29

29 1 0
                                    


MAX

Nabusog ako do'n aah! BUUURRRRP! HAHAHA! Ano ba 'yan, Max? Nakakahiya! Hahaha! Sa dinami-dami ba naman nang na-order ko, TLC, large fries, tapos may peach mango pie pa, plus sundae, at coke float... I'm suuuupppaaaah busog! HAHAHA

'HOOOOYYYYY! Grabe ka talaga pakainin, ano? At may take out ka pa talaga ha!' sigaw sa akin ni Kim habang nag-dadrive. Back to roadtrip na naman kasi kami. And yeah right, nagtake out nga ako. In case na gutomin ako sa daan.

'CHE!!! Magdrive ka na nga lang diyan. Emergency purpose 'to 'no?!' Nakakairita talaga. Pati ba naman pagkain ko pinapaki-alam! Pakialamero.

Oh jeezzz... Ang kati ng ilong ko. Parang... parang... mababahing ako? Sandali! Oh no! Nararamdaman ko na siya... Hindi ko na mapigilan... Haaaaaaa... Haaaa... 'HAAAAAACHUUUUUUUU!!!' Wala na. Pinakawalan ko na. 'Kim naligo ka ba?' mapang-asar kong tanong agad sa kanya.

'Kahit kalian, hindi ka pa rin nagbabago.' At inabutan niya ako ng panyo. Ha? Ano 'yan? Nagpapaka-gentleman? Eh no'ng una nga kaming nagkita nito, inapak-apakan niya lang 'yong panyo ko. Pero, sige, pabigyan natin. Kinuha ko 'yong panyo niya at saka malakas na nag-blow. Haaay... para atang aatakihin na naman ako ng Sinusitis ah. Ang malas naman oh.

'By the way, pinahid ko nga pala 'yan sa pawis ko kanina.' WHAAAT?! Ano raw? 'Yong panyo niya? Pinahid niya sa pawis niya? Eeeew!

'KADIRI KA KIM! Pagkatapos binigay mo sa'kin? Ayos ka rin, 'no? Ang sama talaga ng ugali mo! Yuck! Eww! Eeeeh! Makapag-alcohol nga.' Haha! Ang arte ko lang?

'Awsus! Bangong-bango ka rin lang naman sa pawis ko eh.' Ano raw sabi? Ako? Nababanguhan sa pawin niya? Ayyy nakuuu! Napaka-feelengero talaga ng lalaking ito! Pigilan niyo ako! Pigilan niyo ako! Baka hindi ako makatimpi, ihuhulog ko talaga siya sa sasakyang ito!!! Wala akong paki-alam kahit hindi ako marunong magmaneho! Basta! Ihuhulog ko siya! Pero syempre, joke lang.

'Ang baho ng pawis mo!' sigaw ko na lang sa kanya. 'Amoy imbornal.' Mwahaha! Ang dagdag ko pa. And something ticks in my head. 'Ahhhh...hahaha! Ang dapat palang itawag sa'yo ay KIMbornal!!!' HAHAHAHA! At hindi ko talaga napigilang tumawa! 'HAHAHAHAH! HAHAHAHA!' And I saw na medyo umuusok na 'yong tenga at ilong niya sa galit. Hahaha! Bagay nga sa'yo.

'What did you say?!!!' Naku! Hala ka, Max. Mukha yatang napikon mo si kuyang masungit. Bahala nga siya diyan. Siya naman ang nag-umpisa eh.

'Ang sabi ko... KIM—-BOR—-NAL.... KIMBORNAL....KIMBORNAL...'

Mas lalo atang nagalit eh. Knowing Kim? Eh napaka-pikunin talaga ng mokong na 'to. HAHAHA! Abaa! Mali ata siya ng kinalaban.

'Bawiin mo 'yong sinabi mo! Kun'di!' Hala... nagalit na. Hahaha! Pero ang cute niyang panoorin kung galit siya. Parang bata na may kaaway sa paglalaro.

'Kun'di ano Kim?' Pinoprovoke ko pa talaga siya, ano? Hahaha! Gusto ko talaga 'yong mga ganitong pangyayari eh. 'Yong ako 'yong nag-aasar kay Kim at hindi siya. Mwahahaha! Bigla niyang hininto ang sasakyan.

'Aaaah!' Mabuti na lang at may seatbelt ako. Ang lakas ng impact eh. 'Ang sakit no'n ah! Ano bang problema mo?'

'Ako ba talaga hinahamon mo, Max?!' Ooooh myyy... unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa'kin. AAAAAAAAAAAHHHHHHHH! Ano 'to?! Anong gagawin niya? Ang lapit-lapit na talaga ng mukha niya sakin nang...

'ANG PANGIT MOOOO!!!' sigaw niya sa tenga ko. At bumalik siya sa pagkakaupo at muling nagmaneho.

GRRRR! Gusto ko na talaga siyang kainin ng buhay! Nakakainis siya! Nakakainis! Sinigawan ba naman ako na ang pangit ko daw? Ako? Sa gandang 'to?!

University LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon