22

34 1 1
                                    


KIM


It was the first time I felt that pain. It was also the first time I saw Max cried. Mabilis niya lang itong pinunasan pero ang isyu dito, umiyak siya! At mukhang ako ang dahilan kung bakit siya napaluha. I just made a way para siraan siya sa taong pinakagusto niyang makasama. I am such a jerk!

Inabot ko ang mic na hawak ko kay Troy at hinabol agad si Max.

Takbo lang siya nang takbo, hindi alintana ang mga estudyanteng nasasalubong niya. Ako naman, patuloy na sumusunod sa kanya. Naabutan ko na lang siya nang makarating kami sa pagitan ng S building at C building kung saan walang masyadong tao.

'Max!'

Humarap sa akin si Max. Punong-puno na pala ng luha ang kanyang mukha. I've never seen her like this. AAAAAH! This is making me feel guilty and hurt!

'Ano bang gusto mong palabasin doon, Kim? Hindi mo lang ako pinahiya kay Troy, pinahiya mo pa ako sa maraming tao.'

'Ginawa ko 'yon para sa kabutihan mo. Troy doesn't like you. Masasaktan ka lang kung aasa ka nang dahil lang sa niyaya ka niya makipagdate.'

'Ano bang pakialam mo kung aasa ako?!!! Niyaya niya ako makipagdate and I wanted it too. Huwag ka ngang makialam. Doon ka kay Tanya! Siya naman ang niyaya mo, 'di ba?'

'Niyaya ko si Tanya because...' I stopped. Walang patutunguan itong usapan naman, instead nagmakaawa na lang ako sa kanya. 'Please Max, h'wag mo nang ituloy ang date niyo ni Troy.'

'Kim, hindi mo ako girlfriend para sabihan ako kung kanino ako makikipagdate.'

There ends our conversation.

Iniwan ako doon ni Max waking me up to the reality. Oo nga pala, hindi ko pagmamay-ari si Max.

Hindi na ako pinansin ni Max after that incident.

Third day of L-week...

Fourth day of L-week...

Walang progress... naging malungkot....

Lalapitan ko man siya, siya naman itong lumalayo.

Fifth day of L-week, last day... Friday, the day kung saan naka-set ang date ko with Tanya and Max's date with Troy.

'Kimmeeeyyy!!!! I'm really sooo excited sa date natin. I just want to remove lahat ng bad vibes na nangyayari sa akin. Kaya naman, let's make tonight a special one, okay? I'll make you happy, Kimmeeyyy!!!'

'Okay.' Then I ended the call.

Nandito ako ngayon nakatambay sa room ng Engineering Society kung saan may KTV sila. Nakamukmok lang ako sa mga upuan sa likuran habang ang iba ay nagsasayahan at nagkakantahan. Lumapit naman sa akin ang isa sa mga blockmates namin ni Max, si Aaron na may kasamang lalaki at babae.

'Oh, Kim!' bati ni Aaron. Nagtango lang ako ng ulo sa kanya. 'May problema ka ata. Sakto, kasama ko ngayon si... ate Tintin at kuya Jude'let. Second year na sila ngayon sa ECE, kasama ko sa E-squad... eh, kadalasan sila ang nagreresulba kapag may mga problema sa grupo. Baka makatulong sila sa'yo. Sige, maiwan na muna kita sa kanila.' Si Aaron nga pala at ang iba ko pang mga ka-blockmates ay sumali ng E-squad o Engineering Squad, grupo ng mga sumasayaw sa Engineering, kaya madami silang nakikilalang higher years.

Umalis si Aaron ng room at naiwan ako do'n kasama no'ng dalawa.

'Ano problema na'tin, tol?' ang approach ni Tintin sa akin. Tiningnan ko lang siya.

University LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon