16

31 1 0
                                    


MAX x KIM

I have to win this.

The bet is still ongoing.

If I win, I'll get the chance to ask Max for a favor.

Wanna know what's running in my head?

I wanna ask her for a date. Yes! You're right a date. A Friendly date, I guess. Napag-isip-isipan ko na the more I get closer and the more we bond, mas marami akong nalalaman about her. Something about her that amazes me. Kaya nga dinaan ko sa ganitong deal kasi nga alam kong hindi papaya agad ang babaeng iyon if I ask her straight on a date. Eh, hindi naman ako si Troy para pumayag siya agad. Whatever.

This is the day.

Oh no, let me clear it, this is the night! Tama po kayo. Ito na ang gabi na pinaghahandaan namin ni Max. Ang gabi ng pagkakaalaman at ang gabi ng katotohanan. Teleserye lang???

Nandito kami ngayon ni Max sa Backstage. Dito sa loob ng Coli kung saan napuno ang buong upuan ng napakaraming tao. Nakaready naman kaming lahat na mga contestants to be called off the stage and to ramp our Young-themed costume. Dapat daw nagrerepresent 'yong costume namin ng youthfulness, fun and funky daw. Nakasuot ngayon si Max ng orange wig, which suits her well even though nagmumukha siyang cosplayer, and black na knee-high-socks and a six-inched neon orange na stilletos. Nakasuot siya ng sailor type na costume. She really looks sexy in her dress. Mas lalong na-eemphasize ang curves niya with those big... yeah, you know what I mean. And ang cute niyang tingnan sa mini skirt HAHAHA!

Nakikipagkwentuhan siya ngayon sa isang contestant na mukhang taga CAS. Partner ata ni Krystoff. Medyo nagulat nga din ako nang nalaman kong sumali pala itong kaibigan ko dito. Akala ko nga hindi siya pumapatol sa mga ganitong event. If I know, for publicity siguro kaya ginagawa niya ito. Para marami na naman siyang makuhang babae. Babaero talagang mokong na 'yon.

'Hey Kiiiiiiimmmmmmmmmeeeeeyyyyy... Good luck later! I hope we win.' At nandito rin si Tanya. Panigurado, siya at ang partner niya ang may pinakamalakas na cheering mamaya. Ang CBA ata ang may pinakamaraming populasyon dito sa La Salle eh. 'Sige, I have to retouch na. So that Max won't stand a chance to win.' Kailangan magpaalam pa talaga sa'kin? Bahala ka nga sa buhay mo, Tanya. Kailan mo ba maiintindihan na I can't even stand being around you. Ang conyo mo eh, not a hands-on type of girl, not the girl who will make my life a roller-coaster ride of adventure... not someone like MAX? 

'Uyy bro! Mukha yatang tutok na tutok ka diyan kay Max ah. Huwag masyadong halata baka matunaw. Sige ka, wala ka na magiging kapareha niyan,' ang biro sa'kin ni Krystoff. I can't help myself checking on her.

'Syempre, crush ko eh.' Parang ngayon lang rin ako naganahang sabihin ang mga words na 'yon. Pero 'di ba nga, pinakilala ko sa kanila ni Tanya si Max as my crush. 'Nga pala, ba't mo ba naisipan na sumali dito?' tanong ko sa kanya.

'Ah... Eh... You know me naman 'di ba? Kailangan din ng charm ko ang exposure. Hahaha! Pero hindi, ito talaga 'yon eh. Kasi alam mo, 'yong feeling na mero'ng hindi nakakapansin sa pagpapacharm ko kahit na ako na itong lapit ng lapit sa kanya.' Sabay tingin niya sa direksyon nina Max at ng friend nitong taga-CAS. 'I have to get her heart kahit na sumali pa ako sa ganitong contest, gagawin ko.'

Hindi ko alam kung anong nakain ni Krystoff pero ngayon ko lang siyang nakitang humahabol sa babae. Mukhang magseseryoso na siya ah. Hmmm... let's just see what's gonna happen.

Napatingin ako doon sa gawi ng mga girls at nag-meet ang mga mata namin ni Max. I smiled, and she smiled.

 

University LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon