5

74 1 3
                                    


MAX x KIM



'0909*****72... oh ayan! I-save mo nang maayos ha, h'wag mong wawalain okay?' Binalik ko na sa kanya 'yong iPhone niya after kong i-type doon ang number ko, '...tandaan mo, h'wag na h'wag mo akong sesendan ng gm, h'wag din ng chain messages, ayoko no'n, love quotes? Pwede na. Pero kung galing lang rin sa'yo...aiy! H'wag na. Nevermind. At isa pa, 'yong pinakaimportante, h'wag na h'wag mong ipamimigay 'yong number ko kahit kanino, understood? Hindi uso sa akin ang textmate. H'wag mo rin akong tawagan kapag gabi na, ayoko ng iniisturbo, h'wag kang magtititext ng walang kwenta. Gusto ko 'yong importante lang. Tandaan mo lahat 'yon, ha? Tandaan mo!' Subukan niya lang kalimutan ang isa sa mga sinabi ko, humanda siya sa'kin!

'Humingi lang ako ng number mo, eh para na akong binigyan ng patong-patong na utos. Tsk.' Nagrereklamo ka kuya?

'Nag-iingat lang ako, kuyang masungit!' ang sabi ko expressing the word "masungit"!

'Kim ang pangalan ko!' sigaw niya. Kim?! Parang ngayon ko lang nalaman ang pangalan niya actually.

'Whatever, KIM! H'wag ka na kasing mag-side comments. Ang dami mo pang sinasabi.'

'Ikaw kaya tong maraming sinasabi sa'tin!'

'Eh bakit ang sungit mo?!!!!'

'Eh bakit ang daldal mo?!!!!!'

GRRRRR!!!!!!

Nakakaasar ka na talaga! Konti na lang ang patience ko. Kontiii na lang talaga! Nasa dulo na ng kuko ko 'yong patience ko oh! Kung hindi ako makapagtiis, sisipain ko na 'to palabas ng foodcourt!

Kung hindi lang talaga dahil kay Troy... Tsss!

Pinagsisihan ko na ang araw na nakita ko siya sa jeepney, I swear!

'Excuse me?'

'ANO???????!!!!!!' magkasabay pa kaming sumigaw ni kuyang masungit doon sa nag-interrupt sa amin.

Aiy!

Si Lyka lang pala.

'Okay. Relax... Hindi ako bingi kaya h'wag kayong sumigaw.' At umupo si Lyka sa upuan sa harapan ko at nag-start nang tumili doon sa usual high pitch niya habang hinahawakan niya ang kamay ko, '...aaAAAHH!!! MAAAAAX! You can't believe what just happened to meeee!!! AAAAA!!! Oooohh myyy goooosh!' Oh 'di ba? Parang kami lang 'yong tao sa foodcourt. Na-excite din naman ako sa expression niya kaya napangisi ako at naki-join sa pagtili niya, 'Aaahhh! Grabeee naman ang nangyari sa'yo! A-Ano nga ba 'yong nangyari sa'yo?'

'Well... Wait! First things first, sino siya?' tanong niya habang nakaturo ang nguso niya doon sa katabi kong masungit.

'Ah etoooh?!' sumigaw ako para marinig ni kuyang masungit ang sasabihin ko, 'Siya lang naman 'yong pinakawalang kwentang tao sa buong mundo, kaya h'wag mo 'yan pansinin. Estatwa 'yan, mukha lang tao, pero estatwa talaga 'yan. H'wag mong kausapin, okay? Mahawa ka pa sa kasungitan niyan. Tara, bili na nga lang tayo sa baba!' Niyaya ko na tuloy si Lyka. Hindi ko lang talaga feel na ipakilala sa bestfriend ko ang nag-iisang taong bumibigay sa akin ng bad vibes sa unang araw ko sa college.

Biglang nagsalita si kuyang masungit, 'Ako? Pinaka-walang kwentang tao, eh ano ka na lang?'

Humarap ako sa kanya at sinampal 'yong braso niya, mahina lang naman, okay? habang ginagalitan siya 'H'wag kang magsalita, estatwa ka!'

'What?!!!' ang galit niyang sita sa'kin. Sungit!

'Max... hello?! Tell me the truth na nga kasi. Nawi-weirduhan ako sa'yo.'

University LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon