2

58 1 0
                                    


TROY x TANYA

It was after lunch, mga 12:30 na siguro, at katatapos ko lang kumain sa loob ng Stingers Food Court. Last day of Admission ngayon dito sa La Salle and I was here, hoping na makita ko sana si Tanya, pero hanggang ngayon ay bigo ako. I was walking along Handumanan Garden, that garden sa likod ng chapel kung saan maraming upuan at puno, nang may makasalubong akong isang nagmamadaling babae na may bitbit na kabundok na mga books at papers. Nabunggo ko siya accidentally. Hindi ko sinasasadya.

'Araay...'

'Sorry.' Ang malas, nahulog pa ang lahat ng bitbit niya. Tinulungan ko na siya.

'Here...' at nang makita ko ang mukha niya, I recognize her, '...Dawn?'

Batchmate ko, second year, ECE din just like me. Oh 'di ba? Akala niyo walang babae sa engineering. Pero look at her, gorgeous as always, kahit palaging cramming. Senator din kasi siya ng engineering department at the same time. BIGTIME! Kaso ENEC 2B siya and I heard na malupet daw ang section na 'yon (^_^V wehehe

And nasa ENEC 2C naman ako.

'Salamat Troy!' ang sabi sa akin ni Dawn with a smile on her face, '...ang bait mo talaga kahit kelan. Sige! Mauna na ako, dami pang work sa Senate.'

'Sige Dawn, ingat!'

Yeah. That's me. Travis Roy Montemayor, inborn sa akin ang pagiging mabait. Well, sabi 'yon nila ha. Gusto ko rin naman ng may tinutulungan, hindi naman sa masyado akong charitable na tao, natutuwa lang akong tulungan ang iba especially girls na nakikita kong umiiyak. Ganyan talaga ako. High school pa lang, kahit 'di ko kakilala, nilalapitan at pinatatahan ko kapag nakikita kong umiiyak.

Oh! Before I forget, I prefer calling Troy nga pala, pinagsama ang dalawa kong pangalan at saka ang cool ng dating, 'di ba?

As you can notice, second year na ako taking up ECE major sa La Salle. Taga-San Enrique, at grumaduate sa Pax. If you still want to know more about me, add niyo na lang ako sa facebook. I-aaccept ko naman kayo. Hindi naman kasi ako pumipili ng friends.

Lumabas na ako ng gate 2. Balak ko kasing pumunta sa convenient store sa tapat ng La Salle, sa Munste (Munsterrific). Gusto ko kasing kumain doon ng sundae nila, anti-depressant food ko kasi 'yon. Kasi nga...hindi ko pa rin nakikita si Tanya ngayong araw.

'25 pesos, sir,' ang sabi no'ng counter girl.

'Heto oh.' Inabot ko 'yong bayad, '...salamat!' at kinuha ko naman ang sundae sa kamay niya. Umupo muna ako saglit sa table na nasa loob. Nag-isip-isip habang kumakain.

Sino nga ba si Tanya sa buhay ng isang katulad ko?

Siya lang naman ang muling nagpatibok ng puso ko after nakipagbreak si Cindry sa akin no'ng third year High school ako. She looks exactly like Cindry, pero funny girl siya. I found it funny, iyong sabi nilang pagiging maarte at conyo niya. Nakakatuwa kaya 'yon. Lalo na kung inaasar ko siya at mag-iinarte siya like a child... SO DAMN CUTE!

Tanya is Kim's friend, nakilala ko siya during the recent celebration of Kim's birthday. That moment na una ko siyang nakita, I just saw what a real angel is. Seriously! Napakaganda niya, napakapretty, napakagorgeous, napaka... sige, lahat na lang ng adjective na kasingkahulugan ng "beautiful". Makalaglag-brief lang ang dating niya. Wait! Parang ang bastos naman no'n. Sorry, nadala lang. Kamukhang-kamukha niya talaga si Cindry, the way na tumawa siya, kumilos... pero ang attitude, magkaibang-magkaiba.

I fall for Tanya dahil sa kakaibang attitude niya, okay? Cindry is different; simple, tahimik, at pinaprioritize niya ang mga bagay like studies and family, kaya siya nakipagbreak sa akin.

University LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon