38

61 2 1
                                    


KIM

Venue, check!

Foods, check!

Reservation, check!

Date and time, check!

Attire, check!

Tuloy na tuloy na talaga ang date ko with sneezy girl... my sneezy girl. This coming Wednesday, December 12, 2012, 9:00 pm, sa mismong birthday niya... sheeeeeeeet! Hindi ako mapakali! Na-eexcite ako! Pero wait! May kulang eh... ang approval na lang ng parents ni Max.

Hmmm...

Tumingin ako sa calendar ko kung saan nakasulat ang mga plans ko towards our date. The last thing to do is today, Satuday. Walang pasok, at kailangan kong pumunta sa bahay nina Max. Sabihin na nating, para hingiin ang kamay niya sa kanyang parents for the date. This is too traditional pero ito lang ang bagay na magagawa ko to tell them na seryoso ako sa kanilang anak. I took a bath and change my clothes. Nakasuot ako ngayon ng skinny jeans, orange and white v-neck shirt at blue na three-fourth polo. Tinupi ang parehos magkabilaang sleeves para ang cool ng dating, pagkatapos tennis. Then, I headed downstairs para makaalis na ako.

'Kenneth, honey... Good morning...' Psh! Si mommy na nakaupo sa sofa at mina-manicure ang kuko sa paa. 'Ano ba?! Ang sakit no'n aah! Ayusin mo ngang maglinis!'

'Yes ma'am...'

Wala talagang good sa morning kung siya lang rin ang maririnig ko. Ewan ko nga ba't bigla na lang sila umuwi dito ni dad ngayon. Madalas naman silang wala sa bahay at nasa ibang bansa, si dad umaalis para sa business niya, at si mom naman, sabihin na nating nakiki-business din siya, at mas peaceful ang buhay ko kapag gano'n.

'Where are you going, Kenneth, my dear?' Ano ba 'yan? Kanina "honey" tapos ngayon "my dear". 'Come here, sit beside me at magbonding tayo.'

'No, thanks. May pupuntahan pa ako.'

'Sa'n ka naman pupunta?'

'Basta,' sagot ko naman sa kanya pagkatapos ay napansin kong wala ang susi ng car ko sa usual kong nilalagyan nito. Agad kong tinungo ang garahe at wala doon ang baby ko. 'MOOOOM!' sigaw ko. 'Nasaan ang car ko?!'

'Sorry, bro. Gagamitin ko eh. Pinalabas ko na kay Mang Fred dahil may date kami ni Amielle today. Nakapagpaalam naman ako kay dad na gamitin ang Montero Sports mo, so don't worry. I'll take care of it.'

AAAAAHHHHHH!

Kuya Kenta! I'm really trying not to notice you since the day na dumating ka dito sa bahay kasama sina dad pero para kunin ang baby ko?!

Agad akong lumabas at nakita ko si Mang Fred na kabababa lang ng car ko. 'Sir Kim...'

Kinuha ko ang car keys sa kamay niya at agad na sumakay.

'KIIMMM!!!! Wait!' Rinig kong sigaw ni Kuya Kenta. Yeah right! Shout all you want. Nagpaalam ka kina dad pero sa akin wala. Tss... Hindi naman talaga ako mababadtrip kina mom at dad kung hindi lang dahil sa'yo, the favorite son. Bakit ka pa kasi umuwi galing Singapore? Tsaka date with Amielle your ass, may mas importanteng date na mangyayari at kailangan ko itong gawin para makapagpaalam ako sa parents ni Max. I have to. Shit! Wala nang atrasan 'to.

Nakarating ako agad sa San Enrique wala pang thirty minutes. Whoah! That was fast. Tug! Tug! Tug! Tug! DAMN IT! Kinakabahan ako. Tug! Tug! Tug! Tug! Ano nga bang gagawin ko? Sheeet! Wala ko pa nga pala ito napagplanuhan. Tug! Tug! Tug! Tug! Kakausapin ko lang sila. Magpapaalam lang ako. Pero gagawin ko ang lahat para ipakita sa kanila na seryoso ako. Tug! Tug! Tug! Tug! Madali lang 'yon. Tug! Tug! Tug! Tug! As if naman ngayon ko lang sila nakilala. Tug! Tug! Tug! Tug! Nakapagpaalam na naman ako dati sa kanila, no'ng para sumama si Max sa Sipalay. Tug! Tug! Tug! Tug! YOSHHH! Wala na itong atrasan! Tug! Tug! Tug! Tug! Gagawin ko na! Tug! Tug! Tug! Tug! Tug! Tug! AAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!! Tug! Tug! Tug! Tug! SHADAAAAAAP!

University LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon