28

53 1 0
                                    


MAX

Boooyaaaaaaah! I'm back to being me, the bubbly me. Ilang weeks ko rin naman kasing pinaglamayan itong feelings ko para kay Troy. Eh, ang sakit no'ng mga pangyayari. Kim was right. Gusto kong magpaka-martyr, pero hindi ko kinaya. Umiyak din ako ng mga ilang beses at nagsisisigaw sa kwarto ko. Akala nga nina Ate Maureen at Kuya Franco, kung naano na ako. Sanabi ko naman ang totoo sa kanila. Na-heartbroken ako. Ang sakit eh! Ang sakit-sakit-sakit!!! Pero, tama rin ang mga kapatid ko. Bakit daw ako ma-haheartbroken kung hindi naman talaga naging kami ni Troy. Ayan na naman eh. Naalala ko na naman siya. Naiisip ko na naman 'yong katotohanan na wala akong chance na mapansin niya. Ano ba? Dapat nag-momove on na ako.

Dapat, I won't let few downfall moments ruin my whole life. Life is full of challenges, and the challenges are what makes life more exciting. So, deal with it, Max! Ayan, payuhan ko ang self ko. HAHAHA! Para akong baliw.

Kaya nga isa sa mga trip ko sa buhay ngayon ay ang pag-chichill dito sa Zen Tea, dito sa Main Strip which is two blocks away from Courtyard na nasa labas din ng La Salle. Pero, actually, this is my relaxation moment after ng exams ko. Ang hihirap, grabe! Lalo na 'yong Chemistry at Trigonometry. Ano ba 'yong mga lumabas sa exam? Tinuro ba 'yong mga 'yon? Anyway, kinaya naman silang lahat ng invisible bangs ko. HAHAHA! At wala na akong magagawa kung may mali man doon. I did my best, okay?!

Pero, h'wag ka! Sarap talaga ng life kapag tapos na ang exam. Just chillin' out with my Strawberry YoGo (strawberry yogurt na milktea). Oh, 'di ba? Sosyal! Minsan lang 'yan kaya pagbigyan niyo na. Nag-iinstagram rin ako dito ngayon. Libre ang wifi eh. HAHA! Hihintay ko na lang si Charie matapos ang exams niya para sabay na kaming umuwi. Oo! Kasi 'yong best friend kong si Lyka, inagaw na naman ni Gian! Kainis! Sana hindi na lang siya sinagot ni Lyka... hahaha! Joke! Ang bitter ko! Hahahaha!

Wait! May nag tweet!

sarcasKIM tweeted you

'@MaxGanda Nasa'n ka?'

'@sarcasKIM nasa Zen Tea,' ang tweet back ko sa kanya.

'@MaxGanda hintayin mo 'ko diyan. I'll be there in a minute.'

'@sarcasKIM okay!'

Ano na naman kaya ang sadya niya sa akin? Hindi na lang ako kinausap kanina sa classroom. Bigla-biglang nawawala pagkatapos ng mga exam, tapos ngayon hahanap-hanapin niya ako. Tss... Ang laki talaga ng sira sa ulo, ano?

'HOOOOY!!!' sigaw ni Kim nang makapasok siya sa loob ng Zen Tea. Juice colored naman ohh! Makasigaw naman 'tong lalaking 'to, akala mo siya ang may-ari ng Zen Tea.

'Ano ba, Kim?! Para namang ang layo-layo ko sa'yo. Nasa kabilang bundok ang tinatawag mo? Ha? Ha?!' pamimilosopo ko sa kanya habang umuupo siya sa harap ko.

'Ano ba kasi 'yang tinutunga-tunganga mo diyan? At ang lalim-lalim ng iniisip mo?'

'Eh sa nag-rereflect ako dito eh. Paki-alam mo ba? Ha? At saka, by the way ha, hinanap kita kanina after ng exam natin sa Chemistry and mind you dre, ang bilis mong natapos. May plano ka bang i-fail ang chem?' Kasi naman, 45 minutes pa lang, tapos na siya. Ako nga, ina-analyze ko pa lang 'yong mga tanong.

'Ang ganda naman ata nang napili mong lugar para mag-reflect ah. Dito pa talaga? At saka, 'yong exam kanina? Aysus, chicken lang 'yon sa'kin eh. Dali-dali kaya no'n.'

'Ang yabang mo!' Ano pa nga bang mero'n sa lalaking ito? Eh halos kayabangan lang ata ang laman ng ulo niya.

'Pagkatapos ay pumunta ako ng BDO para mag-withdraw ng pera.' Aah... kaya pala. 

University LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon