47

41 1 1
                                    


TROY

"Manong! Dito na lang po!"

"Okay po, sir Troy!"

Mabuti na lang at hindi ako pinapabayaan ni manong na nagdadrive no'ng limousine. Ipinark niya ang sasakyan sa tapat mismo ng gate no'ng old airport. Pagkababa ko ay bumaba rin siya.

"Ano pong ginagawa niyo?" tanong ko.

"Back up mo ako, sir Troy! Huwag kang mag-alala... mukha lang akong matanda pero dati akong martial artist... marunong akong makipaglaban! Kasama ko atang nagtraining noon si Jackie Chan! Hiyaaaah!" At nagawa niyang sumipa sa ere. WOW! Amazing!!!! Hindi ko alam 'yon ah.

"Mabuti kung gano'n! Tara! Let's go save my Tanya!"

Tumakbo kami papasok sa loob ng old airport. Madilim ang paligid at ang lakas ng hangin na nandoon. Sa may runway namin nakita ang grupo ng mga lalaki at si Tanya na nakatakip ang bibig ng panyo ay hinahawakan ng isang lalaki... wait! Familiar ang mukha no'ng lalaking nakahawak sa kanya... sino nga ba siya? Hmmm... saan ko na nga ba siya nakiya? Wait... hindi ko maalala eh. Aaah! Di bale, hindi na mahalaga 'yon.

"Sino ka? Nasaan si Max?" ang sigaw no'ng lalaki na 'yon.

"Wala dito si Max! Ako si Travis Roy Montemayor at kukunin ko sa inyo si Tanya..."

"Hindi mo makukuha si Tanya! Marami ata akong kasama ngayon!"

"Wag mong sabihing malakas ka!" biglang sigaw ni manong driver na nasa tabi ko at habang turu-turo niya 'yong lalaki na tila leader no'ng mga kidnapper na mukha talagang familiar pero dahil hindi ko na namaalala ay huwag na nating pansinin 'yon. "Wag mong sabihing marami kang tauhan!" Patuloy pa ni manong driver... "At wag mo ring sabihing marami kang salapi... pare-pareho lang tayo... isang bala ka lang!" Iyong pagkakasabi niya at ang porma niya... Fernando Poe Jr?!!!!

"Ang astig mo manong! Kuhang-kuha mo ang porma ni FPJ!" tuwang-tuwa kong sabi sa kanya.

"Talaga? Idol ko talaga 'yon eh."

"HOOOY! Pinagloloko niyo ba kami?!"

"Sorry! Sumegway pa kami..." sabi ko doon sa lider na ang pamilyar-pamilyar talaga ng mukha pero... okay! Sige, stop na ako! "Ito na! Seryoso na kami! Babawiin ko sa inyo si Tanyaaa!!!!"

"Haaaah!" ang sigaw naman ni manong driver na parang nanggigigil at naka-pose na parang handang-handa sa anumang laban sa buhay. That the fighting spirit, manong! Ayos din talaga itong sidekick ko eh.

"Humanda kayo!!!!!!" simigaw ako at tumakbo papalapit sa kanila... sumunod naman sa akin ang magiting kong sidekick.

"AAAAAAAAaaaaaaaahhhhhh.........ha?" ang reaksyon no'ng mga kidnappers nang bigla akong umupo sa harap nila. Yes! Umupo ako dahil makikipag-usap ako sa kanila at pakikiusapan ko silang pakawalan nila si Tanya. "Eh?"

"Sir Troy? H-Hindi ba natin babasagin ang mga bungo ng mga ito?" tanong sa akin ni manong driver. Ha? Bakit niya naman natanong sa'kin 'yon? Mukha ba akong nambabasag ng bungo?

"Syempre hindi," sagot ko. "Masyado kaya 'yong brutal."

"P-Pero... Sir Troy..."

"Hindi tayo mga bayolenteng tao. We're going to negotiate to them na pakakawalan nila si Tanya."

"Hah! Sa tingin mo pakakawalan namin si Tanya nang walang kapalit?" sabi no'ng isang lalaki. "Eh, bobo ka pala eh! Nag-kidnap pa kami, pakakawalan lang rin pala namin."

"Ang sa akin lang naman... Pakawalan niyo si Tanya... kung ayaw niyong masaktan."

"Abaa... Abaa... Hinahamon ata tayo ng lalaking ito ah!"

University LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon