TROY x TANYA
'Hello Philippines! And hello world!' Oooh yeah... and the beautiful Tanya is fully awake. I made myself konting stretching before ako tuluyang bumaba ng bed ko. And I'm sooo excited right now. First day of college kasi at nape-predict kong magiging magkasama kami ni Kimmeeey my love the whole day. Alam na alam ko kaya ang schedule niya and lahat ng minor subjects niya ay tinake up ko this semester. Kahit na hindi pa required sa'kin ay inadvance ko pa rin. HAHAHA Kaya nga until now ay hindi pa ako tapos mag-enroll. It's okay naman sabi ng friend kong si Yannie, kasi pwede pa raw magpa-validate next week as long as naka-pareserve na ako ng mga subjects ko. Anyway, nag-text naman ako agad kay Kim to remind him na sabay na kaming maglunch later. Tiniming ko talaga ang schedule naming dalawa, nang sa gano'n ay sabay kami palagi mag-lunch. Oh my gosh! It's like, we're dating everyday!
I hopped out of my bed at binuksan ko ang aking window, 'Good morning City of Smiles! Good morning beautiful Bacolod! Good morning beautiful me!' ang sigaw ko. Nabasa ko kasi sa internet na nakakaganda daw kapag ganito ang routine mo everyday. Then, nilabas ko ang pinaghandaan kong dress for the very first day of the class mula doon sa mahiwaga kong wardrobe. May one month pa kasi kaming mga first years na hindi muna mag-uuniform. Syempre, hindi basta-basta ang dress ko today, isang Louis Vuitton pink silk dress. Oh so gorgeous! Bagay na bagay talaga sa akin.
Kumain na ako ng breakfast ko at naligo. Inihatid ako ni mommy sa La Salle using her car before siya nag-go sa work. First class namin ay walang teacher. So, I went na lang sa English caf para doon tumambay. I hate it. 12:30pm ko pa makakasama si Kim sa loob ng klase sa kanilang subject na Filipino. I texted him na rin na sabay kaming mag-lunch pero hindi pa rin siya nagrereply hanggang ngayon. Paano naman kami nito magkikita?
Wala akong inorder, I just sat in their chair at naki-wifi. Ang lakas kasi dito ng signal compared to my 3G. Then, nagselfie at nagpost ng picture sa Instagram. Hashtag, OOTD. Ang ganda kaya ng dress ko ngayon.
Habang nagse-selfie ako, a bunch of morons mula doon sa kabilang table ay mukhang pinag-uusapan ako. Nagtatawanan kasi sila habang pasimpleng tumitingin sa akin. 'Yong mga lalaking 'yon. Akala mo kung sinong mga gwapo! Wala akong paki-alam sa kanila. They have small minds kaya nila ako pinagtatawanan. O baka naman nagagandahan lang talaga sila sa akin kaya nila ako pinagtitinginan.
Tumingin ako sa may glass wall ng English caf at nakita kong dumaan si Troy. Galing siya sa Coli at ngayon ay papasok siya sa loob nitong small cafeteria. I remember the last time we met. Hindi ko nagustuhan ang inasal nila. Para kasi siyang bata that time, making fun of me with that sundae. Inis na inis ako no'n because of Kim pagkatapos ay dinagdagan niya pa. But there's a little part of me na hindi nakatulog no'ng gabing iyon. The feeling of guilt siguro. Ewan ko ba kung kaya ko siyang kausapin ngayon dahil doon sa feeling na 'yon. I fixed my things at tumayo mula doon sa kinauupuan ko and headed the door habang umoorder si Troy.
Bigla namang sumigaw ang isang lalaki mula doon sa bunch ng mga morons. 'Nice ass!' At nagtawanan sila. Ang babastos ng mga 'yon ah!
Narinig 'yon ni Troy at nakitang ako ang sinabihan ng lalaking 'yon. Agad niya namang nilapitan ang grupo nila. 'Come again?' ang sabi niya. Naku, Troy! H'wag mo na silang patulan.
'Ang sabi ko, "Nice ass!" Bakit may problema ka ba?' ang matapang na sagot ng lalaking nambastos sa akin.
'Binabastos mo 'yong babae eh,' ang matapang rin namang sagot ni Troy. Ooooh my Troy! Para siyang my knight in shining armor, kaso naka-white Guess shirt siya at trousers. Pe-Pero, I like the way he is protecting me right now.
![](https://img.wattpad.com/cover/38412589-288-k121520.jpg)
BINABASA MO ANG
University Lovers
Teen FictionExperience the love like you’ve never experience it before… Set in the place na kung tawaging ay City of Smiles… Sa isa sa mga presteryosong unibersidad sa Negros… Makikilala mo na rin sila… Makikilala mo na silang mga… UNIVERSITY LOVERS!