10

1K 22 12
                                    

Chapter 10

Course

"Kung ako ba s'ya, mapapansin mo? Kung ako ba s'ya, mahahalin mo? Ano bang mayro'n s'ya na wala ako? Kung ako ba s'ya, iibigin mo?"

"Hoy! Ano'ng drama mo?" Napatingin ako kay Aaliyah ang tapikin n'ya ako sa may balikat ng makabalik s'ya sa may lamesa namin. Nakakunot ang kaniyang noo habang umiinom ng beer. "Kumakanta ka kasi ng malungkot. Para bang bawat bitiw mong mga salita ay may meaning. Ano'ng problema mo?"

"Aali, may problema ba sa'kin?" medyo may tama na ako ng alak na tanong ko sa kay Aaliyah.

Hindi ko din maintindihan ang sarili ko. Dati naman ay wala sa'kin ang mga sinasabi sa'kin ni Devin. No'n pa man ay nagpapansin na ako sa kanya. Hindi n'ya lang ako pinagtutuunan ng pansin dahil nasa iba ang paningin n'ya at wala sa'kin.

"Ano'ng problema?"

"I mean... May mali ba sa'kin?" tanong ko at muling uminom ng martini. Marami na akong nainom pero para bang hindi pa rin talaga sa'kin umeepekto ang martini dahil sa iniisip ko. Masakit ang puso ko. "May kulang ba sa sarili ko? Ha? Ano? Sabihin mo sa'kin. Please?"

"Tungkol na naman ba 'to sa pagtibok ng puso mo?" seryosong tanong n'ya ay may irita sa kanyang boses.

Ayaw na ayaw kasi ni Aaliyah na ang topic ay tungkol sa love, naiirita s'ya. Pareho ang paniniwala ni Aaliyah at Franchesca na hindi nag-eexist ang love. Hinihintay ko ngang makarma sila para alam nila kung ano ang pakiramdam no'n na hindi magustuhan ng taong gusto nila. 'Yung kahit ano'ng gawin mo ay mahirap s'yang abutin.

Hindi ako sumagot sa tanong n'ya bagkus ay tumayo ako para maglakad patungong dance floor. Nandito din sila Kalix ang nagugustuhan ni Roseanne. Syempre kasama din si Calvin.

"Hey, are you okay?" Calvin asked me.

"A-Ay!" I was surprised when he suddenly appeared at my side. "Y-Yes, I-I'm okay. Why?"

"You don't look okay for me, Ella," nag-aalalang sabi ni Calvin. "What is your problem? Hmm?"

I smiled. "I'm really okay. Okay? So, may nakita ka na bang babae?"

"Woman?" Calvin repeated what I asked him.

"Yeah, a woman."

Tumingin ako sa mga paligid. Sa kabuuan ng bar. Maraming mga babae at lalaking sumasayaw kagaya namin ni Calvin. Every Friday, me and my friends go to the bar just to chill or to relax.

"May nakita na ako pero..."

"But? What?"

"Kasayaw ko na s'ya," saad n'ya.

"What? Sino? Sa'n?" Tumingin-tingin pa ako sa paligid bago ko nakuha ang sinasabi n'ya. Hinampas ko s'ya sa dibdib. "Puro ka kalokohan, eh, 'no? Batukan kita d'yan eh."

Natawa s'ya at biglang sumeryoso. "What if I'm not kidding?"

"Eh? Ul*l ka! Can you? Can you please stop joking? Nakakabadtrip ka, you know?"

Aalis na sana ako at pupuntahan sina Roseanne at Samantha pero hinawakan ni Calvin ang braso ko dahilan para mapahinto ako sa paglalakad. Sisinghalan ko sana s'ya pero nagulat ako sa ginawa n'yang paglapit sa'kin at hinalikan ako.

"I like you, Ellaine... matagal na," saad n'ya.

Nakaawang lang aking labi at para bang hindi ko maiproseso sa aking utak ang sinabi n'ya. He's joking, right? He's just joking with me. My shocks!

"Matagal na kitang gusto, Ellaine. Pero akala mo kasi nagbibiro lang ako pero hindi. Hindi! Kasi gusto talaga kita, okey? Gustong-gusto!" muli n'yang saad na mesyo tumaas ng kaunti ang kanyang boses.

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon