20

44 1 0
                                    


MAX


'And for the Ms. And Mr. FRESHMEN NIGHT 2012 is no other than.......................

.........from the COLLEGE OF ENGINEERING!!!!!!!!!!!!!!!!!!! MAXIMIANA CONCEPCION and KENNETH IVAN MONTEMAYOR!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!'

WOOOOHH!!!!

Sandali! Bakit nandito na naman ako? Sa stage? Sa freshmen night? And I was winning again?

Lumapit ako sa harap para kunin ang crown ko... ang mga audience, how they clap and cheer ay parehong-pareho... anong kaguluhan 'to? De javu lang? Hindi ba sila nagsasawa sa pagmumukha ko na koronahan nila? Kung sa bagay, hindi ko sila masisisi kasi ang ganda-ganda ko naman eh! HAHA! Lakas lang ng self-confidence?

Pumwesto na ako sa gitna... Everything was just the same except nang bigla kong makita si Troy paakyat ng stage! Seryoso ako, paakyat siya ng stage!

*landi mode activated*

UWAA! Grabeeeeeh!!! Ang hunk talaga ng dating ni papa Troy... aaah! Pero, sandal nga! Kaloka naman nito! Anong ginagawa niya dito with all these people na nakatingin sa amin. Wala naman 'to sa normal plot ng pagkakapanalo ko ng Ms. Frosh ah. Mas gusto ko 'yon, ayoko nito, ang intense! Kinakabahan ako sa gagawin niya.

Lumapit na si Troy sa akin at siya ang naglagay ng sash at korona sa ulo ko, 'Sa-Salamat, Troy...' ang pautal-utal ko pang sabi. Ang landiiii! Kinikilig naman ang lola niyo.

Hinawakan niya bigla ang braso ko at nilapit niya ang dibdib niya sa dibdib ko, 'yon bang iniharap niya ako sa kanya. Pagkatapos ay hinawakan niya ang mukha ko mula sa pisngi papunta sa aking leeg. Kaba! Kaba! Kaba! 'Yon na lang ang naramdaman ko no'ng moment na 'yon. Syempre, isama na natin diyan ang happiness ko! Anak ng kambing na may bang! Si TROOOOOY na tooooo!!!! I can die happy! HAHAHAHA! Kasama pa 'yong nakakabaliw niyang ngiti simula pa kaninang pag-akyat niya, parang gusto ko na ngang mamatay sa gano'ng kalagayan! Pero joke lang! HAHA Feeling ko kasi hahalikan niya pa ako eh... HAHA! Asa naman ako!

Pero bigla-bigla ay ni-lower niya ang ulo niya papunta sa mukha ko! Oh no! HAHALIKAN NIYA NGA AKOO! Sa harap pa talaga ng pagkarami-raming tao? Hindi kaya masyadong live ang pagka-SPG natin, Troy? Sandali????!!!  'HMMMMM....' Napapikit ako ng mata at napaatras ko ang aking ulo ko bahagya. Ang aggressive, Troy. Nakakagulat ka! Hindi ako prepared!

'You know what... I want to kiss you right now.'

Eh?

Gulat na gulat ako sa sinabi niya. Hindi niya 'yon linya ahh! At ang boses niya, hindi rin 'yon kanya! Kay Kim 'yon! Alam kong kay Kim 'yon! Hindi pwedeng hindi ko makalimutan ang eksenang 'yon kung saan binanggit niya 'yong mismong line na 'yon sa akin! Ano ba naman 'to? Ang gulo-g—- 'HMMMM....'

Then,

I felt someone's lips on my lips... so warm... so sweet... so sexy....

Pagkamulat ko ng aking mga mata, hindi ko inaasahan ang aking nakita.

KIM WAS THE ONE KISSING ME!!!

....

'MAXIMIANAAAA!!!!! BUMANGOOON KA NA NGA DIYAAAAN!!!!!!!!!!!'

Eh?!!!

Iminulat ko muli ang aking mga mata and this time, ang kisame na ng aking kwarto ang nakikita ko, tapos 'yong light na nagmumula sa bintana. Tumayo ako at nag-isip-isip. Panaginip? Mukha ngang panaginip lang 'yon. Hinawakan ko ang aking mga labi. Kahit panaginip 'yon, naramdaman ko pa rin ang mainit na labi ni Kim sa akin. Anong ibig sabihin ng panaginip na 'yon???

University LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon