40

34 1 0
                                    

JANE x ALBIE

'Magpapakamatay na lang ako!'

Nakakainis na! Ayoko na! Hindi ko na kaya 'to! Wala na akong ibang option! Magpapakamatay na lang ako! Oo na! Tama na si Tita Karla, the world doesn't deserve me. I get it! I'm just a mere trash trying to fit in, right? The world is better off without me! Blah! Blah! Blah! Ako 'yong sagabal, 'di ba? Ako 'yong panira! Tutal, hanggang dito lang naman ako. Hindi ko maaabot ang mga pangarap ko. Kaya nga what's the difference kung magpapakatay ako ngayon? Gano'n rin naman, 'di ba? Mabuti nang ihinto ko 'tong buhay ko, nang sa gayon ay hindi ko na maramdaman ang sakit. I can't handle it anymore, magpapakamatay na lang ako! Oo! 'Magpapakamatay na lang ako!'

Sino nga ba si Janelle Villarosa Rosales? And how the hell my life end up like this? Actually, hindi ko rin alam eh. Ang bilis ng takbo ng mga pangyayari sa buhay ko and I thought I had everything in control... pero nang nagpatong-patong na ang mga problema, shit! Hindi ko na kinaya. Ang tanging escape ko na lang ay ang tapusin ang miserableng buhay na ito.

Nanggaling ako sa mahirap na pamilya. Kainis 'no?! Sa dinami-rami na pwede kong maging pamilya, 'yong mahirap pa. I don't blame my parents kung bakit ganito kami. I blame the world for being unfair. Ang mga magulang ko ay nagtatrabaho sa manggahan sa lupain ng mga Cuangco sa Himamaylan. Hindi sapat ang kinikita nila doon kaya ang panganay sa amin na si Kuya Junjun ay nagko-contractual sa mga itinatayong gusali sa Bacolod ngunit paminsan-minsan lang ang trabaho niya. Pero may asawa na siya ngayon at nagli-live in na sila sa Murcia, so hindi na rin nakakatulong sa pang-araw-araw namin. Nasa Manila naman si Ate Jasmine at naging kasambahay doon. Ang kalahati sa pinapadala niyang sweldo ay pinag-aaral ko. Matalino raw kasi ako at palaging nasa top noong elementary kaya ako lang 'yong nagpapatuloy sa pag-aaral. May tatlo pa akong mga kapatid na sumunod sa akin, si Jojo, si Jaira, at ang pinakabunso sa amin ay si Jekjek. Ewan ko nga ba kung bakit sinundan pa ako nina Nanay at Tatay. Eh, ang hira-hirap na nga ng buhay. Pero hindi ko naman talaga sila masisi. Malamig doon sa amin at wala kaming t.v. kaya walang libangan. Kaya gets niyo na kung ano pinagkakaabalahan nila. Sabi ko nga kay Tatay noon, ikiskis niya na lang sa pader. Ayaw eh. Tigas rin ng ulo. 'Di makatiis!

Bagama't taga-Himamaylan kami, nag-aral ako ng high school sa Pax Academy sa San Enrique kung saan naninirahan lang ako noon kay Tita Gwenda, ang kapatid ng asawa ng pinsan ni Tatay na isang nurse. Minsan siyang nagtrabaho sa HongKong at ngayong matanda na siya ay umuwi sa Pilipinas nang hindi nakakapangasawa. Kaya tumandang dalaga itong si Tita Gwenda at mag-isa lang sa kanila. Pero mabait si Tita Gwenda sa akin at siya ang naging inspirasyon ko na kumuha ako ng Biology. Ang totoo ay magnu-nurse rin sana ako kagaya niya kaso mababa ang rate ng nakakakuha ng trabaho ngayon ng mga nurse kaya Bio na lang ang kinuha ko. At least, may pagkakapareho sa kanya. At kung suswertehen ako'y magpoproceed ako ng pagiging doktor.

Sa Pax ko nakilala ang mga barkada kong sina Max, Charie at Lyka. Kahit na alam naman nilang kapos kami sa pera ay hindi nila ako tinuring na kawawa sa grupo. Sa Pax ko rin nakilala si Alberto Enrique Yap Salgado III, o mas kilala sa tawag na Albie na talaga namang nagpabago sa buhay ko. Shit! Lumalandi ang bruha! Iba pa ang grupo niya noon, halatang mga anak-mayaman sila dahil sa porma at mga gamit nila. At nagkakilala kami dahil sa isang dare. Niyaya niya ako noon sa date na siya ko namang payag. Choosy pa ba ako? Gwapo na tapos mayaman. Syempre, agad akong na-fall sa kanya. First time ko 'yon at talaga namang dinala niya ako sa mga mamahaling restaurant at binigyan niya ako ng mamahaling bracelet at hikaw. Pero nang nalaman kong dare lang 'yon, totoong napahiya ako sa harap ng mga friends niya. Pinagtawanan nila ako. Sarap sapakin no'ng mga friends niya at ibaon sa lupa. Iyon bang buhusan mo ng gas sa mukha tapos sunugin mo sila. Hahaha! Evil me! Gagawin ko na nga sana eh, kaya lang si Albie eh. He was there, hindi para pagtawanan niya rin ako pero para ipagtanggol niya ako sa mga friends niya. He even kissed me in front of them. Oh sheeeet na malagkit nga naman oh! It was in third year high school years nang naging kami at madalas na siyang sumama sa amin nina Max. Mabuti na lang at naging close rin namin noon si Gian na buntot nang buntot kay Lyka, hindi naging awkward para kay Albie na sumama siya sa grupo namin na halos babae.

University LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon