MAX x KIM
Achuu~
Sinisipon na naman ako. Ano ba 'yan?! Tumunog bigla ang phone ko at nakita ko ang text ni Kim sa akin.
Don't expect me to fetch you today. Sumakay ka na lang ng jeep. Hindi ako papasok, masama ang pakiramdam ko. Bye.
Aiy?! Kahit sa text, ramdam mo 'yong kasungitan niya eh. Heeh?!!! Akala mo ineexpect ko na susunduin mo ako ngayon? Marunong kaya akong mag-commute no?! At mabuti dahil hindi ako makakaramdam ng badvibes ngayong araw, first day of the week pa naman, HAHAHAHA! Alright! Feeling ko ieenjoy ko ang araw na ito dahil absent si Kim. Walang manggugulo, walang mangungulit, at higit sa lahat walang masungit! Haaaay! Ang sarap nang ganitong feeling. Pero... hmmm... may sakit si Kim? O baka naman nagsasakit-sakitan lang siya. Eh, halata naman last Saturday na bad mood siya eh. Ni hindi niya ako kinausap no'ng inihatid niya ako sa amin. Akala ko nga, umuwi na siya no'n kasi wala na siya no'ng bumaba na kami sa MM Building kasama si Jane. Pero nandoon lang pala siya sa kotse niya, hinihintay ang pag-uwi ko para maihatid niya ako. Angchuweet! Pero... hmmm... ano naman kayang kadramahan meron si Kim ngayon? Sakit daw, utot niya! Nagsasakit-sakitan lang siya, I know it!
Dahil ba hindi pa rin ako nakaka-move on kay Troy kaya siya nagkakaganito? Haaaayssss, anong klaseng tanong 'yan, Max? Malamang oo. May gusto sa'kin 'yong tao. Achuchu~
Pero speaking of Troy, the last time I saw him was no'ng Sipalay expedition pa. Ang tagal na rin no'n. Almost one month na ang nakakalipas. Kamusta na kaya sila ni Tanya? I hope they're doing great. Well, kung hindi ko naman makukuha si Papa Troy, at least sana ay masaya siya ngayon.
Bumaba na ako ng Ceres nang huminto na ito sa Southbound Terminal at agad na pumara ng jeep. May dumating pero parang punung-puno na sa loob. Sabi ni Manong Dispatcher, may space pa raw kaya sumakay na ako. Asan? May nakikita ata siya na hindi ko nakikita.
Pero malalate na ako so kinailangan kong makipagsiksikan. Sabi nga nila, pwede mong ipagsiksikan ang sarili mo sa loob ng jeep na punung-puno ng pasahero, pero sa taong hindi ka naman mahal, hindi na pwede, masasaktan ka lang... charot! Ang sikip-sikip na nga, humuhugot pa rin. Si Troy kasi eh... hahaha! Malandi!!!
At exactly 10:30 am ay natapos ang ChemLab namin. Sa PL2 na kami naglalaboratory ngayon, simula no'ng nasunog 'yong laboratory sa baba. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap ang culprit, at kami pa rin ni Kim ang pinagbibintangan. Eh, hindi nga kami ang nag-cause ng sunog. Bakit naman namin susunugin ang paaralan? Hindi kami terorista! Estudyante lang kami! Estudyante! Umiibig at nasasaktan! Ayyy! Juice ko! Hugot pa more, Max! HAHAHA!
Kaya, heto ako ngayon. Pinagtitinginan ng mga engineering students at engineering faculty habang nilalandas ang SE Lobby. Ang sakit nila kung makatingin sa akin. Pagkatapos ay nagbubulungan pa ang iba at mukhang ako ang pinagtsitsismisan. May narinig pa nga ako, ang sabi... 'Siya ba 'yong gumawa ng sunog sa Chem Lab?' 'Oo, siya nga! Naku! Hinirang lang na Frosh Icon, kung anu-ano nang ginawa sa school natin.' 'Nakakatakot naman siya.' 'Ang yabang, akala mo kung sino...' 'Hindi naman maganda!'
Eh?!!!
UWAAAAA! Iyon 'yong pinakamasakit eh. Hindi raw ako maganda?! Sasampalin ko ng left and right ang nagsabi no'n! Pero ayokong maging bayolente. Natatakot na ang iba sa akin so dapat hindi ko sila patulan. 'Di bale, lalasunin ko na lang. Mwahahaha! Joke! Hindi ko naman kayang pumatay ng tao! The same way na hindi ko kayang magsunog ng property ng La Salle! Juice ko! Ayoko na! Hindi ko na 'to kaya!
Tatakbo na sana ako nang mabunggo ako sa dibdib ng isang lalaki na mukhang sinadya na harangin ako. Agad kong tiningala ang ulo ko para makita kung sino 'yon. Ang to my surprise, si Papa Troy...

BINABASA MO ANG
University Lovers
Teen FictionExperience the love like you’ve never experience it before… Set in the place na kung tawaging ay City of Smiles… Sa isa sa mga presteryosong unibersidad sa Negros… Makikilala mo na rin sila… Makikilala mo na silang mga… UNIVERSITY LOVERS!