42

53 5 0
                                    

MAX x KIM

Walang ibang nakakaalam sa nangyari.

I made it, as much as possible, na hindi na lalabas ang kwento sa nangyari sa akin sa bridge na 'yon going to gate 9. Pinakiusapan ko ang D.O. na magiging sikreto ang nangyari. Ako, si Tom, si Manong Guard, at si Sir Galo lang ang nakakaalam. Gusto ko na kasi siyang kalimutan agad at ito ang alam kong magandang paraan para magawa ko 'yon. Ipinangako naman sa akin ni Sir Galo na papatalsikin na sa loob ng La Salle si Clifford at ang grupo niya. Sa totoo lang, wala na akong paki-alam sa kung ano pa man ang mangyayari sa kanila. At least ngayon, narealize ko dapat na maging alerto na ako sa paligid ko... na dapat kong iprepare ang sarili ko sa mga ganoong pangyayari... na hindi ko kailangang dumepend sa ibang tao... o kaya umasa na may darating... tss! Kaya naman simula ngayon... ay may dala na akong pepper spray!!!

Tuesday.

Nasa Ceres bus ako nang makatanggap ako ng message galing kay Kim. Buhay pa pala ang taong iyon.

Don't expect me to fetch you today. Sumakay ka na lang ng jeep. Hindi ako papasok, masama ang pakiramdam ko. Bye.

Eh?

Parehong-pareho ang text niya kahapon at ngayon ah! Huhulaan ko, kinopy-paste niya lang ito! Iyong baliw na 'yon! Ang tamad-tamad mag-text! Bahala siya! Kung ayaw niyang magpakita ngayon, huwag siyang magpapakita! Hindi naman siya malaking kawalan!

Ewan ko nga ba kung ano na ang mangyayari sa date namin bukas.

Hindi ko pa rin alam kung okay ba siya o ano? Eh, the last time I saw him, clearly, hindi siya okay no'n. Hanggang ngayon ba naman? Ngayong papalapit na ang birthday ko... ang date namin, eh hindi siya magpapakita. Ewan ko sa kanya! Bahala siya diyan! I will be happy on my birthday kahit na hindi matuloy ang date namin. Promise ko 'yan sa self ko.

Nakarating ako sa La Salle at around 9:10 am. 20 minutes pa bago magsimula ang klase ko kaya naman dumaan muna ako ng n-caf. Medyo nagutom ako sa byahe eh. Bumili ako ng tuna sandwich sa Wrap It Up.

Inabot na sa akin ang sandwich ko at inabot ko naman kay ate ang 100 pesos ko.

'Wala kang barya?' ang mataray na tanong no'ng tindera sa akin.

'Ayy, ate! Kung may barya ako, sana 'yon na lang ang binigay ko, 'no?' sagot ko sa kanya. Ang sungit! Kung hindi lang masarap ang tuna sandwich nila, nakuu! Pagkaabot niya sa akin ng change ko, sabi ko. 'Smile naman diyan ate, ang aga-aga oh... nakasimangot.' Sabay alis ko agad! Baka kasi awayin pa ako... hahaha!

Habang nasa forum ako ay may nagpalapit na grupo ng mga lalaki sa akin. Tila ba, nanginig ang mga tuhod ko no'ng mga oras na 'yon habang nakatingin lang ako sa kanila. Naalala ko ang nangyari kahapon... ang mahigpit na pagkakahawak sa dalawa kong braso... ang pagtakip ni Clifford sa bibig ko... ang paghalik niya sa leeg ko... wala akong magawa... wala akong lakas para lumaban... at ngayon... itong grupo ng mga lalaki... papalapit sila sa akin... ayoko na... ayoko nang mangyari 'yon... pero bakit hindi ko magawang humakbang? Hindi ko magalaw ang aking mga paa... kinakabahan ako... natatakot ako... hindi! Papalapit na sila! Hindi!!!

Akala ko... akala ko ay may masama silang gagawin sa akin. Pero nilampasan lang nila ako. Patuloy lang sila sa pakikipagkwentuhan sa isa't-isa. At ako naman itong si tanga, ay naisip kong may mga estudyante nga pala sa paligid namin. Bakit sila gagawa ng masama sa akin kung maraming nakakakita? Tsaka, gagawan nga ba nila ako ng masa? O ako lang itong nagpapaka-paranoid? Ang tanga-tanga ko! UWAAAA! Mabuti na lang at nakita ko si Jane na mag-isang nakaupo doon sa isa sa mga table. I really need someone to talk to tungkol dito!

'JAAAAANE!!!!! Huhuhuhu' sigaw ko sabay upo sa harap niya. Pero napansin ko na parang ang lalim ng iniisip niya.

'Hi Max!' Iyong bati niya, parang ang bigat sa loob. Mukhang may problem si Jane. Ano kaya 'yon?

University LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon