34

53 1 0
                                    

MAX

Alright! First day of Second Semester, here we go.

Maaga-aga ang klase ko ngayon. I woke up 5:00 am in the morning dahil 7:30 am, mayroon na akong Chemistry 1 Laboratory. Yeah, right! First day na first day, laboratory agad. And supposedly, dapat na-took up na namin ito noong First Semester pa lang. Paano ba naman kasi, dahil last day na lang kami nakapa-Admission no'ng pumasok kami dito sa La Salle, naubusan kami ng slot sa laboratory na 'yon. Hindi lang naman ako nag-iisa eh, dalawa kami ni Kim. At dahil busy kami sa aming ka-eng-engan sa buhay, hindi na namin napansin na wala pala kaming laboratory no'ng First Sem. Pumapasok lang kami doon sa laboratory sa dapat na klase namin tapos hindi pala kami enrolled. Naalala ko pa 'yong araw na nalaman namin 'yon. Oh gosh! Nakakahiya sa mga ka-blockmates namin. Nag-eexperiment na kami noon eh, pagkatapos nag-check ng attendance 'yong professor namin, then hindi kami nabanggit ni Kim. Ayon, pinauwi kami. Kami naman 'tong mga shunga, umuwi. Hindi man lang nagreklamo sa Engineering Office. Aaaaah! Ewan! Basta! Past is past! Mga bopols pa kami noon. Ngayon, we've changed. Ewan ko lang doon sa asungot na Kim na 'yon. Basta ako, I'm the new me. Smarter. Sexier. And nag-superr ganda! Charooot! Makababa na nga dito sa Ceres! Mabuti na lang at nakarating na siya sa South Terminal dahil kung hindi, kung anu-ano pang mga kalokohan ang pumapasok sa isipan ko.

Bigla namang tumawag sa akin si Kim.

Nandito na si Chito... si Chito Miran—-

'Hello?'

'Where are you?' tanong niya sa akin.

'Sa South Terminal, kakababa ko nga lang ng Ceres,' sagot ko.

'Good. Diyan ka lang, susunduin kita diyan.'

'Haah?! H'wag ka na, Kim! Sasakay na lang ako ng—-' TEEETEEETEEETEEET ARRRGH@#W#EW@##$#@@!!!!!!!!! Bwisit na Kim! Hindi pa nga ako tapos magsalita, pinatayan na ako. AAAH! Ang aga-aga, pinapasama niya ang mood ko! Ako?! Susunduin niya? Bakit?!!! Naka-gown ba ako para sumakay sa car niya at hindi sa jeep? Wala ba akong pambayad sa jeep? Napilayan ba ako sa paa? O baka naman... part ito ng maitim na balak ni Kim! AAAAH! No way! Nooo waay! Hindi niya ako madadala sa ganito! Bakit ba kasi pumunta sa ganitong point? Ang ganda na ng friendship namin eh. Ang sarap niya nang sapakin, sipain tsaka tadyakan, tapos magkakagusto siya sa akin?! Hudas talaga ang lalaking 'yon! Hindi daw ma-fafall sa akin! AAAAH! Naiimagine ko pa lang na magiging boyfriend ko si Kim, nandidiri na ako... Eeeew! Yaaaaak! Maghahalikan kami, magyayakapan, maghoholdinghands... UWAKK! AAKK! Nasusuka ako! Eeee! Hindi ko talaga maimagine. Para akong nasa isang masamang panaginip na hindi ako magising-gising!

Dumating na siya dala ang Montero Sports niya. Bumaba siya mula doon at kinuha ang gamit ko. Then, inopen niya ang pintuan para sa akin.

'Magsabi ka ng totoo! Balak mo bang mag-apply ng chaperon ko?!'

'Pwede sumakay ka na lang?'

'Aiy, ang sungit! Hindi ako sasakay kung hindi ka ngingiti.' At pilosopo siyang ngumiti sa akin. 'Yon bang pinipilit niyang ngumiti kahit naiinis na siya. Ano bang problema nito? 'Dapat 'yong nakalabas ang ngipin,' pag-dedemand ko pa.

Nilabas niya ang kanyang ngipin, 'Masaya ka na?' tanong niya sa'kin na parang manika ang itsura niya. Hahaha! Para siyang ewan, nakakatuwa ang itsura niya, pero sige, at least ngumiti siya.

Sumakay na ako sa kotse then sumakay na rin siya sa driver's seat. Sinuot namin ang seatbelt at nagsimula na siyang magmaneho. Bumalik na naman 'yong pagkaasim ng mukha niya.

'Ano bang problema natin, Kim?' tanong ko sa kanya.

'Wala. Family matters,' sagot niya lang sa akin.

University LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon