MAX x KIM
Kaloka rin naman 'tong sina Jane at Lyka ooh. Pagkarating namin sa room ay hinampas agad nila ang kanilang mga katawan sa higaan. Siguro nga't napagod sila sa biyahe. Nang mailagay ko na ang bag namin ni Charie sa mesa ay lumabas muna ako ng room. Titingin-tingin muna ako sa view sa labas.
Pagkalabas ko ng pintuan ay nakita ko si Troy na papalapit at may bitbit na maletang kulay pink. Ngayon ko lang rin talaga na-realize na kasama nga pala silang dalawa ni Tanya sa outing na 'to. Kasi nga naman, friends sila ni Krystoff so hindi malabong sumama sila. Everytime I see Troy, nandoon pa rin 'yong feelings. 'Yong feeling na gustong-gusto mo pa rin siya... sana nakuha mo siya... sana napansin ka rin niya... ewan, hindi rin naman siguro 'yon madaling mawala. Pero, kasunod no'n ay ang alaalang nangyari sa Business Inn. Ano ba 'yan? Na-haheartbroken na naman ako.
'Max!' nakangiting bati sa akin ni Troy.
'Troy,' ang plastic kong ngumiti.
Ibinaba niya ang maleta sa harapan ko. 'Kamusta ka na?' tanong niya sa akin.
'Ha? Aaah... eehh,' I'm not good, Troy! Hineartbroken mo ako nang wala kang napapansin! 'O-Okay lang. I'm good. Ikaw? Kamusta ka na?'
'I'm also good. Pero, what I mean is, kamusta ka after no'ng nangyari?'
'Aaah... 'yon ba?' Masakit! Masakit 'yong nangyari, Troy. 'Hindi naman ako nasaktan, Troy, kaya huwag kang mag-alala. OA lang 'yon si Kim no'ng mga panahong iyon. Nireregla ata. HAHAHA!'
Napangiti siya. Ayyy sheeet! Huwag ka nga, Troy! Na-iinlove ako sa'yo lalo eh.
'Well, I'm happy na okay ka lang. Pero, if there's anything na hindi pa clear between us. Approach mo lang ako, okay?'
'Okaaay!' Paano? Eh kahit na sabihin ko naman sa'yo 'yong totoo, may mangyayari ba? Lalayuan mo ba si Tanya para sa akin? Hindi eh! Hindi!!! HAHAHA Hindi ako galit kay Troy, ha? Galit ako sa sarili ko! Galit ako sa sa lahat ng tao! Galit ako sa mga nangyayari! Galit ako sa universe!!!!!!
'Troy!' sigaw ni Tanya na sumusunod naman pala sa likod ni Troy na nahihirapang maglakad dahil sa mataas na heels. Haaaay! Bongga rin talaga ang babaeng ito, 'no? Naka-glue na ata ang heels niya sa paa niya. Pati ba naman dito? Sa beach?!!! 'You put it there na lang. Ako na lang ang papasok ng luggage ko.' Pero, wow! Hiyang-hiya ako sa mala-mata ng bubuyog niyang sunglasses at malaking hat sa ulo.
'Okay, Tanya. Are you gonna be okay here?' ang concern ni Troy sa kanya. Awww... Inggit much ako.
'Yes. Thank you. Sige na. You take your pahinga na rin to the other room.' Kinissan muna siya ni Troy sa cheeks bago tuluyang umalis.
And yeah. Kami na lang dalawa ni Tanya ang naiwan sa harapan ng pintuan. With her luggage... ano bang meron sa loob ng maleta niya? Mukhang buong bahay nila ang bitbit niya ah.
'Uhmmm...' At ano ba ang gagawin ko sa kanya? Babatiin ko ba siya? O iisnobin na lang? Magsasapakan ba kami dito? O magsasabunutan? O magbabasagan ba kami dito ng bungo? Ano ba? Ang awkward nito!!!
'Hi Max!' ang mataray niyang bati sa akin. Abaaaa! Inuunahan mo ako, ha?
'Hi Tanya!' ang mataray ko ring bati sa kanya.
Hihilain niya na sana ang luggage niya nang matanggal ang isa nitong gulong. Oh noooh!
'Haaaah?!' ang gulat niya. Umupo siya para ikabit ang gulong nito pero hindi niya magawa. Kawawang Tanya, hindi niya mahila ang luggage niya. Ibig sabihin, kailangan niyang buhatin ito. Mwahahahaha! Evil me!
BINABASA MO ANG
University Lovers
Novela JuvenilExperience the love like you’ve never experience it before… Set in the place na kung tawaging ay City of Smiles… Sa isa sa mga presteryosong unibersidad sa Negros… Makikilala mo na rin sila… Makikilala mo na silang mga… UNIVERSITY LOVERS!