30

1.7K 25 12
                                    


Chapter 30

143

"Anak, please, mas mabuti siguro kung h'wag ka na muna. Magsilabas-labas."

"My? Seriously? May pasok ako sa university ko," hindi makapaniwalang sambit ko.

"Mas mahalaga ang kaligtasan mo, anak," saad ni My, nag-aalala. "Bumalik ka na lang kaya muna sa bahay natin, anak? Mas mapapanatag ang loob ko kapag nando'n ka at kasama ka namin ng Dy mo."

Natigilan ako sa sinabi ni My. Pero ng makabawi ay agad akong umiling. "Ayaw ko, My." May tatlong araw pa ako, eh. Ayaw ko pa munang putulin. Gusto ko sulitin kahit pa'no. Gusto ko ng lubos-lubusin.

"Anak, hindi ka ba nag-aalala sa kaligtasan ng magiging anak n'yo ni Austin?" tanong ni My. Gulat akong napatingin sa kaniya. Shocks! Pa'no nalaman ni My? Wala pa akong sinasabihan ni kahit isa. Maliban na lang kung sinabi ng doktor kay My.

"M-My, p-pa'no mo nalaman?"

"Anak, kahit hindi mo sabihin sa'kin ay halata ka. Ganyan na ganyan din ako no'n ng pinagbubuntis kita. Kaya alam kong buntis ka at isa pa tumataba ka sabi din ni Manang ay tumatakaw ka. Senyales din 'yon na buntis ka at sabi din ni Manang ay panay ang tulog mo. Tama ako, 'di ba, anak?"

Hindi ako umimik. Kahit na oo at hindi lang naman ang dapat na isagot ko kay My. Kung hindi lang si My ang nakakalahata. Kung gano'n ay alam din ni Manang? Kasi tinanong n'ya ako kung ano'ng gusto ko kainin sa tuwing mapadpad ako sa kusina namin at naghahanap ng gusto kong kainin.

"Alam na ba 'to ni Austin, anak?" tanong pang muli ni My.

Wala sila Dy dito at gano'n din ang mga magulang ni Devin. Hindi ko alam kung sa'n sila nagpunta pero sabay-sabay silang umalis kanina.

"H-Hindi pa po." At hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kaniya o hindi. Kung sasabihin ko ba sa kaniya may magbabago ba? Hindi ako alam pero nasasaktan na ako. Pa'no kung hindi n'ya tanggapin ang bata? Pa'no kung ipagtabuyan n'ya kami? Pa'no kung piliin n'ya si Claire kaysa sa amin?

"Bakit hindi pa n'ya alam? Dapat n'yang malaman 'yan, anak," sabi n'ya.

Umiling ako at 'tsaka pumikit ng mariin. "My... naalala n'yo po ba 'yung nangyari sa'kin 2 years ago?" Natigilan si My dahil sa sinabi ko. "Kung papapiliin po ba kita between Tito and me. Sino sa aming dalawa ang pipiliin mo?"

Hindi s'ya nakaimik. Umiwas din si My ng tingin sa'kin at hindi matukoy kung titingin ba s'ya sa'kin o hindi. Hindi ko alam kung naguguilty ba s'ya o hindi. Naguilty nga ba sila ni Dy no'n? Parang hindi naman. Mahal ba nila ako? O hindi?

"A-Anak, s-sorry."

Sorry? Puro sorry na lang ang naririnig ko. Wala na bang iba? Sawa na ako sa sorry na 'yan. Nakakasawang pakinggan. Paulit-ulit na lang.

"Sa tingin mo, My. Kapag papapiliin ko si Devin. Kung ako o 'yung ibang babae. Sa tingin mo, ako ba ang pipiliin n'ya?"

"W-What do you mean, anak?" Nanlalaki ang kaniyang matang muling tumingin sa'kin.

"Nothing," maikling sagot ko. "Do'n pa rin po ako uuwi sa may bahay namin ni Devin. Pwede naman na akong lumabas mamaya, 'di ba? Mas gusto kong makapagpahinga sa bahay kaysa dito," dagdag ko pang saad.

Hindi na muling nagsalita si My ng talikuran ko s'ya para matulog. Inaantok na naman ako at nakakaramdam ng pagod kahit sa mga nagdaang araw ay panay ang tulog at kain lang naman ang ginawa ko. Kaya nakakapagtaka bakit gan'to? O normal lang talagang makramdam ng gan'to kapag nagbubuntis ka.

"M-My, p-pwedeng bili n'yo ng blueberry? Ta's ice cream na blueberry din?"

"'Yun ba ang guto mong kainin?"

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon