10

46 1 0
                                    

KRYSTOFF x CHARIE

'I'm sorry, Trish, but I don't like you.'

'What?!' PAAAK!

There. My one week relationship with Trisha just got over. I really don't like her. Masyado siyang possessive. I remember meeting her noong nagbabayad ako ng tuition fee ko sa Business Office. She was sitting there beside me. Nahuli ko siyang tumitingin-tingin sa akin so I talked to her. At ang pag-uusap naming iyon ay nauwi sa hingian ng number. She texted me first. Kumagat lang ako. Nag-assume siya na kami na. But I never really liked her. I just played along. Nakakairita nga lang these past few days, kasi, hindi siya matigil sa kakatext sa'kin at kaka-call. I have to stop it dahil hindi na ako nag-eenjoy. Then, when I have been honest with her, binigyan niya ako ng isang malakas na pagkakasampal. PAAAK! Honestly speaking, hindi na rin naman masakit ang pagkakasampal niya. Madalas na kasi 'tong nasasampal ang pisngi ko ng mga babaeng nirereject ko. Ewan nga ba, gigil na gigil siguro sila sa pisngi ko. Pero masisisi ko ba sila? Eh heartthrob nga naman ang isang katulad ko. Don't get me wrong ha, pero hindi ako playboy just like what everybody says about me, madali lang talaga akong makakuha ng mga babae. Wanna know my secret? Simple lang. Konting pambobola, a little show off sacrifice and effort, samahan mo pa ng mala-killer smile mong ngiti at prince charming moves mo, ayon, wala na, you just got her trapped under your goddamn spell. Thank you Lord for giving me good looks and charming personality!

So, yeah! Iyang mga babae talaga ang lumalapit sa akin. Sino ba naman akong lalaki na hindi maka-resist sa kanila? It's a man's nature, right? Kaya nga lang sometimes, sa sobrang dami nila, I have to reject others para hindi na gumulo ang buhay ko. I'm not sorry na nireject ko si Trisha kasi, may apat o lima pa atang nakapila. HAHAHA Ang hindi lang talaga magandang lumalabas, ako itong nagmumukhang manloloko sa huli. The world is just so unfair, right? Mahilig silang manampal at umiyak making it look like ako ang may kasalanan. Little they did know, Krystoffer Ash Brian Lopez is just being nice to them. Nagpapaka-gentleman lang po ako.

My friends call me Krystoff, and I'm taking up AB Psychology. Gusto ko talagang mapag-aralan ang behavior ng mga babae. I'm just interested kung bakit ang bilis mag-shift ng mood nila, bakit madalas ng sinasabi nila ay kasalungat sa gusto nilang mangyari, at madalas sila na 'yong humahabol sa mga lalaki, hindi naman daw gano'n ang babae dati, at pagkatapos sa huli, kung sasaktan sila ng mga lalaki, sila pa itong magmumukhang biktima. Wala ba silang kasalanan sa mga nangyayari? Gusto ko ngang mapag-aralan para maintindihan ko sila.

Minsan, sinabi sa'kin ng bestfriend kong si Kim, 'Aksaya lang ng panahon 'yang mga babaeng 'yan, Krystoff. Ba't ba ang dami mong babae? May balak ka bang sirain na World Record?' HAHA! Loko-loko talaga 'yon. Hindi pa kasi nakakatagpo ng babaeng mamahalin niya kaya masungit. Ako, I've already found... a lot. HAHAHA Ewan nga ba doon, ba't hindi na lang niya bigyan ng chance 'yong friend naming si Tanya. Patay na patay pa naman 'yong babaeng 'yon kay Kim eh. See? Girls talaga 'yong naghahabol.

But you know what, there's this one girl na kahit na anong gawin kong pa-charm sa kanya ay parang hindi siya tinatablan ng kagwapuhan ko. I actually don't get it. Halos lahat naman ng mga babaeng nakilala ko ay mabilis ko lang makuha. But she's different.

Ganito kasi 'yon.

I first met her in the Bookstore. Bumili ako do'n ng isang ballpen at isang notebook, para may susulatan ako in case na may ipapasulat man. Isang notebook lang naman talaga ang ginagamit ko, all-in-one na doon. It was the first day of college before my 10:30am class. Pumunta na ako doon sa pilahan sa counter na pagkahaba-haba nang makakuha na ako ng bibilhin ko. Eh, I'm not really a fan of waiting. Kaya nag-take advantage ako with those girls na nakapili. Maswerte ako't puro babae, para magamit ko ang charm ko to get what I want.

University LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon