8

51 1 0
                                    

8

MAX x KIM

OH YEAH! Ang sarap ng gising ko! It's Saturday! Walang alarm clock na mambubulabog! Walang 9:30am na hahabulin. Walang...

'Nandito na si Chito 

Si Chito Miranda 

Nandito na si Kiko 

Si Francis Magalona...' 

 

Bakit tumutunog ang cellphone ko? Anong ibig sabihin nito?!!! SINONG TUMATAWAG SA'KIN?!!!!

Kim Sungit Calling... Nakita ko sa screen ng phone ko. Kainis naman oh, panira ng mood.

Max - Kim convo

Max: Hello.... Ang aga-aga, tumatawag ka! Ano bang kelangan mo, ha?!

Kim: Eh, ikaw?! Ba't ang aga-aga, ang sungit mo?!

Max: Ewan ko sa'yo. Nahawa 'ko siguro sa kasungitan mo. Tsaka, ang aga-aga kasi Kim, nambubulanog ka eh. Ano bang kelangan mo?

Kim: I was wondering if gusto mo sanang mag-malling ngayon?

Max: Are you trying to ask me for a date?

Kim: Yuck ha! Ang kapal mo rin 'no? Magpapatulong lang sana ako sa'yo bumili ng gift for my Sister Kendall, kasi Birthday niya na next Saturday.

Max: So? Bakit naman ako? Eh pwede rin namang si Tanya ang tumulong sa'yo ah.

Kim: Ayos din ng trip mo, ano? Ayoko nga sa babaeng iyon! Sige, ikaw rin. Sayang... Kasama ko pa naman si Troy.

Max: Oh my Sheeet! Bakit hindi mo agad sinabi? Ok! Sasama ako. What time?

Kim: Kita mo 'to. Binanggit ko lang ang pangalan ni Troy, atat na atat agad sumama. Mga 2:30pm na lang siguro tayo magkita. Sa Bob's cafe na lang sa may North Wing ng SM.

Max: Ok. Sige! Bye! Mag-peprepare pa ako at magpapaganda. I'll be there in my red stilletos. Joke! Hahaha Hindi ko yata kayang maging Tanya, 'no?

Kim: Subukan mo lang magpakakikay at hindi talaga kita isasama.

Max: As if naman comfortable akong sumuot ng mga gano'ng sapatos.

Kim: Sige. I have to go na. Don't be late, ok?

Max: Sige ho, mamang masungit!

End of convo

Nang lumabas ako ng kwarto ko ay nakita ko ring lumabas ng kwarto niya si Ate Maureen. Siya 'yong nurse na ate ko. Minsan ko itong na-ishare kay Kim kasi nga may ate rin siyang nurse. What a coincidence nga 'di ba, kasi pareho kami. Wait! Bakit ba siya ang laman ng utak ko ngayon? Pwede, get out of my mind, YOU! KIIIM!

Back to reality, since hectic nga ang schedule niya sa hospital ay hindi na kami masyado nagkikita. 'Oh Max! Kumain ka na?' tanong niya sa'kin.

'Wala pa nga, ate.' sagot ko.

'Sabay na tayong kumain.'

'Yeay! Sabay tayong mag-brunch!' Since 10:30am pa lang ay brunch pa 'yon. Too late for breakfast and too early for lunch. Excited na rin akong makasabayang kumain si Ate Mau. Matagal-tagal na rin kaming hindi nakakapagusap.

'Ate, labas naman tayo next Saturday, oh. Malling lang, bond together just like the old times,' panlalambing ko sa kanya habang nilalasap ang Adobong iniwan ni Mama sa mesa. Nasa work na kasi si Mama ngayon tsaka si Papa. So, kaming mga anak niya ang naiwan sa loob ng bahay.

University LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon