KRYSTOFF x CHARIE
Ang lungkot naman ng buhay ko.
'Haaaayyy...' napabuntong-hininga na lang ako kasama ang strawberry frappe na iniinom ko. It's past 9:00 pm at nandito kami sa Café Bob's Main na nasa Lacson Street. We decided na dito muna kami tumambay after matapos ang program kanina sa Coli bago dumiretso sa pag-uwi. Chill-chill muna raw kami dahil last day of L-week naman and next week ay back to reality na kapiling ang mga libro at papel. Pero... bakit... parang... hindi ata naging pabor sa akin ang pagsama ko sa kanila? Eh kasi naman, usually, hindi naman ako na-oout of place sa barkada dahil kasama ko si Max. Pero ngayong may date siya with Troy, ako lang ang naiwang single ditoooo! Na-fefeel ko na talagang tatanda akong mag-isa.
Nasa kanan ko, naghaharutan sina Jane at Albie.
Nasa kaliwa ko naman ay ang sweet-sweet nina Lyka at Gian.
Oh, strawberry frappe, ikaw na lang ang nagmamahal sa akin.
Subo...subo...subo... Mauubos ko na ito ah. Hindi pa rin ba nila napapansin na may kasama pa pala sila dito? Ang lungkot naman ng buhay ko -_-
'Uhhmmm guys? Excuse me lang ha. Mag-CCR lang muna ako,' sabi ko na lang sa kanila. Tutal, na-jijingle na rin ako. Tumango lang silang lahat at bumalik ulit sa paghaharutan.
So naglakad na lang ako nang nakayuko. Ganito talaga ako. Mahiyain kaya palaging nakatingin sa baba. Eh, sa hindi ko naman sinasadya, may makabungguan akong lalaki.
'O-Ouuuchhh,' nasambit ko habang hinahawakan ko ang aking noo. Then, nakita kong nagkalat sa damit ng lalaking nakabungguan ko ang dala-dala niyang cake.
'Ooopsss...' Narinig kong sabi niya.
'Nakuu! I'm sorry, sir. Hi-Hindi ko sinasadya.' Anong gagawin ko? Nahulog ko na nga 'yong cake na mukhang kakainin niya, tapos namantsahan ko pa 'yong damit niya. Why am I soo clumsy? Nakakahiya naman itong ginagawa ko.
'Ano ka ba, Charie? Okay lang 'yon.'
Huh?
Wait! Parang familiar ang boses niya at kilala niya ako?
Iniangat ko agad ang aking ulo para makita ko kung sino siya. 'Hi!' ang nakangiting bati niya sa akin. What is Krystoff doing here? Sa dinami-dami ko ba namang pwedeng makabanggaan, bakit siya pa? 'Well, it's great to see you here. Sinong kasamo mo? Are you in a date or something?' Hindi ko gusto 'yong awra ng tanong niya. Hanggang ngayon ay natatakot pa rin akong lumapit sa kanya eh. Naaalala ko kasi 'yong binulong niya sa akin the last time na nagkita kami.
'Tayo kaya? ... What could possibly be the universe is telling about us?'
Sa tuwing naaalala ko 'yon. Bumibilis ang heartbeat ko, nanlalambot ang mga tuhod ko, at umiinit ang pisngi ko. Ayoko! Ayokong ma-feel 'yon! I have to make Krystoff stop from what he is doing to me. Masyado nang off the limits. Ano? Sasabihin ko na lang kaya sa kanya ngayon na I'm with my boyfriend and yes I am having a date? Pero... napakaambisyosa ko naman ata kung gano'n. No! For the sake na tantanan na ako ni Krystoff, why not? Haist... Tsaka, nawi-wiwi na talaga ako.
'Uhm, yes. I'm on a date. I'm sorry talaga.' I bit my lower lip. 'I-I'll just see you around, Krystoff. Bye!' nasabi ko na lang pagkatapos ay dire-diretso na ako sa CR.
Haaayyy... Nailabas ko na rin siya. Ang sakit talaga kapag pinipigilan mo ang ihi. HAHA
Nakaupo pa rin ako sa toilet sink habang iniisip ko ang sinabi ko kay Krystoff. AAAAHHH! Charie, ba't mo ba nasabi 'yon? Nakakahiya. Ano na lang ang iisipin ni Krystoff sa'yo kung malalaman niyang nagsisinungaling ka?
BINABASA MO ANG
University Lovers
Teen FictionExperience the love like you’ve never experience it before… Set in the place na kung tawaging ay City of Smiles… Sa isa sa mga presteryosong unibersidad sa Negros… Makikilala mo na rin sila… Makikilala mo na silang mga… UNIVERSITY LOVERS!