6

901 20 12
                                    

Chapter 6

Chase him

“Kuya Ashton, sige na kasiiii…”

Napabuga na lamang si Kuya Ashton dahil sa kakulitan ko sa kanya. Kanina ko pa kasi tinatanong sa kaniya kung ano’ng mga hilig ni Devin. Kakaunti lang kasi ang alam ko sa kanya. Hindi ko din matukoy kung ano’ng mga paborito n’yang kainin dahil papalit-palit s’ya ng kinakain kapag nakikita ko s’ya.

“Hindi ko alam, Ellaine,” mahinang anas ni Kuya Ashton. Hindi na n’ya yata kaya ang kakulitan ko. Pa’no pa kaya kapag nakilala n’ya si Roseanne na mas makulit pa kaysa sa’kin.

Natawa ako. Hindi dahil sa sinabi ni Kuya Ashton kundi sa kanyang itsura. “Sobrang nakukulitan ka na ba sa’kin, Kuya Ashton?”

“May magagawa ba ako? Wala naman, eh. Ganyan ka na, eh,” sabi n’ya pa.

“Pa’no pa kaya kapag nakilala mo na ‘yung isa pa naming kaibigan ni Kierra na mas makulit pa kaysa sa’kin,” natatawang sabi ko. Gulat n’ya akong tinignan na para bang nagulat s’ya sa sinabi ko.

“M-Meron mas higit na k-kukulitin sa’yo?”

Tumango naman ako ng walang pag-aalinlangan. “Oo, MAS makulit pa ‘yun sa’kin.”

Hindi na nagsalita pa si Kuya Ashton dahil sa sinabi ko. Ang tagal-tagal na naming magkakaibigan nila Kierra pero never pang nakilala ni Kuya Ashton ang apat naming kaibigan sa tuwing ipapakilala kasi ni Kierra kay Kuya Ashton n’ya ay lagi ‘tong busy o kung minsan ay wala sa bahay nila.

Ako din naman, hehehe. Hindi ko pa na ipapakilala ang mga kaibigan ko kay Fratello maggiore. Lagi din kasing busy at ang hirap pang hagilapin si Fratello maggiore. Akala mo ay celebrity hindi naman.

Pero curious talaga ako kung ano’ng pinagkakaabalahan ni Fratello maggiore. Kung negosyo ba o babae. Kasi kapag negosyo lang ay alam kong mabibigyan n’ya pa ako ng time pero kapag babae na. Naku! Ibang usapan na ‘yun.

Nakakaselos at nakakatampo man si Fratello maggiore pero hindi ko naman pwedeng ipagdamot si Fratello maggiore dahil alam kong balang araw ay mag-aasawa s’ya at bubo ng sariling pamilya. Syempre mas lalong mababawasan ang time sa’kin ni Fratello maggiore. Pero habang wala pa namang asawa si Fratello maggiore pwede ko ba muna s’yang ipagdamot?

“Tara na,” sabi ni Kuya Ashton ta’s tumayo na sa kinauupuan. “Ihahatid na kita sa inyo. Gumagabi na. Baka hinahanap kana sa inyo. Mayayari ka na naman sa Dy mo kapag hindi ka umuwi ng bago mag-9 PM ng gabi. Baka ipahanap ka no’n sa mga bodyguard n’yo,” dagdag n’ya pa. Kinuha ni Kuya Ashton ang iba kong gamit at s’ya na ang nagdala.

Natawa ako sa sinabi ni Kuya Ashton. Nang isang gabi kasi ng hindi ako umuwi ng bahay at lagpas 9 PM na din ng gabi ay pinahanap ako ni Dy sa mga kakilala n’ya. Akala n’ya daw kasi nakidnap na ako or what. Eh, nakitulog lang naman ako sa condo ni Kierra ng malasing ako. Hindi kasi ako umuwi sa amin dahil alam kong pagagalitan ako dahil lasing na naman ako.

Mahilig akong gumala tuwing gabi. Gusto kong magpunta sa bar tuwing gabi at magsayaw at mag-inom. Kumbaga ‘yon ang nakakapagpa-relax sa’kin sa tuwing pakiramdam ko ay nasasakal ako sa bahay. Ang swerte nga ni Fratello maggiore dahil s’ya nagagawa n’ya ang gusto n’ya samantalang ako? Kailangan pang ipalam sa mga magulang ko at hintayin kung papayagan ba nila ako o hindi.

Pa’no ba naman ako ang sakit ng ulo ni Dy kaya hindi na ako magtataka kung araw-araw ay may nakabuntot sa’king mga bodyguard namin para bantayan ako sa lahat ng galaw ko. Bawat ginagawa ko ay nalalaman nila ni Dy. Kaya nga nakakaasar minsan dahil laging may bodyguard sa’king nakasunod ang sabi ni Dy for protection ko daw.

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon