43

1.1K 24 11
                                    


Chapter 43

Comeback

"Buddies, Mimi is leaving."

But they didn't even respond to me. HIndi nila ako pinansin. Abala lang sila sa panonood ng TV. Ni tango ay wala man lang. I took a deep breath. Nagtatampo pa rin sila until now.

Please, buddies. H'wag na kayong magtampo. Babawi talaga ako. Kapag nakabalik ako. Kaya please? Pansinin n'yo na ako, hmm? Hindi na alam ni Mimi kung ano'ng gagawin n'ya.

Muli akong napabuntong-hininga. Bago ako nagsalita muli.

"I promise, pagkabalik ni Mimi I will really fulfill my promise sa inyo. But please? Pay attention to me na," naiiyak kong sabi.

"How many days are you there?"

Napalingon ako sa may likuran ko ng marinig kong magtanong si ano. Nakaayos s'ya kaya kumunot ang noo ko. May pupuntahan s'ya? At sa'n naman? Sino magbabantay sa mga anak ko? Wala si Fratello maggiore. Busy naman mga kaibigan ko.

"Are you leaving too?" tanong ko. "Sa'n ka pupunta?"

"Bakit? Hindi ba ako pwedeng umalis?" tanong n'ya sa'kin pabalik.

Oo! Hindi pwede! sigaw ng isip ko. Sa'n naman s'ya pupunta? Makikipagdate? Maganda ayos n'ya, eh. May kikitain siguro s'yang magandang babae. Umaalingasaw ang mabango n'yang cologne na panlalaki. Bagay na bagay sa kanya ang amoy na 'yon.

Magde-date sila ni Claire? Ta's iiwan n'ya ang mga anak ko dito? Walang magbabantay sa kanilang kung gano'n. Naka-day off ang mga katulong namin. Shocks!

"Pag sinabi ko bang oo. Aalis ka pa rin?" mataray kong tanong. Kumukulo ang dugo ko sa hindi malaman na kadahilanan.

"Ikaw nga, eh. Aalis. Bakit pumayag din ba ako?"

Nagulat ako sa pagbato n'ya sa'kin ng gano'ng tanong. Hello? Baka nakakalimutan n'ya amo n'ya ako kaya wala s'yang karapatan na magtanong sa'kin ng ganyan. Wala! Ako lang dapat! Ako lang! Dahil ako ang nagpapasweldo sa kanya. Kapal talaga ng mukha nito.

"I'm leaving to escort you where you're going. Sa'n ba sa Taytay?"

Nanlaki ang mata ko. "What?! Pa'no ang mga anak ko?"

"Mga anak natin," sabi n'ya. "Eh, 'di kasama natin."

My jaw dropped at what he said. Seryoso ba s'ya? Baka nakakalimutan n'yang artista ako at hindi dapat ako makuhanan ng larawan lalo na't kasama ko s'ya. Ta's idadamay n'ya pa mga anak ko? Nag-iisip ba s'ya?

"Nag-iisip ka ba?!" inis kong tanong.

"Why? Hindi ba't gusto mong makabawi sa mga bata. So, bakit hindi mo kami isama?" saad nito. "Bakit hindi mo kami...isama, 'di ba?"

Napahilot ako sa'king sentido. Pakiramdam ko ay sumasakit ang ulo ko sa pinagsasabi n'ya. Naalog ba ulo n'ya at mukhang hindi nagproprocess mabuti ang utak n'ya. Ano nabaliw na ba s'ya? Nasisiraan na ba s'ya?

"Our male nanny is right, Mi. If you really want to bumawi sa amin you will take us with you," sabi ni Ril.

"So... isasama n'yo po ba kami o tuluyan ka na naming hindi papansinin?" pangbablackmail sa'kin ni Raz.

Hindi ako nakaimik agad. Hindi ko alam kung ano isasagot ko. Tumingin ako sa may cellphone ko at nag-text sa'kin si Tita na sumunod na lamang ako sa Taytay dahil paalis na daw sila. Dahil ang male nanny na lang ang maghahatid sa'kin. What! Iiwanan talaga nila ako? Seryoso?

Baka nakakalimutan nilang main character ako?! Bakit parang pinagkakatiwalaan nila ang male nanny ko? Mariin kong pinikit ang mata ko ng muli akong nakatanggap ng mensahe mula kay Tita. May nalalaman s'ya tungkol sa nakaraan namin ni ano. Kaya naman pala pinagpipilitan ni Tita na si Devin na lang ang maging bantay ng mga anak ko.

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon