20

1.2K 24 20
                                    


Chapter 20

Describes

"Uy, congrats!"

Bumungad sa'kin ang isang bouquet na stitch ng makababa ako ng stage. Isang masayang ngiti ang bumungad sa'kin ni Kierra. Halos hindi pa nga ako makahinga ng bigla ako nitong dinamba ng yakap. Nagulat ako sa ginawa n'yang 'yun. Kaming dalawa ni Calvin ang winner.

"Aine, congrats!" bati pa din ni Dienver at may hawak din na isang bouquet kagaya ni Kierra ay stitch din 'yun.

"Thanks," masayang sabi ko. Sina Claire at Devin ang first runner up at ang mga sumunod ay hindi ko na kilala pa. Ang second runner up ay ang senior high school na grade 12. At ang third runner up naman ay ang grade 7.

"Tara? Inuman? I-celebrate natin, oh," pang-aaya ni Calvin. Ta's itinaas pa ang trophy na natanggap namin.

Natawa si Shawn. "Eh, halos inagawan n'yo na nga lahat ng mga award ang mga iba pangparticipnats na kasali dahil sa inyo. Dapat hindi na kayo sinasali, eh."

Kaya natawa kaming lima. Tama s'ya. Hindi na nga ako sumasali, eh. Pero nagulat ako ng ako ang napiling maging participants ng 2nd year college. Hindi ko din naman inaasahan na ako ang gagawin nila ulit na representative dahil nung 1st year college ako ay ako ang naging representative.

"Sige, kita na lang tayong lahat sa isang bar. Inuman tayo. Pangchill-chill lang," sabi ko. "Pero uuwi na muna ako para magbihis."

Sumang-ayon naman sila at inaya ko na din sina Roseanne. Nang isang araw ko pa sila inaya ng mga araw na hindi pa okey si Roseanne. Mukhang may mutual understanding si Roseanne at si Kalix. Buti nga sila ay may M.U. ng nagaganap samantalang ang lovelife ko ay wala pa. Pasakit ng pasakit.

Kahit kaya kami magkakaroon ng M.U. ni Devin? Hanggang pangarap na lang ba? Hanggang imagine?

Nakangiti akong bumaba ng sasakyan. Tiyak akong matutuwa si Manang sa ibabalita kong na nanalo ako sa pageant sa university namin. Tinext ko na din sina My at Fratello maggiore na nanalo ako. Binati naman nila ako. Excited kong binuksan ang pinto ng bahay para sana pumasok pero mukhang sana ay hindi ko na lang ginawa.

"Manang, nandito na po ako and guess what?! Nanalo—" Nabitin sa ere ang sasabihin ko mapatingin ang aking mata sa sala. Sa may sofa namin. Napaawang ang aking labi. Nabitawan ko din ang hawak kong trophy na natanggap.

"A-Ahhh... A-Aus..." ungol ni Claire.

Kinagat ko ang aking labi para pigilan na naman ang mga luha ko. Si Claire at Devin na nasa iisang sofa. Hindi lang basta nakaupo sila do'n dahil may iba silang ginawa. Ginagawang kababalaghan. Shocks! May kwarto naman bakit dito pa nilang napiling gumawa ng hindi kaaya-aya sa paningin?

"E-Ellaine?" gulat at pagtataka ang makikita sa mukha ngayon ni Claire.

Ellaine, hija? Nakauwi ka na— Ay, jusko po!" gulat na sigaw ni Manang at tumalikod.

Hindi ko magawang maalis ang paningin ko kala Claire at Devin. Para akong natuod at hirap na hirap gumalaw at umiwas ng tingin. Pang-ilang beses ko na ba silang nakita sa gan'tong posisyon? Isa? Dalawa? Tatlo? Tatlong beses na pala.

Una, 'yung na ay 'yung nasa soccer field sila. Pangalawa, 'yung nasa kwarto sila dito bahay na 'to. Pangatlo, 'yung nasa sala naman sila ng bahay na 'to. May sunod pa ba? Kailangan ko na bang ihanda ang sarili ko sa mga pwede bang sumunod na kababalaghan na makikita ko? Hindi ko na yata kaya pang makita kung may mga sumunod pa. Bibigay na yata ako kapag may pang-apat o panglima pa. Bibitaw na yata ako kapag may kasunod pa.

Unti-unti na bang kumakalas ang taling mahigpit na binuhol? Unti-unti na bang nakakalas?

"H-Hija?" may pag-aalinlangan sa boses ni Manang ng tinawag ako.

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon