36

57 1 0
                                    


KIM

 

'How did the fire started?'

Pabalik-balik na lang ang tanong sa amin ni Sir Galo. Isa siya sa mga Discipline Officers (DO) na naka-assign sa Engineering Department at nandito kami ngayon ni Max sa loob ng Discipline Office, ini-interrogate.

'I'll repeat my question. HOW DID—-'

'We don't know, sir,' ang sagot ko kay Sir Galo na siya rin namang sagot namin ni Max kanina pa. 'We didn't set the fire. We just saw our bags on flame and my friend here panic at naitapon niya ang bag sa likuran namin.'

'Yes, sir. 'Yon po talaga 'yong nangyari.'

'This will not happen when you are not playing with fire.' Ito naman ang sabi ni Sir Galo.

'But, we are not playing on fire, sir.' Ito naman ang sagot ni Max sa kanya.

'Why don't we just look at the CCTV camera, sir? Mayro'n naman sigurong CCTV sa kwartong iyon,' suggestion ko.

'Iyon na nga, Mr. Montemayor. According to the footage na nakuha namin sa CCTV camera, kayo lang ang nasa area ng pinagmulan ng sunog. Walang lumapit o pumunta doon sa place niyo para sindihan ang bag niyo at sunugin ito. Kayo lang rin ang may access sa gas tubes which is ayon sa report ay nakabukas nang mangyari ang sunog.' Kaya pala may naamoy akong gas na tumatagas no'ng oras na 'yon. Mayroon talagang bumukas. 'Now, tell me! How did the fire started?'

 

Lumabas kami ng office na iyon feeling hopeless. Kami ang pinagbibintangang gumawa ng sunog. This is insane! Hindi kami ang gumawa no'n and clearly may nag-seset up sa amin. Who the fvck is doing this to us?!!! Makila-kilala ko lang siya, humanda siya sa akin!

'Kim! Hindi!!!! Hindi talaga pwede... HINDEEEEEEE!' May pa-walling pa siyang nalalaman habang nagdadrama. Iyon bang nakasandig siya sa dingding at unti-unting bumaba habang umiiyak. Si Max talaga, ang daming nalalaman.

'Hoy! Tumayo ka nga diyan.' Tumayo naman siya agad.

'Eh kasi nga... Future ko ang nakasalalay dito! Hindi tayo pwedeng ma-EXPEEEEL!' Nag-walling na naman siya. Yes, expulsion ang punishment namin ni Max kung ang lalabas sa investigation ay kami nga ang nagsimula ng sunog. TSK! SINO BANG TARANTADONG NAG-SET UP SA AMIN! ANAK NAMAN NG——! AAAAH!!!

'Hey? Okay lang ba kayo?' Tumingin naman ako at nakita ko ang pinagmamalaking Ate Jen lang pala ni Max ang lumapit sa amin. Ano bang mayro'n sa babaeng ito at paniwalang-paniwala si Max na mabait siya? Eh, mukha namang hindi totoo ang mga ngiti niya eh. Baka nga siya pa ang mastermind sa nangyaring sunog.

'Ate Jen... Hindi talaga kami ang nagsimula ng sunog. I swear...' sabi ni Max habang nakahawak siya sa mga kamay ni Ate Jen.

'Naniniwala naman ako eh.' Nakakairita ang pagdadrama niya eh. May something unsettling talaga sa babaeng ito.

'May possibility na patatalsikin kami sa La Salle,' ang report pa ni Max. Sige! Sabihin mo na ang buong kwento. Confident ka namang mapagkakatiwalaan ang Ate Jen na iyan, 'di ba?

'Try kong kausapin 'yong DO. Sino ba ang nasa loob?'

'Pwede mo 'yong gawin? Si Sir Galo,' sagot ni Max.

'Okay, sige... I'll try to talk to Sir Galo at sana maka-help ako sa inyo ni Kim.'

'Thank you, Ate Jen. Hulog ka talaga ng langit.'

University LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon