 'yon gamitin at ibenta ng hindi man lang nahuhuli. Dumilim ang mukha ko ng makitang may mga estudyanteng tumutulong sa pagbubuhat ng gamot na 'yon.

"Sir, what shall we do? May mga estudyante silang kasama," my colleague asked worriedly.

Napabuga na lamang ako ng malalim na hininga. "Tulad pa rin ng pinagplanuhan natin. Don't hurt the students but we will arrest them. Mga estudyante pa lang sila kaya baka mapunta sila sa DSWD."

"Copy, sir," rinig kong saad nila sa suot naming earpiece kung sa'n kami nag-uusap-usap at nagkakarinigan din.

Nang makita kong unti-unting pumapasok ang mga taong nagbubuhat sa may hideout nila do'n na kami magkakaroon ng pagkakataon para pasukin ang loob. Their hideout was very old. If I'm not mistaken, it's an old abandoned house. May dalawang tao na naiwan sa ay labas siguro ay magbabantay.

"Good. Move now!" mahinang sigaw ko kaya agad silang nagsikilos at gano'n din ako.

Maingat akong naglalakad papalapit sa hideout ng mga drug dealer. Palingon-lingon sa paligid at tinitignan kung may mga kalaban ba o wala. Sumenyas ako sa mga kasamahan ko na dahan-dahang pasukin ang loob.

Paisa-isa silang pumapasok sa loob at hanggang sa pumasok din ako. Some of my companions were left outside the hideout to observe. Kumunot ang noo ko ng makitang ang daming mga sako sa loob. Patong-patong ang mga 'yon. Kinapa ko sa may bulsa ang maliit na kutsilyong dala-dala ko at binutas ang sako.

Agad din naman 'yon nabutas at nakita kong narepack lahat ang mga gamot. Talagang ide-deliver na lang ang mga 'yon sa mga bumibili sa kanilang gamot. Talagang nakarepack 'yon na parang gamot na nabibili sa may pharmacy.

Nakarinig ako ng putukan sa may taas kaya napalingon ako do'n. Akmang maglalakad na ako papalayo sa kinatataguan ko ng may humarang sa'kin na kalaban. Nakangisi 'to sa'kin na para bang minamaliit ako. Sumugod 'to agad sa'kin kaya wala akong nagawa kundi ang labanan 'to. As much as possible, I don't want to hold a gun if I can knock them out using the way I know how to fight fairly. I studied martial arts so that's what I always use.

Sinapak ko 'to ng dalawang beses. Ngunit hindi pa nagtatagal at hindi pa ako nakakaramdam ng pagod ng matumba 'to at nang tingnan ko ay tulog na. I smiled when I saw him sleeping and still gaping. I immediately took out my gun when I saw someone to shoot.

"Sh*t!" mahinang mura ko. Muntik na 'yon!

Sunod-sunod ng lumabas ang mga taong pumasok sa may hideout kaya naman wala akong choice kundi ang gumamit ng baril para kahit papaano ay mabawasan sila. Pinapatamaan ko sila sa binti at braso pwera lang sa mga estudyante. Nang maubos ko lahat ng mga taong nakakasalubong ko ay nagpatuloy ako sa pag-akyat sa may hagdan.

"Sir, ubos na sila pwera lang sa mga estudyante," rinig kong sambit ni Marcus.

"Ilalabas na namin ang mga estudyante, sir," dagdag pa na saad ni Down.

"Okay, be careful. Susunod ako," saad ko at nagpatuloy sa pagsilip paisa-isa sa may kwartong naka-lock.

Nasa huling kwarto na ako at bubuksan ko nasa 'to ng makarinig ako yapak ng paa sa may likod ko. Nang tingnan ko ay agad kong binuksan ang pinto para makatago pero nabaril ako sa may braso ko. Napapikit ako ng mariin ng makaramdam ng pagkakirot sa braso ko.

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon