13

37 2 1
                                    


MAX


Ayan na... Papalapit na siya... Malapit na siya... Konti na lang at darating na ang pinakagwapong nilalang sa balat ng universe sa kinauupuan namin ni Tanya! Si papa Trooooy!!!!

'H-Hi...! Tr-...'

'Excuse me.'

Bosheet! Ang ganda na ng ngiti ko at maghi-hi na sana ako kay papa Troy nang humarang-harang pa itong bakulaw na to! KIM!!! PANIRA KA TALAGA NG MOMENT!!!!!!

'Hi, Tanya!' wow! Inggit naman ako do'n. Mabuti pa si Tanya, binate. Iyak na lang ako.

'Anong nangyari sa'yo?' tanong ni Kim sa akin habang paupo siya sa tabi ko at si Troy naman sa tabi ni Tanya na nasa harapan naman namin.

'Wala! Huwag mo 'kong kausapin! AHEETYOUUU! Ang sama-sama ng ugali mo! Wala kang kaluluwa, wala kang puso, balun-balunan, pati bituka! Alam mo namang excited na excited na kong makausap si Troy tapos haharang-harang ka!' bulong ko sa kanya.

'And you must be the famous Maximiana Concepcion?' Cling! Cling! Cling! Cling! Shyeeete! Did Troy just called out my name? Kilala niya pala ako. Hindi lang kilala, buong pangalan ko pa ang tinawag niya! Ohhh myyy... I must be in paradise. Humarap ako sa kanya with so much enthusiasm at nahuli kong nakangiti siya sa akin. Graaabeeee!!! Nakakatunaw!

'I heard great things about you, Max, galing kay Kim,' sabi niya pa with that killer smile. Ang wafuuuu lang niya.

'Hehehehehe... Great things ba talaga ang sabi niya tungkol sa akin? hehe Ikaw talaga Kim. Ang bait mo naman... hehehe...'-sabi ko na tila nawei-weirduhan ako sa tawa ko.

'Hmp! Wala daw kaluluwa... Wala daw puso! Masamang ugali!' ang mahinang sabi ni Kim na sinadya niyang iparinig talaga sa akin. Pang-asar lang?!!! TSK!!! Nakakainis na talaga siya! Tinapakan ko tuloy ng isang paa ko na may heels ang paa niya! MALAKAS!!! PAKK!!!

'Argh!' papigil na nasaktan si Kim. MWAHAHAHAHA!!!!!

Bigla niya naman akong siniko! ARAAY!

Bastos to aah!

Tinitigan ko siya ng masama, aba! Tinitigan din ako!!!

GRRR!!! RAAAWR!!!!

'Max!' Nag-shift bigla ang bad vibes ko sa good vibes nang bigla akong tawagin ni Troy.

'Yes?' agad kong sinabi with beautiful eyes. Nakatitig ako kay Troy pero nararamdaman ng instincts ko na sisikuhin ako ulit ng katabi kong baliw kaya inunahan ko siyang hawakan sa braso. Habang naka-pretty smile ako kay Troy ay busy naman ang kamay ko sa paghawak sa braso ni Kim habang siya ay pilit na kumawala.

Ang gulo-gulo naman, swear!

'Ammm... Kim was right about you.' Biglang sabi ni Troy matapos siyang uminom ng kunting tubig. Napatigil tuloy kaming dalawa ni Kim sa panggugulo sa isa't-isa dahil doon sa sinabi niya. Ano naman kaya 'yong tinutukoy niya???

'That you are pretty, smart, and funny.' Really??? Sinabi 'yon ni Kim sa kanya???? 'Hindi talaga malabong magkagusto sa'yo ang pinsan ko.'

WHAAAAT?!

'Troy!!! Ha-ha... Joke ba 'yon? Hindi nakakatawa eh. Wala akong natatandaang sinabing gano'n, ano ka ba?' ang sabi ni Kim habang umiiwas siya ng tingin sa akin.

'Yeah! It's impossible! Kim will never fall into that... kind of girl,' ang sabi naman ni Tanya. Aiy! Nandiyan pala siya, hindi ko napansin.

Tsaka... Oo nga naman! May gusto??? Sa akin...??? Si KIM???!!! 'Di nga?

University LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon