3

41 1 0
                                    


MAX x KIM


'UY! Max! Nakita mo ba kanina si Troy sa Handumanan Garden? Napakagwapo niya talaga 'no?'

'Oo nga eh. Ang gwapo niya talaga friend. Hindi kagaya no'ng guy na nakasabayan ko sa Jeepney. Ang sungit lang!'

Habang nagreretouch ako doon sa harap ng salamin ay bigla na lang akong napaharap kay Charie at hinawakan siya sa noo.

'May sakit ka ba or what?' ang pagtataka ko, heleerr! 'Yong huling sentence na sinabi niya bago-bago lang, parang hindi maka-Charie 'yon, 'UY! Max! Nakita mo ba kanina si Troy sa Handumanan Garden? Napakagwapo niya talaga 'no?' anu 'yon? Lyka lang ang peg?

'Ba-Bakit naman, Max?' natatakot niyang tanong.

'Charie, ilang years na tayong magkaklase at alam kong hindi 'yon ang language mo.'

'Gusto ko lang naman kasing gayahin si Lyka. Para 'di ka mabored sa akin habang kasama mo ako.' And she really did it! Nagpa-pity face si Charie sa harap ko, waah! Charie h'wag kang ganyan, nakokonsensiya ako!

'Uiy! Uiy! Loka ka, hindi mo kailangang gayahin si Lyka. I like you better in yourself, okay?'

Sa loob kasi ng barkada namin, si Lyka ang pinaka-bestfriend ko. Pareho kasi kami ng ugali; maingay, mabunganga, kalog, may lamat ang utak, at syempre, pareho kaming maganda!!! WAHAHAHA xD At si Charie naman ang pinakamabait at pinakatahimik sa grupo. Kauya palaging kumo-concern sa amin.

Nasa CR nga pala kami that time at nag-aayos na. Natapos na rin kasi namin ang aking admission! Yeah! Makakapag-aral na rin ako dito sa La Salle! And my dark plans on getting Troy will prevail. BWAHAHAHA! Actually, mabilis lang naman pala ang proseso eh, nagsubmit no'ng requirements, nag-fill-out ng application form, nagbayad sa Business Office, kumuha ng medical, nagpa-interview, kumuha ng ID number at gumawa ng password, nag-secure ng Admission Card at ang susunod nalang ay magpapaenroll na! Oh 'di ba? Hindi naman masyadong marami, hindi nga pinagpawisan ang beauty ko! WEW!

Lumabas na rin kami ng CR. Plano naming pumunta sa Rob para sumunod sa iba pa naming friends na nauna nang naroon. Manunuod daw kasi kami ngayon ng sine. Ililibre kaming lahat ni Albie, yeheey! Ang yaman talaga no'n. Hmm... Ano nga bang magandang panoorin? Now Showing na pala ang Breaking Dawn Part II! OY YEAH! I'm sooo EGGGZZOYYTED! *__* YEHEEEYYY!

Dumaan kami sa harap ng Coli para sa gate 1 na kami lumabas.

'Ang swerte talaga ni Albie dahil anak-mayaman siya,' ang sambit ni Charie.

'Ano ka ba? Mas maswerte tayo! Naging kaibigan natin siya..wahahaha!'

Nang may lumapit sa aming isang lalaki at bigla-bigla na lang hinila ang aking kamay nang walang anu-ano papunta sa kanya. 'ARAAYY!' nakita ko 'yong humila ng kamay ko, kung mamalasin ka nga naman oh. Si kuyang masungit heto ah!!! A-Anong problema niya?

'Can you do me a favor?' ang sabi niya.

'Eh?!'


*****


'Can you do me a favor?' this is ridiculous, pero wala na akong maisip pang iba.

 

Flashback

'Sino ba kasi 'yang ka-BBM mo, Krystoff? Pwede, tapusin na natin itong admission ko, gusto ko nang umuwi.'

'Just wait, Kim! She's coming...'

'Who?!!!'

At mula doon sa malayuan ay nakita ko si Tanya, oh for God's sake! It's Tanya again! I looked at Krystoff, nagawa niya pang ngumiti nang makita niya si Tanya. The hell! I was avoiding this girl, tapos may gana pang isama siya ni Krystoff all the way through the Admission process.

University LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon