12

39 1 0
                                    


MAX

Alam nyo ba 'yong feeling na....

You need it but you don't want it...

And you want it but you don't need it...

Minsan dumarating din sa buhay natin 'yong moment na kailangan nating pumili...

Kung 'yon bang makakapagpapasaya sa'tin?

O 'yon bang tama na at sapat na para sa'tin?

Haaaayyyy kung maka-emote ang lola niyo, wagas eh, 'no? HAHAHA Ba't ba ang lalim ng iniisip ko ngayong gabi? Eh kasi naman, itong si Kim eh. Hanggang ngayon kasi, naiintriga pa rin ako do'n sa inasal niya kanina sa practice namin. Bigla na lang siyang nagalit at nag-walk out! Pareho noong nasa elevator kami. 'Yong bigla lang siyang nagalit kasi nga feeling ko nagselos siya doon sa tinanungan kong guy. Eh, ano naman ang ikinaselos niya kanina sa practice? Eh, ang pinag-uusapan lang naman namin ay si... Oh my gawd! Nagseselos na ba si Kim kay Troy?

HUWAIT! SANDALI! Sandali! Bakit ba nagseselos agad ang nasa isip ko?! Ang assuming ko talaga! Kainis! Unang-una sa lahat, marunong bang magselos 'yong lalaking 'yon? May puso ba 'yon? Wala naman 'di ba? Wala siyang heart! Kung meron man... wala talaga!

Pero what if nagseselos nga si Kim kay Troy? AAAHHH! Ang haba ng hair ko! HAHAHA

Pagkatapos dapat may piliin daw ako sa dalawa, sinong pipiliin ko?

'Yon bang makakapagpapasaya sa akin? Si Kim?

O 'Yon bang tama na at sapat na para sa akin? Si Troy?

Sino?!

AAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!! Ang landi-landi ko! Matulog na nga ako! HAHAHA! Bukas pagkagising ko, wala na ito. Pupunta na lang ako sa birthday ng ate ni Kim at kakain ako ng maraming-maraming chocolate cake!!!!!!!! MWAHAHAHA

'Oh Max! Ba't bihis na bihis ka ata?' pambungad na tanong sa akin ni Kuya Migz nang lumabas ako sa aking kwarto wearing my outfit para sa birthday na pupuntahan ko. It's Satuday, birthday ni Ate Kendall, and I'm having a positive vibe! Nakahiram ako kagabi kay Lyka ng damit, white silk dress at kulay maroon na palda which is below the knee and haba. Hindi ko naman masyadong minake-upan ang sarili ko. Tapos, nag-heels na rin ako ng mababa lang. Nakasabit naman sa balikat ko ang mala-pitaka na size ng sling bag na kulay silver, pati ang manipis nitong belt. Si Kuya Miguel Franco ay ang kapatid ko na kumukuha ng Architecture sa LCC at graduating na siya.

'Ah eh, may pupuntahan lang na birthday,' ang sabi ko sa kanya.

'Asus! Baka naman date 'yang pupuntahan mo. Hahaha' Loko ka talaga, kuya! Birthday nga, ba't di ka ba maniwala sa'kin?

'Ikaw talaga kuya Migz, palabiro.' That's my sister! Kakampi ko talaga siya sa pang-aapi ni Kuya Migz. 'Hayaan mo na nga 'yang si Ate Max, para naman maka-move na siya kay Harold.' Eh?! Akala ko kakampi ko na 'tong si Maren! 'Yon pala, ipapaalala niya lang sa'kin 'yong past ko. Batukan ko nga 'tong mga 'to. Magsama nga kayo! Basta ako, mamaya, magiging masaya ako kapiling ng mga chocolate cakes ni Yaya Betchay! HAHAHA Si Marynella Francesca or Maren ay 'yong kapatid ko namang 4th yr. high school student kung saan 11 months lang ang tanda ko sa kanya. Kaya minsan, pinakakamalan kaming magkambal.

'Magsitigil nga kayong dalawa! Eh talaga namang birthday lang 'yong pupuntahan ko eh.'

'Oh Max, may pupuntahan ka rin?' tanong sa akin ni Ate Maureen na bihis na bihis rin at kagagaling lang sa kwarto niya. Kitang-kita ang ka-sexy-han niyan sa suot na long caramel-colored dress at white close heels.

University LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon